11

963 Words
Aurelia's POV Hindi ko na kayang tiisin yung itsura ng bata. Gutom, pagod, at desperado. Kaya imbes na isa lang, kinuha ko lahat ng paninda niya. “Bibilhin ko na lahat,” sabi ko. Nanlaki yung mata niya, parang hindi makapaniwala. “A-ang lahat, binibini?” sabi niya. Tumango ako at iniabot yung mga barya. “Oo. Para hindi ka na mahirapan magbenta pa sa ibang tao.” sabi ko. Halos mangiyak-ngiyak siya habang tinatanggap yung pera. “Maraming salamat po! Hindi ko po akalain akala ko uuwi akong walang dala.” sabi niya. Ngumiti ako at pinulot yung basket ng tinapay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa dami nito, pero at least alam kong kahit papaano, nakatulong ako. “By the way…” tumingin ako sa kanya. “Pwede mo ba akong tulungan? Baguhan kasi ako rito. Wala pa akong matutuluyan.” Nag-angat siya ng tingin, mabilis na tumango. “Opo, binibini! Kilala ko po ang ilang paupahan dito. Maaari ko po kayong samahan.” masaya niyang sabi sa akin. At doon nagsimula yung unang connection ko sa lungsod na ‘to. --- Habang naglalakad kami, ang dami kong napansin. Ang daming tao sa paligid, parang walang tigil ang galaw. May mga nagbubuhat ng sako, may mga nag-aalok ng kung anu-anong produkto, at may mga guards na paikot-ikot, sinusuri ang pumapasok at lumalabas. Yung bata, panay ang kwento habang nakaturo sa paligid. “Ito po ang Pamilihang Sentral ng Zephyros, binibini. Dito po bumabagsak ang kalakalan mula sa karatig-baryo at mga bayan. Kung may kailangan kayo, tiyak makikita rito.” sabi niya sa akin. Napatingin ako sa paligid. May naglalako ng prutas na hindi ko pa nakikita kahit kailan, mga piraso ng karne na nakasabit, at mga tela na iba-iba ang kulay at disenyo. May bahagi ng akin na parang turista curious, amazed, at sabik matuto. Pero sa kabilang banda, ramdam kong kailangan kong maging maingat. ----------- Ilang kanto pa at tumigil yung bata sa harap ng isang gusali. May karatula: “Silvershade Inn – Tahanan ng mga Dayo.” Hindi siya marangya, pero maayos tingnan malinis ang harap, may mga bintanang may kurtina, at amoy tinapay na bagong hurno mula sa kusina. “Dito po, binibini,” sabi ng bata. “Mabait po ang tagapangalaga rito.” sambit niyang muli. Pagpasok ko, sinalubong ako ng isang babae na nasa edad apatnapu’t pataas, matangkad, naka-apron, at may mahigpit pero mabait na aura. “Magandang araw, binibini. Anong maipaglilingkod sa iyo?” tanong niya, medyo pormal ang tono. Ngumiti ako. “Kailangan ko sana ng matitirhan. Ilang araw o linggo, depende kung gaano ako magtatagal dito.” Tumango siya. “May bakante pa. Isang silid na may kama at mesa, dalawang pilak bawat gabi. Kasama na ang almusal.” Dalawang pilak. Kinuha ko agad ang pouch at naglabas ng ilang barya. Habang inaabot ko iyon, napansin kong napatitig siya. “Binibini mukhang hindi ka nagdadalawang-isip gumastos,” sabi niya, nakataas ang kilay. “Kadalasan ang mga dayo, tanso lang ang kayang bayaran.” sabi niya muli. Napangiti ako ng mahina. Ayan na. Halata nilang hindi ako kapos. “Hindi naman sobra,” sagot ko. “May kaunting naipon lang. At kung para sa maayos na tuluyan, sulit na sulit ang pilak.” sagot ko. Tinanggap niya ang bayad at ngumiti. “Kung ganoon, malugod kang tinatanggap sa Silvershade Inn. Ako si Madam Celia, tagapangalaga ng tahanang ito. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang.” sabi niya sa aking muli. ------------- Pag-akyat ko sa kwarto, nakahinga ako nang maluwag. Hindi ito engrande, pero maaliwalas. May isang kama na may puting kumot, maliit na lamesa, at bintana na tanaw ang kalsadang puno ng tao. Umupo ako, nilapag ang basket ng tinapay, at tinignan ang pouch ng pera. Ito na ang simula, bulong ko sa sarili ko. Kung hindi ko gagamitin nang tama ang mga pilak at ginto ko, baka hindi ako tumagal dito. Naalala ko bigla ang halaga ng pera sa mundong ito. Tatlong klase lang daw ng pera: tanso, pilak, at ginto. Sampung tanso = isang pilak. Sampung pilak = isang ginto. Simple, pero malinaw. At ang halaga? Malaki ang timbang. Isang tanso lang, sapat na para makabili ng tinapay o sabaw sa pinakamurang kainan. Kaya yung dalawang pilak na binayad ko para sa kwarto katumbas iyon ng isang linggong pagkain ng isang bata. Dito ko lalo naintindihan, hindi lang simpleng gamit ang pera rito. Isa siyang sukatan ng kakayahan at tiwala. Kapag may pilak ka, may respeto ka. Kapag may ginto ka mas lalo. -------- Kinagabihan, bumaba ako para kumain. Maingay ang dining hall, puno ng mga manlalakbay at negosyante. Habang umuorder ako, napansin ko ang dalawang mangangalakal na nag-uusap sa mesa malapit sa akin. “May bagong dayo raw na dumating,” sabi ng isa. “May dala raw na pilak, hindi tanso.” “Delikado ‘yon,” sagot ng kasama. “Kapag nalaman ng masasamang loob, baka siya’y maambush.” Napangiti ako ng mahina, nakayuko. So ganun pala hindi lahat dapat ipakita. Maya-maya, si Madam Celia mismo ang lumapit para ihatid ang pagkain ko isang mangkok ng mainit na sabaw at tinapay na bagong hurno. “Binibini,” sabi niya habang inilalapag ang pagkain, “Isang payo lang. Maging maingat ka. Ang lungsod na ito, maraming magaganda at kapaki-pakinabang na bagay, pero marami ring matang mapanlinlang.” sabi niya muli. Nagpasalamat ako at ngumiti. "Salamat po. Susundin ko.” Sabi ko. Habang kumakain, ramdam ko ang kakaibang excitement. Ngayon, hindi lang ako basta dumating sa Zephyros. May matutuluyan na ako, may unang kakilala, at unti-unti kong nauunawaan ang mundong ‘to. At habang iniikot ko ang tingin sa paligid, alam kong ito pa lang ang simula. ⋆˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁. End of Chapter 11
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD