Himala dahil ngayon lang ako naunang nagising kay daddy ninong. Kapag magkasama kasi kaming natutulog ay laging ako ang nahuhuling nagigising sa aming dalawa. Hindi ko alam kung anong oras na siya natulog kanina para mapuyat siya ng ganito. Ako kasi ay nakatulog din agad pagkatapos kong maligo. Naisipan kong dumapa ng higa habang nakapangalumbaba. Gusto kong panoorin ang daddy ninong ko habang natutulog. I love my daddy ninong so much. He's the only one I have. Sana, lagi na siyang maging mabait sa akin at hindi na basta-basta uminit ang ulo niya. Eh, kasi naman natatakot ako kapag nagagalit siya. Kagaya na lang kanina, hindi niya pinalampas ‘yong galit niya roon sa matanda. Imbes na pagpasensyahan na lang dahil may edad na, sinigaw-sigawan pa at kulang na lang ay murahin niya

