NAHINTO si Danna-ann sa pagse-cellphone nang maramdaman na huminto ang kotse ni Ethan. Matapos nito sabihin na ihahatid siya dahil sabi raw ng daddy niya. Pinili niyang sa back seat umupo. Wala naman siyang narinig na reklamo mula kay Ethan nang doon siya sumakay.
Ang akala niya talaga magre-react ito dahil doon, kasi lalabas na mukhang driver niya ito pagka-ganoon. Trip pa naman niya sanang pagtrip-an ang Manong na ito ulit. Sa ganoon man lang na simpleng paraan eh, makaganti siya sa ginawa nitong pang-i-isnab sa kaniya sa harap ng Daddy niya.
Aba, hindi kaya puwedi sa kaniya iyon, Anak lang naman siya ni Ricardo Donasco at isa lang ito sa may mga ambag sa kumpanya nila tapos kung maka-asta sa kaniya akala mo kung sino.
Hinintay niyang ipagbukas siya ng pinto ni Ethan pero hindi iyon nangyari. Kaya gigil na napilitan siyang kusa nang bumaba sa kotse nito. Plano niya sanang sitahin ito dahil sa kawalan nito ng pagka-maginoo sa kaniya pero natawag ang pansin niya sa paligid. Hindi siya maaaring magkamali lalo at nasa tapat pa sila mismo ng lugar na iyon.
Bumaling ang paningin niya Kay Ethan. “Anong ginagawa natin dito?” tanong na niya.
“Hindi ba sinabi mo kanina na nagugutom ka? Kaya naman naisip ko dalhin ka rito kaya tara na.”
Hindi pa man siya nakasasagot ay tinalikuran na siya nito kaya agad siyang sumunod rito at pinantayan ang paglalakad nito.
Hindi naman talaga siya nagugutom. Sinabi lang niya iyon kanina dahil iyon na lang ang naunang pumasok sa isip niya.
“Uy, Manong teka lang po. Sana idiniretso mo na lang ako sa bahay. Ano ba iyan?” saad niyang may halong pagkairita.
Huminto sa paglakad si Ethan nang nasa tapat na sila ng entrance door. Tumango lang ito sa guard na nakatayo sa entrance nang batiin sila. Naudlot pa ang pagbukas nito ng pinto para sa kanila dahil humarap si Ethan kay Danna-ann.
“Sinabi mong nagugutom ka kaya kakain muna tayo rito. Ayoko naman na isipin ng Daddy mo na pinabayaan kita gayong alam ko na nga na nagugutom ka, kaya halika na sa loob.”
Wala naman nang nagawa pa si Danna-ann nang magpatiuna na itong pumasok kaya sumunod na rin siya. May sumalubong sa kanilang isang waiter at agad nanglaki ang mata niya nang makilala niya ito. Mabilis niyang ipinaling sa iba ang paningin at bahagyang tumagilid. Mahirap ng makilala siya ng waiter.
Mas lalo pang lumaki ang mata niya sa sinabi nito sa kaniya, sapagkat matapos nitong bumati kay Ethan ay siya naman ang binalingan nito para batiin. Sadyang mataas yata ang memorya ng waiter na ito at talagang hindi siya pinaligtas.
“Ay, ma'am, kumusta po. Kaninang umaga'y narito ka lamang, ngayon ay narito ka ulit. Siguro naman ho ay naniniwala ka na, na hindi talaga ito bar tulad ng sinabi niyo?” wika ng waiter kay Danna-ann
Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito sa kaniya, dahil para sa kaniya masyado pang maaga para maniwala siyang hindi totoo ang ang bar na iyon kung saan siya nabiyak. Hanggang ngayon nararamdaman pa rin niya ang kirot sa bahaging iyon ng p********e niya.
“Hindi pa rin, kasi hindi ko pa naman napapatunayan. Isa pa, hindi ba kapag sinabing bar, sa gabi nag-o-operate. So, gabi na ba?” Nakataas ang kilay na tanong niya pero may halong ngiting bahagya.
“Hindi pa ba patunay na nakita niyo na restaurant nga ho ito mula pa kaninang umaga hanggang ngayon na bumalik kayo at kasama niyo pa si Sir, oh?” Pilit pa rin ng waiter na kinukumbinsi talaga siya.
Nakatingin lamang si Ethan sa kanila at nang hindi makatiis ay nagtanong na.
“Bakit may problema bang hindi ko alam na ginawa ng batang ito?” tanong niya sa waiter.
Agad naman nag-react si Danna-ann sa narinig mula kay Ethan.
“Maka bata ka naman sa akin, Manong Ethan! Sinabi ng hindi na ako bata. Dalaga na kaya ako!”
“Dalaga or dala na?” ani naman nito.
“Ano?!” tanong naman ni Danna-ann dahil hindi niya na-gets kung para saan iyon. Pakiramdam niya kasi may laman ang tanong nito.
“Ahm never mind. Ayaw mong tinatawag na bata pero kung tawagin mo akong Manong ganoon-ganoon na lang.”
“Hello, duhhh! Eh, talaga naman Manong ka na eh, iyon ang tanggapin mo! Ni hindi nga kayo nagkakalayo ng edad ni daddy, eh.”
“Excuse me, little girl that's not true!”
“Whatever! Basta your Manong, Manong, Manong!"
Imbis na mainis si Ethan sa dalaga kapag sinusupladahan siya at hinahaluan pa ng ganoon nitong expression with pag-ikot ng eyeball nito. Nagiging cute ito lalo sa paningin niya. Kaya lihim siyang napangiti.
Kaninang umaga lamang sila nagkakilala ng personal nito doon sa opisina ng daddy nito. Alam niya na ito ang nag-iisang anak ni Ricardo. Dati na rin niya itong nakikita roon. Never pa nga lang siya nitong nakaharap. Hindi lingid sa lahat ng mga empleyado ng Westrade Inc maging sa tulad niyang investor at may share of stock sa kumpanya na ito ang papalit sa pwesto ng ama. Pili lamang ang mga may share sa westrade na personal na choice ni Ricardo.
“Wala naman po Sir problema, pero baka po hindi maglaon magkaroon na po kayo ng problema dahil sa kaniya,” wika ng waiter na hindi nakaligtas kay Danna-ann ang kakaibang tingin nito kay Ethan na ipinagtaka niya.
“Excuse me lang ha, bakit ka nagsasabi rito? Anong connect? Paki-elaborate lang sa akin para makasakay naman ako sa pagiging talkative mo rito kay Manong.”
“Ahm, kailangan po iyon, Ma’am dahil siya po ang may-ari ng restaurant na ito. Concern lang po ako para sa imahe ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Pasensiya na ho, ma’am kung naging talkative po ako katulad ng sinabi niyo.” Sabay yuko ng ulo nito at tingin sa ibabang bahagi nito.
Natigilan naman si Danna-ann sa narinig pero saglit lang. Maya-maya ay makahulugan niyang tiningnan si Ethan. ‘So, ikaw pala ang may-ari nito. Akalain mo iyon what a coincidence ha,' aniya sa isipan.
“Pakiasikaso ang table zero at doon kami pupuwesto. Pakihatiran na lang kami ng mga special dish natin dito na good for lunch.” ani Ethan sa waiter. Pagkatapos ay binalingan nito ang dalaga. “Halika na.”
Nang tumango ang dalaga at nagpatiuna na ito sa paglalakad sa kaniya. Bago siya tuluyan umalis ay bahagya siyang bumulong sa kaniyang waiter. “Dont mind him ako na ang bahala sa iniisip niya and thank you for a little bit info.
Matapos iyon sabihin sa waiter nito ay hinabol na niya si Danna-ann na bahagya ng nauna sa kaniya sa paglalakad. Dinala niya ang dalaga sa ikalawang palapag kung saan ang karamihan ay roon ang puwesto kapag mga nagpapa-reserved ng table number para sa mga special occasions like date or mga group meetings.
Ang table zero ay exclusive para sa kaniya bilang siya ang owner ng Miracle restaurant. Walang reservation pa sa mga oras na ito kaya tanging sila pa lang ang naroon.
Nang makarating sa table ay ipinaghila niya ng upuan ang dalaga bago siya naman ang naupo malapit lang sa tabi nto.
“Let’s wait for our order here. Sigurado naman ako na kahit hindi ka na tumingin sa menu ay magugustuhan mo ang mga ise-served nila na food,” wika ni Ethan.
“Naiinis pa rin ako talaga sa waiter na iyon, napakadalda! Ano tingin niya sa akin nasisiraan ng ulo? Excuse me, mataas ang memorya ko pagdating sa pangyayari lalo na kung may kinalaman ako," aniya kay Ethan.
“I know all my staff here, specially sa attitude at behavior nila sa mga customer. Ano ba kasi iyong sinasabi mo na bar ito at saan mo ba napulot ang idea na iyan."
“Hoy, Manong hindi ito basta idea lang, kasi totoo ang sinasabi ko! Hindi ba dapat alam mo iyan kasi ikaw pala owner nito? Unless na lang kung hindi mo alam na may nangyayaring milagro dito sa restaurant mo kapag sumasapit na ang gabi.”
“Kaya ko patunayan sa iyong walang katotohanan ang sinasabi mo,” kampanteng wika ni Ethan.
“Mayroon! At malakas ang kutob kong nag-e-exist ang maske bar na iyon dito mismo. Hindi basta imagination lang iyon nangyari sa akin sa bar na iyon. Dahil sa bar na iyon nawala ang kayamanan kong twenty three years kong iniingatan at kinuha lang ng nakamaskara na iyon ng ganoon na lang!” gigil na aniya pa kay Ethan.
“Anong kayamanan ang sinasabi mo? Alam na ba ito ni Ricardo?” May halong pag-aalala sa tinig ni Ethan.
“Siyempre hindi!” mabilis niyang wika. “At hindi pwedeng malaman ni Daddy iyon. Masiyadong personal para sa bagay na iyon kaya hindi nya maaaring malaman iyon.”
“Pero kayamanan mo iyon, tama? Dapat lang na ipaalam mo sa kaniya para matulungan ka niya na mabawi mo kung talagang mahalaga sa iyo,” turan naman ni Ethan na naroon pa rin ang pag-aalala sa dalaga.
“Gustuhin ko man, alam kong hindi ko na iyon mababawi pa dahil never ng maibabalik sa dati ang bagay na kinuha niya sa akin ng hindi ko man lang namalayan kung paanong nangyari iyon. Ang tanging gusto ko malaman kung sino ang magnanakaw na iyon. Kaya sabihin mo na sa akin na bar ito talaga sa gabi kasi rito niya iyon kinuha sa akin at ha-hunting-in ko!”
Mas lalo naman naguluhan si Ethan sa sinabi ni Danna-ann. “Ano ba kasing kinuha sa iyo para magkaganiyan ka at ipilit na bar ang restaurant ko?”
Hindi agad sumagot si Danna-ann. Nagdalawang-isip siya bigla kung sasabihin niya ba iyon dito sa Manong na ito. Tiningnan niya ang mata ni Ethan na ngayon ay nakatingin ng diretso sa kaniyang mga mata.
Bakit tila sa isang iglap ay ang salamin nitong suot sa mata ay napalitan ng maskara na tumakip sa mukha nito na tanging bibig lang ang nakalitaw. Iyon ang maskara ng lalaking kaniyang nakaniig.
Napansin naman ni Ethan ang kakaibang titig na yon ng dalaga sa kaniyang mga mata na labis niyang ipinagtaka. Tagusan ang tingin nito sa kaniya na tila nanunuot sa kaniyang katawan. Nagawi din ang mata niya sa mga labi ng dalaga na bahagyang nakabuka. Kaya naman bahagya siyang napalunok dahil doon at sa kakaibang sensasyong naging hatid nito sa kaniyang buong sistema.
‘Damn!’ mura niya tanging sa isipan. ‘She’s too young Ethan, so stop it!’
Dahil sa mga labing nakaawang na iyon ay huli na bago niya napagtanto ang sunod na ginawa niya rito. Hindi niya napigilan na kintalan ng mabilis na halik ang labi nito.
Agad naman nataranta si Ethan dahil sa ginawa niya.
Napapitlag naman si Danna-ann bigla dahil sa tila mabilis na halik na iyon.
Sa pagkataranta ni Ethan dahil sa pagpitlag na iyon ni Danna-ann, natabig niya ang maliit na flower vase na nakapatong sa mesa sanghi para gumulong iyon at mahulog sa lapag upang mabasag.
Magkapanabay pang nagawi ang paningin nila pareho sa bumagsak na vase kaya magkapanabay din nilang dadamputin iyon. Nauna lang ang dalaga sa pagdampot kaya imbis na ang basag na vase ang mahawakan niya ay ang kamay ni Danna-ann ang nahawakan niya.
Sa paglapat ng kamay ni Ethan sa kamay ni Danna-ann ay tila may pamilyar na kuryente ang dumaloy mula roon. Nagtagpo ang kanilang mga mata. At hindi iyon basta titigan lang dahil tila iyon kapwa mga nangungusap na pareho nilang hindi maintindihan.
Bakit ba hindi mawaglit sa kamalayan niya ang maskarang iyon at hibang na ba siyang matatawag o sadyang desperada lang para isipin na ang Manong na ito ang nasa likod niyon. naisip ni Danna-ann
Agad niyang hinamig ang sarili bnago mahuli ang lahaat at binawi ang kamay na hawak ni Ethan. Mabilis siyang tumayo. Plano na niyang umalis. Pero kasabay ng kaniyang pagtayo ay ang pagtayo rin nito at muling paghawak ni Ethan sa kaniya pero this time ay hindi na iyon basta sa kamay lang dahil ang braso na niya ang hawak nito.
“Le-Let me go. Hi-hindi na pala ako nagugutom,” aniya. Gusto niyang kagalitan ang sarili kung bakit kailangan niyang mautal ng ganoon bigla sa harap nito. Biglang hindi na niya maintindihan kung ano ang kaniyang nararamdaman ngayon.
Ngunit sa kaniyang pagkagulat imbis na bitiwan na nito ang braso niya ay bigla siya nitong hinila at kinawit ang isang kamay sa kaniyang beywang. Sobrang lapit din ng mukha nito na bahagyang nakayuko sa kaniya. Bahagya rin siyang nakatingala rito dahil mataas ito. Five two lamang ang taas niya at si Ethan marahil ay nasa five ten. Ang kasunod na sinabi at ginawa nito ang labis na nagpalaki ng kaniyang mga mata at napabuka ng kaniyang labi dahil sa gulat.
“I’m sorry little girl, pero hindi ko na kayang pigilan pa na gawin ito sa iyo. Ang mga labi mong mapula na tila masarap na wine ay kanina pa nagpapabaliw sa aking matikman.
Inilapat niya ang sariling labi sa nakabukang labi ng dalaga.
Si Danna-ann naman na tila natuod ay hindi makagalaw sa labis na pagkabigla. Pero isa lang ang tiyak niya gusto niya ang pagkakalapat ng labing iyon sa kaniya mula kay Manong Ethan.