“Magandang gabi po, Señorito. Magandang gabi po, Ma'am Zairyle,” bati sa amin ni Aling Lilia nang makapasok kami sa loob ng bahay ni daddy ninong.
Nagulat pa nga ito dahil pabalya ang pagkakabukas ni daddy ninong sa pinto. Halatang bad mood ang daddy ninong ko.
“Magandang gabi rin po, Aling Lilia,” pabalik kong bati habang nakangiti.
“Ang ganda mo naman at ang sexy mo pa riyan suot mo,” puri pa nito na ikinatawa ko.
“Pasaway po talaga kayo! Hindi naman po masyado,” sabi ko.
“Totoo naman kasi, eh! Siguro may kasintahan ka na, ‘no?” panunukso pa sa akin ni Aling Lilia.
“Where is Juliet?” tanong bigla ni daddy ninong kay Aling Lilia kaya naman napahinto kaming dalawa sa aming pagbibiruan. “What food did she cook?”
“Naroon po siya sa kusina, Señorito. Kakain na po ba kayo?”
Hindi sinagot ni daddy ninong si Aling Lilia. Sa halip ay dumiretso na lang kami sa kusina habang nakahawak siya sa kamay ko.
“Sit down,” seryosong utos sa akin ni daddy ninong nang makarating kami sa dining room.
Bata pa lang ako ay labas-pasok na ako rito sa bahay niya kaya naman sanay na sanay na ang mga tao rito na palagi akong nakikita.
“Narito na pala kayo,” wika ni Aling Juliet nang makita niya kami ni daddy ninong sa loob ng dining room.
“Magandang gabi po, Aling Juliet,” bati ko. Sa mga oras na ‘to ay nagpapahinga na dapat ang matanda dahil gabi na.
Kaya lang ay tinawagan yata ito ni daddy ninong kanina at sinabi na dito kami kakain kaya dali-dali siguro itong nagluto.
“Umupo ka na at nang makakain ka na,” utos ni Aling Juliet kay daddy ninong. “Saan ba kayo galing? Ang gaganda naman ng mga bihis ninyo ngayon. Sa party ba kayo galing?”
“Galing po kami sa birthday party ng kaklase ko,” sagot ko dahil parang walang balak sagutin ni daddy ninong ang tanong ni Aling Juliet.
“Ganoon ba? Kaya pala pareho kayong nakaporma nitong alaga ko, eh. Akala ko, nag-date kayong dalawa kaya ganiyan ang mga suot ninyo, eh.”
“Hindi po,” tipid kong sagot. Napansin ko si daddy ninong na salubong ang mga kilay habang tahimik na sumusubo ng pagkain kaya kinalabit ko siya. “Daddy Ninong, ayos lang po ba kayo?”
“Don't mind me,” sagot niya sa akin ng hindi ako tinitingnan.
Nagkatinginan tuloy kami ni Aling Juliet. Kalaunan ay nagkibit-balikat ang matanda sabay iling. Halata na wala na naman sa mood ang daddy ninong ko.
“You can sleep now.”
“Ako po?” tanong ko. “Hindi pa po ako tapos kumain, Daddy Ninong.”
“Si Juliet ang tinutukoy ko.”
“Ah, okay po.”
“Kung ganoon ay maiwan ko na muna kayo,” wika ni Aling Juliet sa amin. “Pagkatapos ninyong kumain, iwanan niyo lang ang mga iyan at si Lilia na ang bahala riyan.”
“Sige po. Salamat po, Aling Juliet.“ Tumango lang ang matanda at pagkatapos ay tinalikuran na kami.
Pag-alis ni Aling Juliet ay hinaplos ko ang braso ni daddy ninong. “Galit po ba kayo sa akin?” tanong ko.
“I'm not.”
“Hindi po ako naniniwala,” sabi ko pa. “Matagal ko na po kayong kilala kaya alam ko kung kailan po kayo galit at kung kailan hindi.”
“Hindi lang maganda ang pakiramdam ko ngayon,” sagot ni daddy ninong kaya bigla akong nag-alala.
“What do you mean? Are you sick, Daddy Ninong?”
“Masakit lang ang ulo ko.”
“Ganoon po ba?”
“Yeah.” Inubos ko kaagad ang pagkain ko at pagkatapos ay kinuhaan ko ng gamot ang daddy ninong ko para sa sakit ng ulo. Alam ko kasi kung saan nakalagay ang mga bagay-bagay lalo pa't lagi naman akong narito sa bahay niya.
“Daddy Ninong, inumin niyo po ito kapag naubos mo na po ‘yang kinakain ninyo at pagkatapos po ay umakyat na kayo sa kuwarto ninyo at magpahinga na," ani ko nang mailapag ko ang gamot sa harapan niya.
“Okay.”
Nang mainom na ni daddy ninong ang gamot niya ay sinabihan ko siya na umakyat na siya sa kaniyang silid para makapagpahinga na.
“Daddy Ninong, ako na po ang bahalang magligpit dito. Magpahinga na po kayo dahil may trabaho pa po kayo bukas. Susunod na lang po ako sa inyo pagkatapos ko rito.”
“Go to your room too and leave that to them. I want you to take a rest too.”
“Magliligpit po muna ako rito bago ako pumunta sa kuwarto ko. At saka, nakakahiya naman kung sila pa ang magliligpit gayong tayo ang huling kumain.”
“Zairyle Anne, ‘wag mo nang dagdagan ang sakit ng ulo ko ngayon. I'm not feeling well and I don't want to argue with you about this matter.”
“Pero…”
“Let's go, Zairyle.”
“Sige po.” Hindi na ako nakipagtalo pa dahil ayaw ko nang madagdagan pa ang sakit ng ulo na nararamdaman ni daddy ninong.
“Daddy Ninong," tawag ko sa pangalan niya habang papunta kami sa kaniya-kaniya naming kuwarto.
“What?”
“Can I sleep in your room?”
“Why?”
“Gusto ko lang po.” Gusto ko kasing mabantayan siya. Hindi kasi ako nakasisiguro na ulo lang talaga ang masakit sa kaniya. “Can I, Daddy Ninong?”
“No.”
“Bakit naman po?”
“How can I rest if you're in my bed too?”
“Oh, bakit? Ano naman po ang masama roon? Eh, ‘di ba nagtatabi naman talaga tayong matulog dati pa?”
“Yes, but it's different now. You're grown up now compared to–”
“Ayos lang po ‘yon, Daddy Ninong,” putol ko sa kaniya. “Wala pa rin namang nagbabago kahit malaki na po ako, eh.”