EIGTH

2288 Words
NANG makarating sila sa kanilang mansion, agad na bumaba si Danna-ann sa kotse niya mismo na minamaneho ni Ethan. Padabog na isinara ni Danna-ann ang pinto tsaka walang lingon-lingon na iniwan ang binata. Narinig pa niya na ilang beses siyang tinawag nito pero hindi niya pinansin. Dumiretso siya sa kaniyang silid at agad na ni-lock ang pinto. Nagngingitngit pa rin ang kalooban niya. Nagawa siya nitong matunton sa resthouse ni Skite. Kung hindi niya pa nakita ang presensiya nito roon hindi niya malalaman na magkamag-anak ang dalawa. Ang kaibigan niya rin ang nagsabi sa kaniya na ito ang nagsabi na naroon siya. Napasalampak siya ng upo sa malaking kama niya at seryosong nakatingin sa kulay berdeng wall ng kaniyang silid sa harapan bahagi niya. Bumabalik sa isipan ang naging reaksiyon niya matapos marinig ang sagot ni Skite sa itinatanong niya rito. Halos maningkit din ang kaniyang mga mata sa pagbabalik sa kaniyang isipan ng nangyaring eksena nang makita niya ang manong na tinatawag niya sa b****a ng pintuan ng resthouse ni Skite. Tila iyon isang eksena na napapanood niya ngayon. Agad niyang nilingon ang tinitingnan ni Skite, dahil ang pangalan na binangit nito sa kaniyang tanong ay kilala niya. Ewan pero biglang sumikdo ang puso niya. Agad siyang napatayo nang makalakapit ito sa kanila ni Skite tsaka nagtanong. “Paano mo nalaman na nandito ako?” agad na tanong ni Danna-ann nang makita si Ethan. “Sinabi ni Skite na nandito ka nga raw kaya halika na ihahatid na kita pauwi sa mansion,” seryosong saad ni Ethan sa dalaga. “Teka, magkakilala kayo? Paano?” tanong ni Danna-ann na takang-taka. Napunta ang paningin niya kay Skite nang ito ang sumagot sa tanong niya na para kay Ethan. “He's my Uncle. Pinsan siya ni Mama,” sagot ni Skite. “What?! Ang manong na ito tito mo. Bakit ngayon ko lang nalaman?” “Lately ko lang din nalaman na kilala ka ni Tito Ethan. And since nabangit niya sa akin minsan na sa kaniya ka ibinilin ng Daddy mo para bantayan kaya naisip ko na i-text siya kanina para masundo ka nga. Isa pa sa naisip ko mahirap biyahe rito kapag pauwi. Madalang na ang pampublikong sasakyan. Although, puwedi naman kitang ihatid kaya lang bigla ko nga naisip si Tito. “Of all people siya pa talaga ang kinontak mo?” “Why and what’s wrong with that? In the first place, siya talaga naisip ko na contact-in dahil sabi ko nga hindi ba na ibinilin ka ng daddy mo sa kaniya. You kow, Danna kung ganiyan na ayaw mo ng nasusundo pala sa mga lakad mo, better siguro na mag-aral ka ng magmaneho nang hindi ka umaasa sa mga public vehicle.” Hindi siya kaagad nakasagot sa mga sinabi ni Skite lalo na sa suhestiyon nito na mag-aral siyang magmaneho. Siguro nga dapat na siyang mag-enroll sa driving lesson. Pero ang totoo kasi mahina talaga ang loob niya sa paghawak ng manibela. “Hmmp.” May pagtataray na ingos niya pa sa kaibigan. “Sa ayoko, eh.” “Iyon na nga, kaya wala kang choice.” Alam niyang babarahin lang siya ni Skite kapag usapang pagmamaneho. Matagal na kasi nitong sinasabi na mag-aral siyang magmaneho at huwag palaging nakaasa sa mga taxi or whatever. Hindi naman nito nilalahat ngunit hindi naman kasi lingid sa kaniya na may mga insidente na mismong driver ng taxi or grab service ang sangkot. Shes lucky kasi hindi siya nakae-encounter ng mga ganoon, pero how about sa mga darating at susunod na mga pagkakataon. Dinampot niya ang shoulder bag niya na ipinatong sa maliit na table ni Skite. “Okay, aalis na ako pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko at hindi kita titigilan hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung sino si Code Zero sa likod ng maskara nito.” Napansin niyang biglang naging mailap ang paningin ni Skyte at pasimple rin itong napalunok bago nagsalita. “I have nothing to tell you my friend, because first of all before you enter the mask bar you know all the rules. Right?” “Pero kasi nga—” Nabitin ang sasabihin niya nang biglang magsalita si Ethan. “That's enough, Danna-ann halika na!” Kasabay ng pagtalikod ni Ethan sa kanilang dalawa ni Skite para lumabas ang tuluyang pagkablangko ng mga eksenang iyon sa pagkakatitig niya sa green wall ng kaniyang silid Nahimigan niya ang inis sa boses ni Ethan kanina ng bagitin niya ang mask bar kay Skite at labis niyang ipinagtaka iyon, pero wala siyang pakialam, naiinis din ang nararamdaman niya ngayon. Mas lalo niya tuloy naramdaman ang sidhi na muling makapasok sa bar na iyon at malaman kung sino ang nasa likod ng maskara. She feels something mysterious behind that mask. Ilang katok sa kaniyang pinto ang narinig niya kasabay ng pagtawag rin nito sa pangalan niya. “Danna-ann open the door, we need to talk!” Nang marinig niya ang boses ni Ethan sa labas ng kaniyang silid marahil tama nga ito na dapat silang mag-usap. Habang nasa biyahe sila pauwi hindi naman siya tinangkang kausapin nito para bigyan man lang siya ng paliwanag sa sinabi ni Skite na ibinilin siya ng daddy niya pala rito. Mabuti pa si Skite alam iyon, samantalang siya walang kaalam-alam. Kaya naman nagbago na ang isip niya. Ayaw na niya itong makausap na. Isa pa ayaw niya itong kausap at sadyang naiinis siya rito simula kaninang umaga pa. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at lamukusin niya ang pagmumukha nito katulad ng ginawa nito sa kaniyang passes card. Kaya pala ganoon na lang siya kung balik-balikan sa mansion ng manong na ito. Minsan naman tumatawag pa para lang i-check siya sa kanilang mga maid kung nakauwi na siya. Alam niya iyon kasi sinasabi ng mga maid niya sa kaniya. Sa nangyari hindi niya tuloy maiwasan ang sumama ang loob sa ama. Ano siya batang paslit na kailangan pa talagang ihabilin para lang bantayan? Sige pa rin ang katok ng binata pero pinangatawanan niya ang pagtetengang kawali. Oo, naiinis siya talaga sa nangyayari pero kung may dapat man siyang tanungin marahil ang daddy niya na mismo iyon at hindi ito. Humiga siya sa kama ng padapa at dinampot ang feather pillow na may pundang kulay berde rin. Itiakip niya iyon sa likod ng kaniyang buong ulo upang sa gayon ay mabawasan ang lakas ng pagtawag nito sa kaniyang pangalan na ikinaiirita na niya nang sobra. Mayamaya ay biglang tumahimik. Tanging papalayong yabag ng sapatos ang narinig niya. Marahil sumuko na rin ito at naramdaman na wala siyang planong pagbuksan ito talaga. Ganoon pa ma'y hindi siya natinag sa pagkakapuwesto sa pagkakadapa. Pinanatili niya ang ganoong posisyon habang ikinakalma ang sarili nang biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang silid sanghi para mapabangon siya bigla. Kung gaano kabilis nabuksan ni Ethan iyon, gaoon din kabilis nitong naisara iyon. Hindi pa nakuntento at nakita niyang ini-lock pa. “Get out of my room, now! This is my private area at wala kang karapatan pumasok dito ng wala akong pahintulot!” wika ni Danna-ann. “Sinubukan ko hindi ba? Halos mamaga na nga ang kamao ko sa pagkatok pero hindi mo ako pinagbubuksan. So, ano sa tingin mo ang gagawin ko ha, para lang harapin mo ako? Talk to me because I want to talk to you. Don't you understand that?” “Duhhh. . . Hindi ba kapag mga businessman matatalino? Eh, bakit parang sa iyo ikinabobo mo!” singhal ni Danna-ann sa binata. Daig pa ni Ethan ang sinuntok sa dibdib ng marinig niya ang sinabi nito. Insulto iyon sa tulad niyang ang nais lang naman ay makausap ang dalaga ng maayos para maibigay ang paliwanag niya kung bakit inihabilin ni Ricardo ang anak sa kaniya. Hindi niya piniling habang nasa biyahe sila pauwi kausapin ito. dahil para sa kaniya hindi iyon ang tamang lugar para ipaliwanag ang lahat. Ngunit hindi niya inaasahan na hindi siya haharapin ng dalaga para magkausap sila ng maayos nang makarating na sila rito sa mansion. “Si Daddy ang mas dapat kong makausap, hindi ikaw. At tsaka hindi mo ba nahahalata Manong na ayokong kausap ka. Matapos mo akong halikan doon sa restaurant mo ng basta na lang, do you think magiging okay ka pa sa akin!” muling saad ni Danna-ann. Tinanggal ni Ethan ang suot na salamin sa mata. Inilapag iyon sa side table ng dalaga na malapit lang sa pwesto niya. Doon nakapatong ang kung ano-anong mga personal things nito tulad ng mga pabango, polbo, foundation, make up kit at kung ano-ano pa. Matapos iyon muli siyang humarap sa dalaga. “That kiss,” wika ni Ethan na may nakapaskil na nakalolokong ngiti sa labi. “Oh, come on, Danna-ann. Huwag mong itanggi na nagustuhan mo rin naman ang halik na iginawad ko sa iyo. Huwag mo rin palabasin na sinamantala ko ang pagkakataon na palalimin ang halik na iyon dahil tumugon ka sa halik ko. That's the sign you want more, little girl.” Napalunok si Danna-ann. Nasukol siya ng binata roon. Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng puweding idahilan bakit iyong halik pa na iyon ang naisip niyang sabihin. Nakakita tuloy ito ng pangbalik sa kaniya. Bigla tuloy naumid ang dila niya para magsalita pa. Mas lumapit pa si Ethan sa dalaga. Sa tingin ni Danna-ann tila dalawang dangkal na lang ang pagitan nang layo ng mga katawan nila. Hindi niya tuloy maiwasan ang mapatitig sa mga mata ni Ethan at parang bahagyang tumigil ang sandali sa kaniya. Hindi niya maitindihan kung bakit iba ang nakikita niya sa mga mata nito. Gustuhin man niyang iiwas ang paningin dito pakiramdam niya ay na-magnet na iyon. ‘Danna-ann, wahat are you doing? Alisin mo ang paningin mo sa mga mata ng lalaking iyan dahil baka mahulog kang muli sa bitag niya,’ tinig iyon sa kaniyang isipan. Ngunit sadyang matigas yata ang ulo niya dahil hindi siya nakinig. Mas nangibabaw ang kagustuhan niyang mas titigan pa iyon. Ang mga mata nito na tila may tinatagong gusto niyang makita na hindi niya alam kung ano. Dahil sa pagkaabala niya sa mata ng binata at paglalakbay na rin ng isipan niya sa dako pa roon, hindi niya napaghandaan ang sunod na ginawa ni Ethan sa kaniya. Bigla nitong hinapit ang baywang niya at inilapit nang husto ang mukha sa mukha niya. Halos magdikit na ang labi nila pareho dahil kaunti na lang ang pagitan ng mga iyon. Salamat sa pagiging matangos ng ilong niya na namana niya pareho sa kaniyang mommy at daddy. Maging ang ilong ng binata ay matangos din dahil nagsilbing pagitan nila ang mga iyon upang hindi tuluyang maglapat ang labi nila. Naamoy niya ang mabangong hininga ng binata ng magsalita ito. “Kaya kong patunayan na hindi lang halik ko ang magugustuhan mo kung hindi higit pa roon. Kaya huwag mong ubusin ang pasensiya ko sa iyo, little girl.” Nagulat man siya sa ginawa nito. Pilit niyang pinatatag ang boses. “Talaga ba, Manong? Bakit hindi mo subukan ng magkaalaman tayong dalawa rito? Sige subukan mong gawin para magkaroon ako ng dahilan lalo para mas layuan ang katulad mo. Wala rin akong pakialam kahit ibinilin pa ako sa iyo ni daddy.” Naramdaman ni Danna-ann ang isang kamay ni Ethan na gumapang pataas sa kaniyang likod. Dahan-dahan nito iyon ginagawa habang magkasugpong pa rin ang mga mata nila. Sa ginagawa nito’y kakaibang kuryente ang hatid niyon sa kaniyang katawan. Nagtaasan din ang maninipis niyang balahibo sa katawan. Nahigit niya ang paghinga nang ang kama'y nito ay patungo na sa kaniyang dibdib at nang marating ang destinasiyon na sadyang pakay ng kamay nito'y huminto iyon sa kanan niyang dibdib na ikinalaki ng mata niya. Hindi naging sagabal ang mga suot niya para hindi madama ang init ng palad nito sa kaniyang balat. “Hindi mo iyan magagawa sa akin dahil hindi ko pahihintulutan,” anas ni Ethan kasabay na bahagyang pagmasahe sa dibdib ng dalaga. Hindi inaasahan ni Danna-ann ang mahinang ungol na namutawi sa kaniyang tinig dahil sa banayad na paghimas ni Ethan sa kaniyang dibdib. Hindi ba dapat ay magalit siya pero bakit nagugustuhan niya ang ginagawa nito sa kaniya. Napapikit pa siya at mas dinama ang sarap na dulot niyon sa kaniyang katawan. Lihim na napangiti si Ethan sa response ng dalaga sa kaniya patunay ang hindi nito pagpalag. Alam na alam niya kung paano kukunin ang kiliti ng dalaga sapagkat alam niya na pilit lang nitong pinapaniwala ang sarili na hindi nito gusto ang halik na iginawad niya rito. Hindi siya mangingiming lumagpas pa roon lalo at madali lang niyang mapasusunod ang dalaga sa bawat himas pa lang niya. Kung ito lang ang paraan para mapunta sa kaniya ang atensiyon nito at mawala sa mask bar na iyon at kay code zero, gagawin niya. Kaya mas pinagbuti niya pa ang paghimas doon habang nakapikit ito. Nagpasiya siyang ibaba ang kamay padausdos sa hita ng dalaga at pinagapang iyon paangat sa suot nitong fitting skirt na ang haba ay hanggang kalahati ng hita nito. Palibhasa ay galing ito sa opisina kaya naka office attire pa ito at hindi pa naman nakapagpapalit pa. Mas iniangat iyon patungo sa gitnang bahagi sa pagitan ng dalaga at inilapat ang mga daliri sa hiwa ng p********e nito at hinimas iyon ng pababa at pataas. Dinama ng hinlalaking daliri nito ang munting perlas ng dalaga at tsaka hinimas iyon ng paikot. Hindi naging sagabal sa malikot niyang mga daliri ang manipis na panty nitong suot. Napakagat naman ng labi ang dalaga para pigilan and muling pag-alpas ng mahinang ungol sa kaniyang tinig. Isa lang ang sigurado siya na muli niyang nagugustuhan ang bagong ginagawa sa kaniya ng tinatawag niyang Manong Ethan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD