HANGGANG ngayon hindi pa rin makapaniwala si Danna-ann sa ginawa ni Ethan sa passes card niya para sa the mask bar.
Pagkalabas nito sa kaniyang opisina, at buhat sa kaniyang pagkabigla dahil sa ginawa ntong paghalik at paglamukos sa passes card, agad niyang dinampot ang card. Parang gusto niyang maiyak bigla sa nakitang itsura na niyon. Iyong kaninang ang ganda sa paningin niya sa card ngayo'y nagmukha nang basura.
Mula sa pagkalamukos nito, pinilit niya iyong ibalik sa dati nitong pagkakalapat. Pero hindi na iyon katulad kanina. Isang buntonghiningang malalim ang kaniyang pinakawalan habang pinagmamasdan ang card.
Nagpapasalamat pa rin siya dahil ganoon lang ang ginawa ni Ethan sa card at hindi ito pinunit. Sa itsura nito ngayon tanggapin pa kaya ito bilang passes niya. Sa sobrang dami ng rules bago makapasok sa loob ng bar na iyon kasama na roon ang card na mapanatiling maayos at malinis. Ewan, pero bigla siyang naging problemado.
Ang card na ito lang ang paraan para makapunta at makapasok sa the mask bar pero ang walang hiyang Manong na iyon ganito lang ang ginawa. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nito iyong gawin.
Bigla siyang natigilan nang maalala ang isa pa nitong ginawa sa kaniya, Naramdaman niya kasi bigla ang pagkirot ng labi niya na bahagyang nagkasugat na maliit dahil sa ginawa nitong paghalik sa kaniya.
Hindi naman iyon kinagat ng binata pero dahil nga marahas ang klase ng halik na iginawad nito sa kaniya, tumama ang ngipin nito sa kaniyang labi. Naalala rin niya ang binitiwan nitong salita bago ito lumabas ng opisina.
“Duhhh! Ano’ng akala ng Manong na iyon masisindak niya ako? Sinong tinakot niya ako? Eh, baka siya pa itong kasuhan ko dahil sa ginawa niya sa akin bigla-biglang panghahalik. Kainis na matandang iyon,” aniya pa.
May naiisip naman siyang solusyon para magkaroon ng panibagong passes card at iyon ang kaibigan nila ni Shenna na si Skite. Imposibleng walang passes card na hawak ito dahil isa si Skite sa exclusive member ng bar na iyon.
Plano na niya sanang tawagan si Skite pero biglang tumunog ang kaniyang Cellphone at dali-dali niyang dinampot iyon para sagutin. Si Shenna ang tumatawag. Na-excite siya bigla.
“Sissy, ano’ng balita, may passes card ka na ba?” agad na bungad niya ng sagutin ang tawag nito.
“Dahil hindi ko talaga ma-contact, nag-text na lang ako sa kaniya para itanong,” wika ni Shenna.
“Oh, ano’ng sabi niya?”
“Sad to say, isa lang daw iyong passes niya. Ayon sa founder raw ng the mask bar, tig-iisang visitor lang daw ang alloud sa kanila ngayon at naipadala na raw niya iyon sa choice of visitor niya.”
Sa narinig na sinabi ng kaibigan nawala ang pag-asa niyang mapalitan pa ang passes card na hawak niya. Plano pa naman sana niyang mag-request kay Skite na padalhan siya. Pero dahil isa lang pala ang puweding pagbigyan ng mga miyembro, nawala ang pag-asa niya.
“Kaya, goodluck na lang sa iyo, sissy. Grab mo na ang chancess na iyan. Masuwerti ka at napadalhan ka ng passes. Kwentuhan mo na lang ako sa ganap, ha”
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Danna-ann. Paano pa mangyayari iyon kung nawala na ang chancess sa kaniya na muling makapunta at makapasok doon.
“Sige,” anas na lang niya.
Wala na sa linya si Shenna pero nauwi naman siya sa malalim na pag-iisip. Muli niyang pinasadahan ang passes card na gusot na gusot. Biglang bumalik ang inis niya kay Ethan. “Bwiset talagang matanda iyon!” gigil na wika niya.
Nawalan na siya tuloy ng ganang magtrabaho. Isinara niya ang laptop. Dinampot ang handbag, cellphone maging ang passes card at tsaka tumayo para lumabas ng sariling opisina. Kailangan niyang i-relax ang utak at talagang nabad-trip siya sa nangyaring ginawa ni Ethan.
“I have to go. Pakisabihan si Roland.” aniya kay Joveth nang madaanan niya ang table nito.
Hindi na niya hinintay na sumagot ito sa kaniya. Basta nagtuloy-tuloy na siya ng lakad. May malapit na mall mula rito sa gusali nila nang westrade doon na muna siya pupunta. Kailangan niyang may magawang iba para maalis ang inis dahil sa nangyari.
Sa parking ang punta niya kung saan naroon ang kaniyang sasakyan at ang kaniyang driver na si Roland. Ni-hire din ng daddy niya ito pansamantala para maging personal driver niya. Pinsan naman ito ni Julie.
Ganoon katiwala ang daddy niya sa mga kamag-anak ni Julie. Ayaw naman daw nito na basta kumuha lang ng mga taong makakasama niya ng hindi rin nito personal na kilala.
Agad itong bumati sa kaniya ng tuluyan siyang makalapit rito.
“Uuwi na po kayo ma’am?” tanong nito sa kaniya na may nakapaskil na matamis na ngiti. Ang edad nito ay nasa trenta marahil at sa pagkakaalam niya ay binata pa ito pero may girlfriend. May itsura din naman ito moreno at maganda rin ang hubog ng katawan.
Ayon kay Julie ay tapos ito ng Architecture at naghihintay na lamang ng tawag mula sa malaking kompanya sa Dubai na in-apply-an nito. At habang naghihintay ay pansamantala nga itong magiging driver niya.
“Oo sana, kuya pero daan mo muna ako riyan sa may malapit na mall. May kailangan lang akong bilhin.” aniya na lamang.
Tumango muna ito bago siya ipinagbukas ng pintuan ng sasakyan ni Roland sa passenger seat, pero bago pa man siya makapasok roon ay may humawak ng braso niya para pigilan siya. Kaya napilitan siyang tingnan iyon.
Inakala pa nga niyang si Roland iyon at handa na sana itong sitahin. Ngunit hindi ito ang nakita niyang may gawa niyon sa kaniya kaya hinila niya ang sariling braso na hawak nito.
“Ano ba, bitawan mo nga ako!" angil niya. Itong tao na ito ang dahilan ng inis niya ngayon tapos makikita niya ang pagmumukha ulit ngayon.
Matapos siya nitong basta iwanan kanina pagkatapos ng ginawa sa kaniya tapos nandirito ulit ngayon.
“Where do you think you're going ha?! Oras pa ng trabaho baka nakakalimutan mo.”
“Huh. . . ! At sa akin mo pa talaga sinabi iyan. Remember I’m the boss here.”
“I know, but I’m the boss too,” turan din ng binata na kampante lang.
Naging malikot ang mata ni Danna-ann. Kasi totoo naman ang sinabi nito. Nalaman niyang isa ang binata sa may malaking share of stock dito sa westrade.
“Eh, ano naman? Uuwi ako sa oras na gusto ko at wala kang pakialam doon, Manong Ethan.”
Tinawag niya ang kaniyang driver. “Kuya Roland halika na, umalis na tayo!” aniya rito. Muli siyang umastang papasok na sa loob pero muli lang ulit siyang pinigilan ni Ethan.
“Ano bang problema mo ha? Kanina ka pa at hindi na ako natutuwa! Isusumbong na talaga kita kay Daddy!” Hindi na napigilan ni Danna-ann ang pagtaas ng boses.
Natigilan naman bigla si Ethan sa inastang iyon ng dalaga sa kaniya na sinamantala naman ni Danna-ann para tuluyang makapasok sa loob ng sasakyan.Tinabig pa siya ng dalaga para maisara nito ang pinto.
Nang makitang nasa loob na ng sasakyan si Danna-ann ay mabilis itong gumawi sa driver seat para pigilan naman ang pagpasok ni Roland sa loob.
“Give me the key, now. Ako ng bahala muna sa kaniya ngayon!”mahinahon na turan nito kay Roland pero may diin.
"Pero. . .” wika naman nito na nag-aalangan, sabay tumingin sa gawi ni Danna-ann sa loob ng sasakyan.
Hindi naman nakaligtas sa matalas na paningin ni Ethan ang pag-aalangan na iyon ni Roland na ibigay ang susi sa kaniya kaya naman mukhang kailangan pa niyang ipakita ang other side niya. Isa pa, hindi niya gusto na makitang may iba itong nakakasamang lalaki lalo at binata pa.
Ewan pero iyon talaga ang nararamdaman niya. Inayos niya muna ang salamin na suot sa mata bago muling nagsalita rito.
“Give me the key now or I'll wring your neck,” mahinang turan ni Ethan dito at sapat ang nais niyang iparating na seryoso siya.
Napilitan ibigay ni Roland ang susi ng sasakyan ng dalaga rito. Bilang katulad nitong lalaki, dama niya ang nais nitong iparating sa pamamagitan ng tingin at tono ng boses ni Ethan sa kaniya ngayon.
“Good boy.” Tinapik pa niya ang balikat nito bago pumasok sa kotse ng dalaga sa driver seat.
“Ano’ng kalokohan ito, Manong?” tanong ni Danna-ann nang makita ang binata na kasalukuyan ng ini-start ang makina ng kaniyang kotse.
“Ayaw mo magtrabaho rito sa opisina puwes, sasama ka na lang sa akin sa labas para sa isang business deal,” pabaliwalang tugon niya sa dalaga.
“Ano? Ayoko nga!”
“Sa ayaw mo man o sa gusto, sasama ka sa akin."
Sa tigas ng pagkakasabi ni Ethan niyon ay padabog niyang isinandal ang likod sa sandalan na kaniyang inuupuan at tsaka ipinaling ang paningin sa labas ng bintana.
‘Relax, self. Huwag mong kalimutan iyong sinabi niya sa iyo kanina na kapag hindi mo inayos ang pakikipag-usap sa kaniya, malamang na may tuka ka na naman sa matandang iyan,' aniya sa isipan lang. 'Pero naiinis talaga ako, grrrrr!'
Kinuha niya ang bluetooth earphone sa kaniyang bag at tsaka ini-connect iyon sa kaniyang cellphone. kailangan niyang may marinig na music na magpapa-relax sa kaniyang isipan at yamot na nararamdaman.
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at dinama ang saliw ng tugtog na kaniyang naririnig. Bahagya niya pang sinasabayan ang lyrics ng kanta na nagpi-play sa kaniyang cellphone.
Nakita ni Ethan ang dalaga sa rear view mirror na nasa kaniyang harapan. Nakita niya ang ginawa nitong paglalagay ng bluetooh earphone sa tainga nito. Kasalukuyan itong nakapikit. Pasulyap-sulyap ang ginagawa niya rito habang nagmamaneho.
Makalipas ang mga ilang minuto napansin niyang huminto na ang ulo nito sa paggalaw-galaw at hindi na nito sinasabayan ang kantang naririnig kaya naisip niyang nakatulog na marahil ito.
Wala naman talaga siyang planong isama ito sa lakad niya.
Paalis na talaga siya para puntahan ang ka-meeting niya pero eksakto naman na nakita niya si Danna-ann sa parking lot. Siguradong maglalamyerda ito sa kung saan.
Sa kaniya ibinilin ni Ricardo ang anak nito na si Danna-ann bago ito umalis para sa out of town kasama ang sekretarya nito. Noong una binabaliwala niya pa ang ginagawang pag-iwas ng dalaga sa kaniya dahil nariyan pa naman ang ama nito. Pero ngayon kasi ay nakaalis na ito patungo sa kung saan man ito lupalop naroon kasama si Julie ngayon.
Tiwala sa kaniya si Ricardo na mababantayan niya si Danna-ann ng maayos pero ang hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ito kung umiwas sa kaniya ngayon. Kung tutuusin maayos naman ang una nilang pagkakakilala kahit noong una.
'Noong una iyon, noong hindi mo pa siya hinahalikan at hindi ka pa nakuntento inulit mo pa kanina!' Mga salitang kusang naisip niya na animo pinapagalitan siya ng sarili niyang isipan.
“Ginawa ko lang naman iyon dahil sa hindi ko na napigilan ang sarili ko, isa pa ang mga labi niya kasi ay tila palaging nag-aanyaya ng isang matamis na halik,” sagot naman niya.
Iniwagwag niya ang kaniyang ulo. “f**k! Nababaliw na yata ako para sagutin ko mismo ang sarili kong isipan.” mahinang nanulas sa sariling tinig. Maya-maya ay mahina siyang natawa. "Youre crazy, boy!"
Naramdaman niyang may kumalabit sa kaniyang balikat buhat sa likuran kasabay ng boses nitong nagtatanong.
“Baliw ka ba, Manong?”
Sa pagkagulat niya sa tanong na iyon mula kay Danna-ann ay bigla niyang naapakan ang preno kaya biglaan ang kanilang paghinto. Mabuti na lang at wala siyang kasunod na sasakyan mula sa likuran.
“Akala ko tulog ka? Ang bilis mo naman nagising?” tanong niya sa dalaga.
“Porke nakapikit tulog na agad, hindi ba pweding nakapikit lang habang nag-iisip. Narinig ko kasi nagsasalita ka mag-isa kaya napadilat ako, bakit?”
Namula siyang bigla sa sinabi ni Danna-ann. “Guni-guni mo lang iyon. Paano mong narinig eh may nakasalpak riyan sa tainga mo?"
“Ganoon kalakas ang paandinig ko, Manong kaya huwag kang bubulong-bulong riyan,” saad naman ni Danna-ann.
Hindi naman niya talaga narinig ang sinabi ni Ethan. Eksakto lang na pagdilat niya para tingnan kung nasaan na sila banda eh, bigla niyang nakita ang pagbuka ng labi nito sa rear view mirror na animo may kausap. Tapos ngumingiti pa . Sigurado rin siyang wala itong kausap sa cellphone. Kaya inirapan na lang niya ito sa naging sagot sa kaniya.
Muli ini-start ng binata ang sasakyan. Sa ginagawa ng dalaga sa kaniyang pag-iwas nitong mga nakaraan at pagtataray na mga sagot sa tanong niya naiinis tuloy siya rito. Kapag ipinagpatuloy ng dalaga ang ganoon pakikitungo sa kaniya, mapipilitan talaga siya na ipagpatuloy rin ang ipinakikita niyang ugali ngayon.
Ibinalik na niya ang atensiyon muli sa pagmamaneho kaya naman biglang pumasok sa isip niya ang invitation card na pinaka passes ng dalaga sa bar na iyon. Mahalaga ang card na iyon para kay Danna-ann, alam niya iyon patunay ang naging reaksiyon na nakita niya nang makita nito na hawak niya iyon at kung gaano ito ka pursigido na makuha iyon mula sa kaniya.
Kung siya ang tatanungin gusto na nga niya iyon punitin na lang pero nagbago ang isip niya kaya nilamukos na lang niya. Isa pa may naisip kasi siya na mas magandang ediya kaya hindi niya iyon ginawa. At aminin niya sa hindi na-e-excite siya.