THREE

2282 Words
DANNA anak, Ayos ka lang ba?" saad ni Ricardo sa anak nang mapunang tila wala sa kaniyang mga sinasabi ang pag-iisip nito. Wala pa rin kasing kibo ito habang kanina pa siya salita nang salita at nakapagtataka iyon sa kaniya sapagkat kilala niya ang anak na kapag usapan tungkol sa kanilang kompanya ang topic ay alive na alive ito. Pagkaalis ni Ethan ay agad niyang kinausap ang anak. Ang pagpunta ni Ethan sa kaniya kanina ay hindi naman niya talaga inaasahan. May sinabi lang ito sa kaniyang importante na ipinagtaka niyang talaga kung paanong nangyari iyon. Tiwala siya kay Etahn kaya naman madali siyang pumayag sa nais nitong mangyari. At nang magpaalam na nga ito nang dumating ang kaniyang anak ay agad niyang sinabi ang plano niyang pagbabakasiyon. At bilang kaisa-isa niyang anak si Danna-ann ay dito niya ibinibigay ang pamamahala ng kanilang negosyo sa ayaw man nito o sa gusto. Sinabi na rin niya ang mga dapat nitong gawin habang wala siya. Isa sa ikinakabilib niya sa anak na hindi man niya ito nakikitaan ng pagka-interesado sa ngayon para pumalit sa kaniyang posisyon ay nakikita naman niya ang sinseridad nito sa kanilang kompanya na itinatag pa ng kaniyang mga magulang na lolo at lola naman nito. Napakurap-kurap si Danna-ann nang marinig niya na tinawag siya ng kaniyang Daddy kaya naman agad siyang humingi ng paumanhin dito. “I’m sorry dad, may iniisip lang ako pero huwag kayong mag-alala at lahat naman ng sinasabi niyo sa akin tungkol dito sa Westrade ay pumasok naman lahat sa memory ko tsaka, isa pa wala naman bago sa sinasabi niyo. Iyon at iyon lang din naman,” aniya sa ama. “Walang bago sa sinabi ko? Sigurado ka ba riyan?" tanong niya sa anak. Sigurado nga siyang lumilipad ang utak nito sa kung saan dahil may sinabi rin siya na tila hindi naman talaga nito nabigyang pansin. “How about my out of town with Julie? Any violent reaction?” “Ho, out of town! Anong out of town?” Hindi niya naitago ang gulat sa sinabi ng ama. Halos napailing naman si Ricardo sa reaksiyon na iyon ng anak. “See. May pasabi-sabi ka pa riyan na lahat ng sinabi ko pumasok naman sa memory mo, pero ang tungkol doon gulat na gulat ka. Meaning, wala ka talagang naintindihan sa dinami-rami ng sinabi ko dahil talagang lumilipad ang utak mo, sweetheart.” Iyon ang endearment ng kaniyang ama sa kaniya katulad ng endearment nito sa kaniyang yumaong Mommy. “Care to tell me what's on your mind now?” hamon na wika ni Ricardo sa anak maya-maya. Muli kasi itong tumahimik. Ang totoo talaga ay kanina niya pa iniisip ang mga katagang binitiwan sa kaniya ng kani-kanina lang ay bisita ng kaniyang ama. Narinig na niya ang mga katagang iyon kagabi hindi siya puweding magkamali at natatandaan niyang malaki ang kaugnayan ng mga katagang iyon sa nangyari sa kaniya kagabi. Ni hindi na niya napagtuunan ng pansin ang timpla ng boses nito dahil saglit lang niya iyon narinig nang magsalita ito kanina sa kaniyang Daddy. Nang bangitin rin nito sa kaniya ang mga salitang iyon talagang natigilan siyang bigla. Ni hindi na nga niya namalayan na nakaalis na pala ito. Aminado siyang lumutang bigla ang utak niya. Tinangay ng Manong na iyon. Manong, kasi alam niyang malaki talaga ang agwat ng edad nito sa kaniya. Pero infairness naman ha, na-maintain nito ang magandang katawan at gwapo pa rin. Huminga muna ng malalim si Danna-ann bago nagsalita sa ama. “Your visitor is call me little girl. Have you hear that, dad?” Hindi na siya nakatiis na tanungin iyon sa ama. Gusto lang niyang makatiyak kung tama iyong narinig niya. Napakunotnoo si Ricardo sa anak sa tanong na iyon sa kaniya nito. “Oo. Pero ano naman problema kung tinawag ka niyang ganoon?” Nagtatakang tanong nito sa anak. Natigilan naman si Danna-ann. Oo nga naman. Siya lang siguro itong nag-over think bigla. Isa pa, hindi pa naman siya baliw para sabihin sa ama ang connection ng mga salitang iyon sa nangyari sa kaniya doon sa wierd na lugar na iyon. Kaya mabilis siyang nag-isip ng ibang dahilan. “Because he call me little girl nga kasi Dad. Do I look like a little? Duhhh!” Maarte niyang turan na sinamahan niya pa ng kaniyang favorite expression word. Hindi napigilan ni Ricardo ang matawa sa anak dahil doon. “You are not a little of course, because for me, you are my baby and sweetheart.” “Seryoso ako Dad sa tanong ko, and anong baby? I’m a lady now and not a baby, duhhh. Kainis ka naman eh.” Nakalabi niyang maktol sa ama. Ikinangiti naman iyon ni Ricardo. “Well, baka kaya niya nasabi iyon sa iyo kasi nga you look little for him kung sa edad ang pagbabatayan ko ha, anak. If I’m not mistaken, Ethan is already forty five year old and take note he is still single iyon nga lang para mo na iyong daddy rin. “Awit dad sa explanation ha,” aniya sa ama. “Hindi ko ma-gets kung anong connect ng last sentence na sinabi mo sa tinatanong ko.” Nang biglang namilog ang mata niya bigla at tila hindi makapaniwala sa sumunod na naisip niya. “Oh no! Don't tell me, ilalako mo ako sa matandang iyon kaya mo ba ako hinahanap dahil doon talaga kaya siya nandirito kanina at kausap mo. Oh, come on dad. Porke ba binata pa, tapos isa sa may share of stock dito sa Westrade. Maghunus dili ka dad! Ako nga never akong tumutol sa relasiyon mo kay Jullie kahit ayaw mong sabihin pa sa akin ang tungkol sa inyo. Wala kang narinig na pagtutol din mula sa akin. Tapos ganyan ka.” Eksaherada niyang turan sa ama. “Anong pinagsasabi mong bata ka?! Ikaw yata dapat ang maghunus-dili sa itinakbo na ng utak mo. Mas marami ka pa ngang nasabi sa akin,” saad ni Ricardo sa anak. “Ni minsan hindi ko naisip na ipagkasundo ka sa kahit na kanino lalo pa sa malaki ang agwat ng edad sa iyo. I can’t imagine that!” Mangani-ngani niyang tuktukan ang ulo ng anak. “Mainam nang nagkakaintindihan tayo Dad,” aniya sa ama. “Gaano ka katagal mawawala pala? Tanong na niya tila biglang nag-alala. “Maybe a couple of week or more. Dipendi pa rin sa result ng panliligaw sa mga prospect supplier and investor. Don't worry about our compony nariyan naman ang Tito Jayson mo to guide you. All you have to do is just to check our daily routine ng mga delivery natin at tiyakin nasa maayos ang lahat bago ka mag-happy-happy kasama ng mga kaibigan mo.” “Thanks Dad. Kung wala ka nang sasabihin uwi na po ako,” aniya sa ama. “Sure, Diretso sa mansiyon ha at magpahinga ka pa. Ang itsura mo para kang lantang ewan kaka-nigth life mo iyan siguro.” “Grabe ka na talaga sa akin Daddy.” Nakalabing turan niya sa ama. Tumayo na rin siya buhat sa pagkakaupo para humalik muna sa pisngi ng ama bago niya tuluyang lisanin ang opisina nito. Tinungo ni Danna-ann ang elevator. Eksakto naman bumukas iyon dahil may lumabas mula roon binati siya ng mga ito at ngiti lang ang itinugon niya. Pumasok siya sa loob. Wala nang iba nasa loob kundi siya lang. Pinindot niya ang botton para sumara ang pinto niyon at tsaka muling pinindot ang botton papuntang ground floor. Kinuha niya ang cellphone mula sa handbag na hawak niya at plano niyang magpa-book ng grab car pauwi sa kanilang mansiyon sa Quezon, City. Nagpaalam ang family driver nila noong isang araw na uuwi na muna sa probinsiya nito sa Tarlac dahil namatayan ito ng mahal sa buhay. Kung narito si Mang Ferdie tiyak na ipahahatid siya ng kaniyang Daddy rito. Maya-maya ay tumigil ang elevator at bumukas iyon. May pumasok na isang lalaki. Hindi niya na sana papansinin pero natawag ang pansin niya bigla nang makita niya ang suot nitong sapatos at pants dahil parang nakita na niya iyon kanina. Dahil doon ay awtomatikong nag-landing ang kaniyang paningin sa mukha nito. At tama ang kaniyang nasa isip kung sino ito. Ang ngiti agad nito sa labi ang bumungad sa kaniya na wala kanina noong ipinakilala ito ng daddy niya sa kaniya. Bakit narito pa pala ito? Eh, kanina pa ito umalis sa opisina ng daddy niya. Ah baka talagang hinihintay siya. Kikiligin na sana siya sa pero bigla siyang natigilan ulit sa naisip. ‘Assumera ka, Neng kay Manong. Hindi ba puweding may Ibang dinaanan na department dito sa Westrade? Oo nga naman.’ Parang baliw na pagka-usap niya sa sarili. Nang mapansin na nakangiti pa rin ito sa kaniya ay tinaasan na niya ito ng isang kilay. Hindi pa siya nakuntento at pinameywangan pa ito. Kailangan makaganti siya sa naging attitude nito kanina sa kaniya sa harap ng daddy niya. “Anong mayroon, Manong?” aniya. Nawala bigla ang ngiti ni Ethan dahil sa itinawag na iyon sa kaniya ng dalaga. “M-Manong?” ulit pa niya sa sinabi nito. “Yeah, Manong, Duhhh.” “Alam ko na palak na mas matanda ako sa iyo, But don’t call me Manong okay. Ang lakas makatanda talaga kasi. Hindi mo ako kailangan tawagin sa ganiyan.” “Realy? Pero ayokong tawagin kang Sir, dahil hindi kita Boss. Kung mayroon boss dito ako iyon. Ayoko rin naman tawagin kang Tito, kasi hindi naman kita kamag-anak. At mas lalong ayokong tawagin kang Mr. Fernandez dahil masiyado namang pormal iyon. Kaya Manong na lang. “You can call me by my name if you want and its fine with me.” “You mean you're name Ethan. Okay, madali naman akong kausap. I call you Manong Ethan kasama na roon ang paggalang, O baka may reklamo ka pa ha, may pangalan mo na iyon na kasama,” aniya rito. At muli nang hinarap ang cellphone na hawak. Nagkibit balikat na lang si Ethan at hinintay ang pagbukas ng eleavator. Sa ground floor din ang tungo niya sapagkat naroon din ang parking lot ng Westrade kung saan doon niya ipinarada ang sasakyan na dala. Magkasabay pa sila halos lumabas ng dalaga pero hindi na siya pinansin nito. Dire-diretso na itong naglakad habang sige pa rin ang kalikot sa cellphone. Sinundan niya muna ng tingin si Danna-ann. Nagtaka pa siya ng dire-diretso ito palabas. “Wala ba itong dalang sasakyan?” anas niya. Biglang tumunog ang kaniyang cellphone kaya kinuha niya iyon mula sa kaniyang bulsa. Nang makita ang tumatawag ay agad niya iyong sinagot. Pinakinggan niya muna ang sinabi ng kausap bago siya nagsalita. “Yes, I’m still here pero paalis na rin ako.” Saglit siyang tumigil para muling pakinggan ang sinasabi nang nasa kabilang linya. “Okay, don’t worry, ako na ang bahala sa kaniya.” Matapos i-call ended ang tawag ay mabilis niyang tinungo ang sariling sasakyan. Pagkasakay na pagkasakay niya ay agad niyang ini-start ang makina upang paandarin na iyon. Hindi na niya natatanaw si Danna-ann. Marahil nasa labas na iyon. Kailangan niya itong abutan. Masuwerti naman na naabutan niya ang dalaga na naglalakad patungo sa waiting shed. Binusinahan niya ito para makuha ang atensiyon nito at hindi naman siya nabigo nang lumingon ito. Agad niyang pinantayan ang paglalakad nito at ibinaba ang salamin ng bintana niya. “Little girl, hop in!” “Ano iyon Manong!” wika naman ni Danna-ann. “Sabi ko sakay! Tumawag sa akin ang Daddy mo, wala ka raw dalang sasakyan kaya pinakisuyong ihatid na kita pauwi kaysa magpa-book ka pa raw. “Sinabi ni Daddy iyon, Manong?” “Oo nga, kaya sakay na,” turan ni Ethan. Inihinto niya ang sasakyan nang makitang huminto na si Dann-ann sa paglakad. “Baka chinacharot mo lang ako Manong, ha? pero ang totoo pala plano mo lang akong kidnap-in” ani naman ni Danna-ann. “What the heck?! Kung hindi ka naniniwala, feel free to call your Dad now. Tanungin mo siya wala naman problema sa akin iyon.” Naniniwala naman siya sa sinasabi nito. Dahil kilala naman niya ang daddy niyang hindi siya nito ipagkakatiwala sa kung kanino lang. So, Ibig sabihin malaki ang tiwala ng Daddy niya sa Manong na ito. “Nakapagpa-book na ako at parating na iyon grab car, malapit na siya.” Hirit pa rin niya. “Cancel it!” “Ano?! Kahiya naman iyon Manong, plus abala pa uy.” Nang biglang napatingn siya sa paparating na kotse na kulay gray at huminto lang sa likurang bahagi ng sasakyan ni Ethan. “Ay, ayan na oh, dumating na!” saad ni Danna-ann ng makita ang paghinto ng kotse. Tumingin si Etahn sa side mirror niya bago umibis sa sasakyan nito at agad lumapit sa driver ng grab service car. Nakita ni Danna-ann na kinausap ito ni Ethan at maya-maya ay dinukot ang walet sa likod na bulsa ng suot nitong pants at nag-abot ng cash money. Kasunod niyon ay umalis na ang grab services na ini-book niya. Papalapit na sa kaniya si Ethan ulit. “Siguro naman wala ng dahilan para tumanggi ka pa sa gusto ng Daddy mo na ako ang maghatid sa iyo. Pinaalis ko na at binayaran ko ang abalang sinasabi mo. Kaya sakay na.” Hindi naman agad siya nakakibo dahil hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon. “Oh, ano na? Tatayo ka na lang ba riyan. Ano pang hinihintay mo, pasko? Matagal pa iyon dahil summer pa lang.” “H-hindi ah, Nagugutom kasi ako. Oo, tama bigla akong nagutom,” aniya na lang. “Sakay na!” turan muli ni Ethan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD