NAKANGITING kinamayan ni Ethan ang kausap na Businessman matapos ang kanilang successful na deal. Marahil nasa singkwenta na ang edad nito “Thank you so much Mr. Javier for this big opportunity. Ipinapangako kong hindi ka magsisisi sa partnership natin na ito,” wika ni Ethan.
“I'm glad to hear that Mr. Fernandez. So, I have to go para masolo mo na rin ang girlfriend mo at mukhang inip na inip na kanina pa. Nakangiting dagdag biro pa nito.
Hindi naman nakaligtas sa matalas na pandinig ni Danna-ann ang sinabi na iyon ng kausap ni Ethan. Aalma na sana siya upang itama ang maling hinala nito sa kanilang dalawa. Handa na sana siyang magsalita pero isang babalang tingin ang ngayo'y nakarehistro sa mga mata ng binata kaya saglit siyang natigilan.
Kapwa sila nagsukatan ng tingin. Wala siyang planong magpasindak sa tingin ng binata, basta itatama niya ang maling hinala ng kausap nito.
Kaya nagpasiya siyang tumayo buhat sa pagkakaupo at hinarap pa rin ang Ginoo. “Mawalang galang na ho, Mr. Javier pero gusto ko lang klaruhin na hindi po ako girlfriend ng matandang ito,” aniya, sabay tipid na ngumiti. “Hindi ko rin po pinangarap na magkaroon ng boyfriend na hindi po nalalayo ang edad sa Daddy ko.” Inilipat niya ang tingin sa binata at muling nagsalita. “Isa pa, hindi ako avid fan ng mga mukhang sugar daddy na rin ang datingan.”
Halos hindi naman makapaniwala si Ethan sa mga lumabas sa bibig ng dalaga, lalo na sa huling katawagan na ikinabit nito sa kaniya. Alam niya na ikinapula iyon ng mukha niya, hindi dahil sa hiya kung hindi dahil sa galit na biglang umahon sa kaniyang pagkatao. Kung nagkataon na sinabi ni Danna-ann ang ganoon ng wala na si Mr. Javier tiyak na may kalalagyan ulit sa kaniya ang matabil nitong dila.
Ang tawagin siya nitong matanda o manong kaya niyang tanggapin pa dahil wala naman siyang magagawa kung iyon talaga ang tingin ng dalaga sa kaniya. Agwat kasi ng edad nila ang ginagawa nitong batayan. Pero ang tawagin pa siyang sugar daddy hindi na iyon katanggap-tanggap sa pandinig niya. He's only forty five years old. Malayo sa edad ng mga kinakabitan ng ganoong uri ng katawagan. Para sa kaniya mas bagay ikabit ang salitang iyon sa mga nasa senior citizen na ang edad.
Sa rami na rin ng nakakasalamuha niyang iba't ibang klase ng tao mapa matanda man o bata-bata pa, halos pare-pareho ang mga ito ng sinasabi pagdating sa panlabas na itsura niya. Mukha lang daw siyang trenta kasi.
Muling nagsalita ang dalaga. “Excuse me lang ulit kasi kailangan ko pa lang mag-banyo,” Hindi na niya hinintay na sumagot pa si Ethan at agad na umalis na rin.
Isang tapik sa kaniyang balikat ang nagpakurap sa binata at si Mr. Javier ang may gawa niyon. Kaya agad napunta ang atensiyon niya rito.
“Mga kabataan talaga ngayon iba na ang mga ugali. Tayo na talagang mas nakatatanda ang mag-a-adjust para sa kanila.”
Tipid na ngumiti na lang ang binata sa sinabi sa kaniya na iyon ni Mr. Javier.
Samantala, si Danna-ann nama'y hindi naman talaga sa banyo nagpunta. Paraan lang niya iyon para makaalis na. Iyong inis niya sa binata, pakiramdam niya ay nadagdagan.
Habang binabagtas ang daan palabas ng restaurant sa kaniyang paglabas, eksakto naman na may dumaan na taxi. Agad niyang pinara iyon at halos magmadali siyang makapasok sa loob nang huminto ito sa tapat niya. Sinabi niya ang address na nais niyang puntahan. Masuwerti siya at nakasakay siya kaagad kaya nakahinga siya ng maluwag. Siguradong bago mapansin ng binata nakalayo na siya.
Kanina pa kaya siya inip na inip habang nakikipag-usap si Ethan sa Mr. Javier na iyon para sa isang negosiyong iniaalok ng binata rito. Sa halos dalawang oras na iyon pakikinig lang ang ginawa niya sa mga ito.
Sinabihan din siya ng binata na kung maaari i-note down niya ang mga importanteng sa tingin niya'y dapat i-note. Oh, diba ginawa pa siyang instant secretary ng manong na iyon. Sa bwisit nga niya hindi niya iyon ginawa kahit may pakikiusap pa ang tono nito sa kaniya. Ano to sinuswerte?
Infairness lang kay Ethan napakahusay nitong magsalita pagdating sa paglalatag ng negosiyong iniaalok nito pulido at klaro kaya hindi nakapagtataka na makamit nito ang inaasam-asam na yes mula sa kausap.
Pero kahit na magaling itong kumumbinsi pagdating sa negosiyo hindi niya iyon na-a-appreciate. Tumatakbo kasi ang isipan niya sa ibang bagay. Hindi siya mapapakali kung hindi siya mismo ang makakaalam sa katotohanan sa sinabi ni Shenna sa kaniya kanina na text ni Skite.
May alam siyang lugar na pinagtatambayan ni Skite kapag ayaw magpa-istorbo sa ginagawa at nabangit nito iyon sa kaniya. Well, wish lang niya na sana naroon ito ngayon dahil doon ang punta niya.
Nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone at ng kaniyang tingnan ay hindi nakarehistro iyon sa kaniyang phone contacts. Hindi siya basta-basta sumasagot kapag unknown number lang unless na lang kung may inaasahan siyang tawag. Isa pa hindi niya ugaling basta-basta ibigay ang numero ng kaniyang cellphone. Mahigpit din niyang ipinagbawal kay Shenna at Skite na ibigay ang numero niya sa kung sino nang walang pahintulot mula sa kaniya.
Maraming lalaki sa kaniyang nanghihingi ng numero niya mismo sa mga bar na napupuntahan nila ni Shenna pero nag-iimbento siya ng numerong ibinibigay sa mga ito para lang tigilan na siya ng kakukulit. Curious man siya kung sino ang tumatawag sa kaniya ngayon, mas pinili niyang hindi iyon sagutin.
Matutuwa na sana siya nang tuluyan ng tumigil iyon sa pag-ring pero ilang saglit lang muli iyong tumunog at makitang same number pa rin. Hindi pa rin niya sinagot.
“Bahala ka riyan,” mahinang aniya.
Maya-maya isang text messages ang natanggap niya. Unknown number pa rin iyon. dahil text messages lang naman iyon kaya binasa niya.
Tumaas ang kilay niya sa nabasa. Hindi man nito binangit ang pangalan nito sa text nakatitiyak na siya kung sino ito sa klase pa lang ng pagkaka-text sa kaniya. Kung hindi niya sinagot ang tawag mas lalong wala siyang planong reply-an ang text nito.
Tiyak na muli siyang tatawagan nito kapag nainip sa reply niya kaya para walang istorbong tawag at text, tuluyan niyang ini-off ang cellphone.
“Akala mo ha.” Sabay ngiti.
“What the hell is she problem?!” mariin na turan ni Ethan matapos na cannot be rich na ang phone ng dalaga. Sa tagal nitong hindi nag-reply sa text niya kaya sinubukan niyang tawagan ulit at ikinadismaya niya talaga na hindi na ito ma-contact.
Nang makaalis si Mr. Javier ay hinintay niya ang dalagang makabalik buhat sa comfort room pero nagtaka siya dahil medyo matagal na ito hindi pa rin bumabalik. Nag-alala siyang baka kung ano na ang nangyari dito sa loob, maybe na-lock or whatever.
Nagpasiya siyang ipa-check ang dalaga sa loob sa janitress na eksaktong naroon. At ayon dito wala raw tao sa loob. Nang maisip na tinakasan siya ng dalaga ay agad niya itong tinawagan nga. Mabuti na lamang pala at kusang binigay ni Ricardo sa kaniya ang numero ng dalaga. Ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya.
“f**k!” muling mura niya. Kapag may nangyaring masama sa anak ni Ricardo tiyak na malilintikan siya lalo at sa kaniya ito ibinilin. Mabilis siyang lumabas ng restaurant at agad na sumakay sa kotse ng dalaga dahil iyon ang dala nga pala niya.
Bago pa man niya mai-start ang makina ng kotse ay tumunog ang message alert ng kaniyang cellphone. Inakala niyang nag-reply na ang dalaga sa kaniya ngunit hindi ang pangalan nito ang nakarehistro doon kung kanino galing ang text message.
Umangat ang gilid ng labi niya na nagpangiti sa kaniya ng bahagya matapos mabasa ang nilalaman ng text messages na iyon. Hindi na niya kailangan isipin pa kung saan naroon ang dalaga ngayon. Ang dapat na lang niyang gawin puntahan ito roon upang sunduin.
Hindi niya palalagpasin na hindi ito mabigyan ng leksiyon sa ginawa nitong pagtakas sa kaniya. Kung baby itong itrato ng ama nito na si Ricardo, puwes hindi ganoon ang ipararamdam niya sa dalaga habang nasa pangangalaga niya.
“SKITE naman kasi, baka may iba pang paraan para magkaroon ako ng passes card para sa bar na iyon?” patuloy na kulit ni Danna-ann sa kaibigan.
Hindi nga siya nagkamali kung saan niya ito matatagpuan. Mahilig itong magpinta at kapag nais nitong takasan ang magulong ingay ng paligid sa siyudad, dito ito naglalagi sa secret resthouse nito sa bandang Antipolo.
Medyo may pagka-weird nga lang talaga ito at kung minsan ay pabago-bago ng trip sa buhay. Kaya siguro naging miyembro ito ng The mask bar kung saan mga weird nga ang mga nakamaskarang mga miyembro.
Maganda ang view ng lugar. More on nature ang nasa paligid at may bundok na hindi niya alam kung ano ang pangalan niyon. Studio type ang resthouse nito. Hindi iyon malaki pero masasabi niyang komportable naman iyon tirahan. Isa pa, moderna rin naman ang structure ng resthouse nito at kumpleto sa mga gamit.
“Wala akong ibang alam na paraan pa para makapasok ka roon. Kung bakit naman kasi hindi mo agad itinago iyong card at hinayaan mo lang nakalapag sa table mo? Doon pa lang lumabag ka na sa rules ng card”
Hindi kasi puweding makita ng iba ang nilalaman ng card mismo dapat exclusive lang iyon sa mata ng invited. At hindi lang nga iyon nakita ni Ethan. Nabasa, nahawakan at higit sa lahat binaboy pa nito. Kaya hindi rin niya masaway si Skite na sermunan siya lalo at privilege na masasabi ang maimbitahan sa mask bar ayon dito.
“Aba, malay ko ba naman kasi na makikita iyon ni Manong at nilamukos pa ng walang magawang matandang iyon,” sagot niya kay Skite.
“Sinabi naman sa iyo ni Shenna ang text ko hindi ba at ganoon pa rin ang sasabihin ko sa iyo ngayon.”
“Kainis naman. Dinayo pa kita rito sa bundok ng tralala sa Antipolo para lang sa passes card na iyan tapos wala rin pala ako mapapala.”
Sinimangutan siya ni Skite. “At sino naman kasi may sabi sa iyo na pumunta ka pa rito? Ano tingin mo sa akin sinungaling sa text ko kay Shenna?”
Hindi naman sa ganoon kaya lang kailangan ko kasi makapunta talaga sa bar na iyon. Kung bawiin mo na lang doon sa pinagbigyan mo iyong passes card habang may panahon pa at ibigay mo iyon sa akin. Puwedi naman hindi ba?
"Hindi puwedi, noh!”
“Bakit hindi puwedi? Sabihin mo na sa susunod mo na lang siya bibigyan kasi mas may nangangailangan kamo niyan,” pagpupumilit pa rin niya.
“Noong binigyan ko kayo ni Shenna ng passes card binawi ko ba sa inyo?”
“H-hinde,” aniya.
“Oh, iyon naman pala eh, kaya better luck next time ka na lang. Kung may next time pa.”
“Kainis naman talaga!” maktol niya.
“Alam mo Danna, kung ako sa iyo kalimutan mo na ang Mask bar. Baka sign ang nangyari sa card mo para hindi ka na tumuloy pa roon,” wika ni Skite.
“Hindi ko puweding gawin ang sinasabi mo, Skite lalo na at may nawala sa akin sa bar na iyon at hindi lingid sa inyo ni Shenna iyan. Ang gusto ko lang naman malaman kung sino iyon at bakit niya iyon ginawa sa akin. Masama ba na hangarin ko malaman kung sino ang nasa likod ng pagkawala ng iniingatan kong yaman para sa sarili ko na tanging gusto kong ialay sa magiging asawa ko lang dapat? Pero dahil sa nakamaskarang iyon nawala sa akin iyon. I can't imagine na basta na lang ako nagising na masakit na ang pagitan ng mga hita ko at makita ang pulang likido na iyon sa puting sapin ng kama. Ngayon mo sabihin sa akin na dapat kong baliwalain ang mask bar?”
Napabuntonghininga ng malalim muna si Skite sa mga sinabi ni Danna-ann bago muling nagsalita.
“Bahala ka na nga, pero hindi na talaga kita matutulungan pa.”
“Ganito na lang. Kailan ang next open ng mask bar ulit maliban doon sa makalawa?” tanong ng dalaga kay Skite.
“I dont know. Wala iyong partikular na schedule basta dipendi sa topak ng founder namin kung kailan niya gusto ulit.”
‘Ngek, ano ba iyan?’ aniya sa isipan lang.
Hindi agad nagsalita si Danna-ann. Sa sinabi ni Skite. Nag-iisip pa rin kasi siya. Tila nagkaroon ng star sa utak niya na nag-reflect sa pagkinang ng mga mata niya sa ediyang pumasok sa isipan niya bigla.
'Hmm. . . Kung ganoon kailangan ko pa rin makapunta roon sa makalawa at bahala na. basta kailangan kong makapunta roon,' aniya sa isipan.
“Kung ayaw mo akong tulungan para makapasok doon ulit. Who is Code zero behind his mask? Hindi ba member ka roon? Sure ako na kilala mo ang taong ito dahil sa kaniya galing ang passes card ko. Who is he?” seryosong tanong ni Danna-ann.
“Ethan!” Biglang bulalas ni Skite. Bigla din itong napatayo dahil sa nakitang taong bumungad sa kaniyang main door. Hindi kasi nakasara iyon kaya makikita agad kung sino ang taong naroon mula sa labas niyon.
Nagulat naman si Danna-ann sa narinig na pangalan. Isa lang ang may pangalan na Ethan na kilala niya.
Tila sinipa ang dibdib niya sanghi para kumabog iyon ng malakas.