“Zairyle!”
Napatingin ako kay Aida nang tawagin niya ang pangalan ko kaya napahinto sa paghakbang palabas ng pinto ng bahay nila.
Tumawag na kasi si Daddy Ninong na malapit na raw siya kaya lumabas na raw ako sa gate ng bahay nina Aida.
“Bakit, Aida?”
“Sandali lang!”
“Bakit?”
"May gusto lang akong itanong."
"Ano naman 'yon?"
“Kasama ba ni Daddy Ninong mo ‘yong lalaking kasama niya kaninang umaga sa park?”
“Sino?” takang tanong ko.
“‘Yong lalaking kasama niya nga kanina. ‘Yong lalaking mukhang aso.”
“Ha? May kasama ba silang mukhang aso kanina, Aida?”
“‘Yong lalaking nakasuot ng puting long sleeve kaninang umaga.”
“Ah, si Tito Zavian?” tanong ko habang nakaigkas ang isa kong kilay. “Mukha ba siyang aso sa paningin mo?”
“Mukha rin siyang unggoy. Hindi nga mukhang unggoy kun’di mas malala pa, eh.”
Sa pagkakataong ito ay hinarap ko na si Aida habang nakakrus ang mga braso ko. Sa totoo lang, nagdududa na talaga ako sa babaeng ‘to.
“Kaunti na lang talaga ay iisipin ko nang si Tito Zavian ang nakauna sa ‘yo,” ani ko. “Siya nga ba, Aida?”
“Hindi, ‘no!” tanggi ni Aida. “Hindi ba p'wedeng napapangitan lang ako sa kaniya? Isa pa, halatang senior citizen na ang lalaking ‘yon. At saka, ano’ng akala mo sa akin, pumapatol ako sa senior citizen na?”
“Ang harsh mo naman,” sabi ko kay Aida habang natatawa. “Hindi mo ba alam na kahit senior citizen na si Tito Zavian sa paningin mo ay maraming babae ang naghahabol doon? Hay naku, kung alam mo lang, Aida.”
“M-maraming bang babae ang umaaligid sa senior citizen na ‘yon, Zairyle?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ng magaling kong kaibigan.
“Sobra!”
“T-talaga?”
“Talagang-talaga!”
“Ganoon ba?”
“Ang alam ko nga may girlfriend na ‘yon at malapit ng ikasal, eh,” pagsisinungaling ko. "'Yon ang narinig kong usap-usapan nila."
Gusto ko lang talagang mahuli ‘tong kaibigan ko dahil halata talaga na may itinatago siya sa akin.
“A-ano?”
“That's true!” diin ko. “Don't worry, babalitaan kita palagi tungkol kay Tito Zavian.”
“‘Wag na dahil baka masira lang ang araw ko,” walang gana na wika ng kaibigan ako.
Halatang biglang nawalan ng gana nang malaman na maraming babae ang nagkakagusto kay Tito Zavian.
Marami naman talaga kasi ang nagkakagusto sa lalaking ‘yon dahil isa ako sa mga saksi kung paano mabaliw ang mga babaeng empleyado ni daddy ninong kapag pumupunta si Tito Zavian doon.
“Bakit naman? May problema ba?”
“Wala naman. Siguro, hindi lang ako makapaniwala na habulin pala ng babae ang matandang ‘yon,” medyo inis na wika ng kaibigan ko.
“Sino ba naman ang hindi magkakagusto Kay Tito Zavian, eh, halos lahat na yata ng katangian na hinahanap ng isang babae ay taglay na niya. Matangkad, malaki ang katawan, guwapo at saka ubod pa ng yaman. Isa lang naman ang problema sa kaniya, eh.”
“Ano?”
“‘Yong pagiging nonchalant niya.”
“You mean he is a cold blooded senior citizen?”
“Parang ganoon na nga.”
“I see.”
“Pero, mabait naman ‘yon si Tito Zavian kapag nakuha mo talaga ang ugali niya. I think, same lang sila ni Daddy Ninong ng ugali. Si Daddy Ninong din naman kasi ay parang si Tito Zavian na parang walang pakialam pero ang totoo ay alagang-alaga ako no’n.”
“He cared about you because he is your godfather and you also considered him as your second dad, Zairyle. Your relationship with your Daddy Ninong is far from me and that senior citizen guy.”
“So, kumpirmado nga?” tanong ko.
“Ang alin?” maang-maangan nitong wika.
“Na si Tito Zavian ang nakakuha ng virginity mo?”
Tinawanan lang ako ni Aida sabay kurot sa pisngi ko. “Baliw ka talaga!”
“Bakit?” takang tanong ko. “Ano’ng nakakatawa?”
“Natawa lang ako bigla.”
“Dati ka bang baliw, Aida? Ano ‘yon, natawa ka lang bigla kahit walang nakakatawa?”
“Masyado ka kasing seryoso,” aniya. “Kaya tuloy iniisip mo na ang lalaking nakauna sa ‘kin at ang Zavian na ‘yon ay iisa. Hay naku, Zairyle! Kahit sa panaginip ay hindi ko pinangarap na pumatol sa lalaking wala na sa kalendaryo ang edad. Diyos ko, mas matanda pa nga yata ang lalaking ‘yon kumpara sa daddy ko, eh! At saka, ang mga kagaya niya ay malapit ng kunin ni Lord, ‘di ba?”
“Para kang abnormal” sambit ko sabay pitik sa tainga ng kaibigan ko.
“Oh, bakit? Tama naman, ‘di ba? Sa susunod niyan, nakasakay na ng wheel chair ang Zavian na ‘yon dahil sa katandaan niya. Ayaw kong mag-alaga ng matanda kaya ayaw na ayaw ko talaga sa mga lalaking halos kasing-edad na ng lolo at lola ko.”
“Sobra ka naman!” bulalas ko. “Masyado mo namang hinahamak si Tito Zavian, Aida. For your information, he's only in his forties not sixties. Ginawa mo namang triple ang edad niya.” Tinitigan ko ang kaibigan ko habang pinanliliitian ko siya ng mga mata.
“Ba’t ganiyan ka makatingin?”
“Naku, Aida! Magdasal-dasal ka na simula ngayon.”
“Bakit naman?”
“Magdasal ka nang hindi ka maging isa sa mga babaeng naghahabol o maghahabol kay Tito Zavian. Naku talaga! Kapag nalaman ko talaga na may gusto ka kay Tito Zavian ay aasarin talaga kita araw-araw.”
“Over my dead sexy body, Zairyle!” singhal nito sa akin sabay iwas ng tingin. “Malabong-malabo na mangyari ‘yon na magkagusto ako sa isang matandang siraulo! Hay naku! Mukha pa lang ng lalaking ‘yon ay halatang hindi na mapagkakatiwalaan, eh! Kung makatingin pa’y akala mo ngayon lang nakakita ng babae sa buong buhay niya!”
“Ba’t galit na galit ka?” tanong ko. “Ayos ka lang ba?”
“Hindi ako galit! Inis na inis lang ako!” sigaw ng babaeng ‘to na animo'y may kaaway ito na hindi ko nakikita. “Nakakainit ng ulo ang pagmumukha ng lalaking ‘yon–”
“Did you two fight?” Halos sabay kami ni Aida na napalingon sa pinanggalingan ng boses kasabay ng pananahimik ni Aida.
Dumating na pala ang sundo ko.
Hindi ko napansin ang pagdating ni daddy ninong dahil ang atensiyon ko ay naka-focus lang kay Aida.
“Hindi po!” magalang na sagot ni Aida sa daddy ninong ko habang malapad na nakangiti. “Ahm, kanina pa po pala kayo hinihintay ni Zairyle.”
Tiningnan ako ni daddy ninong. “Oh, I see. Did you already eat?” Umiling ako. “Why haven't you eaten yet?”
“Sabay na lang po tayo, Daddy Ninong.”
“It's already past eight in the evening! Why haven't you two eaten?” tanong ni Tito Zavian na bigla na lang sumulpot mula sa likuran ni daddy ninong.
Magkasama pa rin pala sila hanggang ngayon? And why is he mad? He's mad because we haven't eaten yet? Ano naman ngayon sa kaniya kung hindi pa kami kumakain?
Ang gusto ko kasi ay sabay kami ni daddy ninong samantalang si Aida naman ay hihintayin pa raw ang pagdating ng mga magulang niya saka sila kakain ng sabay-sabay.
Pasimple akong napatingin kay Aida.
Nakita ko kung paano mapalunok ng sunod-sunod ang kaibigan ko. Is she afraid of Tito Zavian?
“Ahm, maaga pa naman po kasi,” magalang na sagot ni Aida kay Tito Zavian makalipas ang ilang sandali. “Pauwi na rin naman ang mommy at daddy ko kaya kakain na rin ako mayamaya.” Tumingin sa ‘kin si Aida habang nakangiti. “Zairyle, umuwi na kayo dahil gabi na. Papasok na rin ako sa loob dahil mahamog na rito. Ahm, sige ha? Ba-bye! Ingat kayo sa pag-uwi!” pagkatapos niyang sabihin iyon ay kumaripas na ito ng takbo at mabilis na isinara ang pinto at pagkatapos ay dumilim na sa loob dahil pati mga ilaw ay pinatay na rin ng babaeng ‘yon.
“She's unbelievable,” pabulong na wika ni Tito Zavian ngunit umabot iyon sa pandinig ko. “We will see each other again, witch. You will see my face often.”
“Tito Zavian,” pukaw ko sa atensiyon ni Tito Zavian. “Kilala niyo po ba ang kaibigan ko?”
“No.”
“Sigurado po kayo?”
“Yes. I'm not interested in anyone, especially to a woman who has a mental disorder.”
“Ha?”
“Let's go home, baby. Stop asking Zavian about your friend,” singit ni daddy ninong sa usapan namin ni Tito Zavian. “You might get cold here.”
“Okay po, Daddy Ninong.” Napailing na lang ako habang papunta kami sa direction ng sasakyan ni daddy ninong.
Nakakapagduda talaga ang naging kilos ng kaibigan ko maging ang mga salitang binitiwan ni Tito Zavian kanina.