NAPAANGAT ang ulo ni Danna-ann mula sa pagkakayuko nang bumukas ang pintuan ng kaniyang pinaka opisina sa Westrade. Iniluwa mula roon ang kaniyang sekretarya na si Joveth.
Si Joveth ang pumalit pansamantala kay Julie para maging sekretarya niya dahil kasama ng Daddy niya si Julie sa out of town. Pamangkin ni Julie si Joveth at freshmen graduate ito mula sa kursong Computer Secretarial
Kung siya ang tatanungin, ayos lang na wala na siyang sekretarya sapagkat pansamantala lang naman ang paghalili niya sa posisyon ng ama habang wala ito. Ngunit sinabi ng Daddy niya na kailangan niya pa rin iyon.
Bago umalis ang ama para magtungo sa business trip kasama si Julie ay na-train na si Joveth, kaya naman alam na nito kung ano ang mga dapat gawin. At dahil hindi naman nalalayo ang edad nila at sadyang palakaibigan siya ay hindi niya hinayaan na mailang ito sa kaniya.
Isinara niya ang file mula sa folder na binabasa. At nakangiting sinalubong ng tingin ang ngayon ay kaniyang secretary.
“Ma'am, may dumating ka pa lang invitation card. Pasensiya ka na at ngayon ko lang naalala na ibigay sa iyo,” anito pa na nahihiya. At tsaka inilapag iyon sa mesa ng dalaga sa harap nito mismo.
Dinampot ni Danna-ann ang kulay pulang sobre na bahagyang nangingintab dahil sa pagka-glittery nito. Saglit na binistahan iyon. “Kailan pa ito dumating?” tanong niya na sa sobre pa rin nakatingin.
“Kahapon nang hapon, ma’am. Nakaalis ka na kasi noong dumating iyan, eh.”
Napatango na lang si Danna-ann. “Ganoon ba, sige salamat. Maaari ka ng bumalik sa table mo.”
Pagkalabas na pagkalabas ni Joveth ay noon pa lang niya binuksan ang sobre. Agad nanglaki ang mata niya ng mula sa loob ay isang red passes card iyon mula sa The mask bar.
Naisip niya bigla ang kaibigang si Shenna kaya may pagmamadaling dinampot niya ang kaniyang cellphone na nakapatong lang sa table niya. Hinagilap ang numero nito tsaka diretsang tinawagan.
Agad siyang nag-hello ng marinig niya ang boses ng kaibigan.
“Himala at napatawag ka sissy, bigla. Bakit?” agad nitong tanong sa kaniya.
Hindi na siya nagtaka na ganoon ang maging bungad nito sa kaniya dahil aminado naman siyang simula ng siya muna ang pumalit sa daddy niya ay nawalan siya ng time para gumimik kasama ito. Isa pa naging abala na rin ito sa itinatayong bagong negosyo ng pamilya nito.
“Mayroon ka bang natanggap na invitation card? I mean, a passes card mula sa The mask bar?”
“Wala, bakit?” wika naman ni Shenna mula sa kabilang linya.
Napakunot ang kaniyang noo sa narinig. “Wala ka? Bakit ako mayroon?” aniya pa.
“Talaga! Kanino galing ang passes card mo? Isa lang ba iyan?” excited na tanong naman ni Shenna sa kaibigan.
“Oo, isa lang, eh.” Sabay binistahan niya ang passes card na may nakasulat na You’re invited at the mask Bar by Code number zero.
“Number Zero,” aniya sa kaibigan na tila pa siya nagulat. Hindi iyon ang inaasahan niyang mababasa na pangalan dahil ang nasa isip niya galing iyon sa kaibigan nilang weird. Si Skyte na hindi niya makontak-kontak ilang araw na.
“Zero. . . Hindi ba't iyan iyon na-i-kuwento mo sa akin na nakilala mo roon?” saad naman ni Shenna. “Oh my gosh, sissy it's time to meet him again. Hindi ba sabi mo na siya ang kasama mo noong oras na iyon kaya alam mong siya ang may gawa niyon sa iyo?”
Na-i-kwento kasi niya sa kaibigan na si Shenna ang nangyari sa kaniya. Isa pa, hindi na rin kasi siya tinigilan nito ng katatanong kung bakit hindi na siya dinatnan nito ng bumalik sa puwesto nila ng gabing iyon sa the mask bar.
At dahil besfriend ang turingan nila at talagang partner in crime, wala naman siyang inilihim dito. Ni wala nga siyang narinig na panghuhusga mula sa kaibigan ng sabihin niyang pinagsamantalahan siya ng gabing iyon. At nais niyang idemanda ang may gawa noon sa kaniya.
Pinagsamantalahan ang kaniyang kahinaan ng gabing iyon. Kaya nais niyang mahanap ito. Kaya nga lihim siyang nagpabalik-balik sa lugar na iyon kapag sasapit na ang gabi ngunit bigo siyang makita ang mask bar kung saan naroon naman ang restaurant ng tinawag niyang Manong Ethan.
Sinabi rin niya sa kaibigan na plano niyang idemanda ito na noong una'y tinawanan nito. Pero nang ma-realize ang pagkaseryoso sa sinasabi niya, tsaka ipinaalala nito sa kaniya ang nakasaad sa kasunduan na kanilang pinirmahan. Hindi rin lingid sa kaniya iyon. Ngunit hindi nabago niyon ang kagustuhan niyang makita pa rin ito.
Ganoon pa man alam din niyang hindi biro ang bigat na kahaharapin niya sa oras na ipilit niya ang gusto at alam niyang ang kaakibat niyon ay ang ikapapahamak niya at maaaring madamay si Shenna kung sakali maging si Skyte na siyang nag-imbita sa kanila roon.
Napalunok siya ng maalala ang lalaking nakamaskarang lumapit sa kaniya ng gabing iyon at Zero nga pala ang ibinigay nitong code name sa kaniya.
“Gora, sissy! Magpunta ka riyan tapos balitaan mo na lang ako,” narinig niyang saad ni Shenna sa kabilang linya.
“Kung samahan mo kaya ako,” aniya sa kaibigan.
“Ano’ng samahan? Eh, ikaw lang naman ang may passes card, paanong samahan?”
Oo nga pala. Hindi nga pala puweding makapasok doon ng walang ipi-prisentang passes card ang mga imbitado. At siya lang ang mayroon, si Shenna'y wala. Nang bigla niyang maalala ang kaibigan nilang si Skyte.
“Hindi ba't member si Skyte ng mask bar? Wala ba siyang ibinigay ulit sa iyo?” aniya rito.
“Wala naman. Lately hindi ulit siya nagpaparamdam. Parang hindi mo naman iyon kilala na para iyong kabuti at time-ing-an pa ma-contact. Pero sige para sa iyo susubukan ko tawagan siya para bigyan niya ako ng passes card, pagkatapos sa bar na lang na iyon tayo magkita kung sakali, okay. At babush na, tawagan na lang kita mamaya for the update, busy kasi ako.”
Narinig niyang wika ni Shenna kasunod niyon ang pagkawala na nito sa linya.
Sumandal siya sa swievel chair. Dinampot ang passes card at muling binistahan. Sa makalawa ang petsang nakalagay roon sa ganap na ika sampo ng gabi. Napaunat siya mula sa pagkakasandal ng mabasa na ang address niyon ay sa mismong bar na napuntahan nila ni Shenna.
Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Kapag ang bar na ito ay roon sa restaurant ni Manong Ethan naganap mapipilitan siyang kausapin ito para komprontahin. Pero kaya na ba niya itong harapin na ulit matapos ang nangyaring halikan sa kanila sa mismong restaurant nito. Lahat pa naman ng paraan ginagawa niya huwag lang magtapo ang landas nila.
Nang minsan pumunta ito sa kanilang mansion para bisitahin ang kaniyang daddy kahit ipinatawag siya ng ama ay hindi siya humarap dito. Nagdahilan siyang pagod at wala sa mood makipag-usap.
Hindi lang isang beses niya itong iniwasan kung hindi maraming beses at ewan ba niya kung bakit hindi ito makahalata na ayaw niya na itong makaharap pa.
Para din mapagtakpan ang hiya niyang nadama ng mga oras na iyon sapagkat nagustuhan niya ang halik nito ay nagkunwari siyang nagalit dito.
Pinaratangan pa niya itong mapagsamantala sapagkat bigla na lang siya nitong sinibasib ng halik. Hindi na niya hinayaang magsalita ito para magpaliwanag sa kaniya. Bigla siyang natakot dahil baka sabihin nito na nagustuhan naman niya talaga iyon. Patunay ang ginawa niyang pagtugon sa halik nito.
Isa pa, ano na lang sasabihin ng daddy niya kapag nalaman iyon, tiyak na makaririnig siya ng sermon de orasiyon dito ng wala sa oras.
Sa kabila na gusto niya ang pagkakalapat ng mga labi nilang iyon, pilit niyang hinamig ang sarili kasunod niyon ang ipinakitang nagalit siya rito, sinampal pa nga niya para mas epektibo. Matapos iyon ay iniwan na niya ito at nagpasiya siyang umuwi mag-isa.
Isa si Ethan sa mga may share of stock sa Westrade at kabilang pa sa board member. Masuwerting hindi nagtatagpo ang landas nila sa ilang araw na paghalili niya sa posisyon ng ama rito sa opisina. At labis niya iyong ipinagpapasalamat. Hindi kasi talaga siya handa na harapin ito. Kung mayroon man siyang gustong makaharap, walang iba iyon kung hindi ang nakamaskarang lalaki na nasa likod ng pangalan na code Zero.
Bigla siyang na-excite sa kaalamang magkikita sila sa mask bar sa makalawa. Umaasa siyang makikita niya ang wangis nito sa likod ng suot nitong maskara.
Ipinatong lang niya ang passes card sa ibabaw ng envelop nito at ni hindi na iyon ibinalik pa sa loob iginilid lang niya sa tabi ng kaniyang laptop. At muling hinarap ang mga papeles. Bigla siyang ginanahan magtrabaho, infairnes. Halos kanina lamang tamad na tamad siyang pagbabasahin ang mga iyon para mapag-aralan lang bago aprobahan.
Makalipas ang halos tatlumpong minuto sa pagka-abala sa ginagawa nang muling bumukas ang pinto ng kaniyang opisina. Hindi siya nag-abalang tumingin pa roon dahil malamang na si Joveth lang iyon at baka may ibibigay or sasabihin lang. Hinintay na lang niya na makalapit ito sa kaniyang lamesa para sabihin ang pakay nito at tuloy lang siya sa kaniyang ginagawa.
Natigilan siya bigla sa ginagawang pagbabasa nang makitang may umupo sa kaniyang visitor chair na nasa harap lang ng table niya. Hindi iyon ginawa ni Joveth kahit na minsan. Nag-slow motion ang tingin niya nang unti-unting gumawi ang kaniyang paningin sa mga kamay nitong magkasalikop na ipinatong sa ibabaw ng kaniyang table.
Malalaki iyon, mauugat higit sa lahat may maninipis na balahibo. Nahigit niya ang paghinga at napalunok din. Mukhang kilala niya kung kanino iyon.
Hindi niya ugaling nagmura pero sa pagkakataon na ito, isang mura ang mahinang namutawi sa kaniyang bibig.
“Curse is a bad word, little girl.”
Narinig niyang saad nito. Marin siyang napapikit at napakagat sa labi.
Ang baritono nitong boses na tila laging may hatid na kakaiba sa kaniyang pandinig at nakapagpapatayo ng kaniyang balahibo sa katawan.
Isang daan na porsiyento na tiyak na siya kung sino ito.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito bagkus mas lalo niyang itinungo ang ulo. Kulang na lang isubsob na niya ang mukha sa files na binabasa.
“Ano bang ginagawa mo?” narinig niyang tanong na nito sa kaniya.
“Nagbabasa. Hindi mo ba nakikita?” mataray na aniya. Hindi pa rin niya iniaangat ang ulo para tingnan ito.
Bahagyang natawa si Ethan sa sinabi ng dalaga sa kaniya. “Nakikita ko naman pero sa tingin ko hindi mo na iyan nababasa. Kulang na lang kasi, isubsob mo na iyang mukha mo sa files na hawak mo.”
“Paano mo nasabi? Marunong ka pa sa mata ko!”
“Dahil hindi malabo ang mata mo sa pagkakaalam ko. Kung mayroon malabo ang mata rito ako iyon, hindi ikaw.”
“Matanda ka na kasi kaya malabo na ang mata mo, duhhh” anas niya with matching pag-ikot pa ng eyebol niya sa mata.
Kahit mahina lang ang pagkakasabi ng dalaga, hindi iyon nakaligtas sa matalas na pandinig ni Ethan.
“Ganoon ba iyon? How about sa iba na bata pa naman pero malabo na ang mata. Ano naman masasabi mo roon?” tanong nito kay Danna-ann na nais lang itong asarin at makuha lalo ang atensiyon nito.
Kulang na lang lamukusin na ni Danna-ann ng kaniyang kamay ang mukha sa harap ni Ethan dahil sa inis. Hindi ba ito makahalata na ayaw niya itong kausap, mas lalong makaharap. Kung hindi lang kabastusan at kawalan ng modo iiwanan niya ito sa loob mismo ng opisina niya.
Hindi na lang niya sasagutin lahat ng sasabihin nito baka sakaling makahalata. Ilang saglit na hinintay niyang muli itong magsalita pero hindi na niya narinig ang boses nito kaya napilitan siyang mag-angat na ng ulo para tingnan ito kung ano ang ginagawa.
Nanglaki muli ang mata niya sa nakitang hawak nito. Tinangka niyang kunin iyon bigla pero mabilis iyon naiiwas ni Ethan. Kaya mas lalo siyang nainis rito.
“Akina iyan!” Sabay tangkang pagkuha nito ulit sa kamay ni Ethan ng hawak nitong card.
Tumayo si Ethan na hawak pa rin ang card at bahagyang lumayo sa mesa ng dalaga.
“You’re invited at the mask bar by code number zero!” Pagbasa ni Ethan sa nakasulat sa card ng malakas.
Napilitan si Danna-ann na tumayo para lapitan si Ethan at kunin ang card.
Alerto naman ang binata na agad itinaas iyon ng todo para hindi maabot ng dalaga habang hawak niya.
“Manong, akina na kasi iyan!” wika ni Danna-ann. Pilit niyang inaabot iyon ngunit hindi siya magtagumpay. Malaking lalaki ito kumpara sa taas niya kaya halos talunin na niya iyon ng bahagya maabot lang. Idagdag pang nag-aalala siyang baka magkaroon iyon ng kahit na kaunting dent.
“Ibibigay ko lang sa ito kung sasabihin mo sa akin kung ano ang mayroon sa card na ito at ganyan na lang ang kagustuhan mong makuha ito sa akin.”
“Dahil hindi iyan sa iyo, ganoon lang kasimple kaya ibigay mo na sa akin! At tsaka wala lang iyan”
“Ah wala lang pala. So, ayos lang na gawin ko ito?”
Hindi inaasahan ni Danna-ann ang ginawa ni Ethan sa card na hawak. Bigla nito iyong nilamukos at tsaka binitawan na ikinalaking lalo ng bilugan niyang mga mata.
Hindi pa man siya nakababawi sa pagkabigla nang kinabig ni Ethan ang kaniyang leeg para magtama ang kanilang mukha. Ang sumunod na ginawa nito ay mas lalong hindi niya inaasahan.
Hinalikan ni Ethan ang kaniyang labi, ngunit hindi iyon katulad ng una. Sapagkat marahas iyon at dama niya ang sakit niyon ng bahagya nitong kagatin pa ang labi niya.
Matapos iyon ay pabalya siyang binitiwan nito.
“Sa susunod kapag kinakausap kita, kauusapin mo ako ng maayos at huwag na huwag mong tangkain na iwasan pa ang bawat paglapit ko sa iyo kung ayaw mong mas higit pa riyan ang gawin ko.” Mariin na anito sa kaniya.
Matapos iyon, walang lingon-lingon na tuluyan na itong lumabas sa opisina niya.