10

853 Words
Aurelia’s POV, Tatlong araw. Tatlong araw na kaming naglalakad palabas ng gubat. Para sa iba siguro nakakapagod, pero para sa akin iba. Hindi ko alam kung paano ko ie-explain nang buo, pero ang dami kong nagustuhan dito. Una, yung langit sa gabi. Grabe, hindi ko akalaing ganu’n kaganda ang mga bituin kapag wala kang ibang nakikita na ilaw. Sa baryo kasi, oo, maliwanag ang buwan, pero dito sa gitna ng gubat para akong nakatingin sa kumot na puro glitters. Parang andaming secrets ng langit, at ako lang ang pinapakita nila. Madalas, bago ako matulog, tititigan ko muna yung kalangitan at iisipin: baka may sagot kung bakit ako napunta rito. Tapos yung tunog ng gubat. Sa una, honestly, nakakatakot siya. May mga hayop na nag-iingay, may mga dahon na parang may gumagalaw. Pero habang tumatagal, nagiging music na siya. Parang background sound na nakaka-relax. Yung huni ng ibon tuwing madaling araw, yung mga kuliglig na parang chorus kapag gabi na. May mga pagkakataon pa na tahimik lang, tapos maririnig mo lang yung hangin na humahaplos sa dahon. Simple lang, pero ang sarap sa pakiramdam. Isa pa, yung pagkain na niluluto ko. Oo, hindi siya five-star restaurant quality, pero alam mo yung feeling na kumakain kayo ng simpleng luto tapos lahat sila masaya? Ang sarap sa puso. Nung unang gabi, nagluto ako ng soup gamit yung mga gulay na nakuha namin sa paligid. Ang sabi nila, first time daw nilang natikman yung ganung lasa lalo na yung timpla ko na galing pa sa mga spices na alam ko sa mundo ko. Napangiti ako noon, kasi kahit na bago ako rito, kahit wala akong armas o kakaibang powers kagaya nila meron pala akong kayang ibigay. Yung apoy din, isa sa mga bagay na nagustuhan ko. Nasanay ako na may stove, may lighter, lahat madali. Pero dito, ibang level yung pakiramdam na ikaw mismo ang gumawa ng apoy gamit ang bato at tuyong kahoy. Parang accomplishment na maliit pero meaningful. Kapag sumiklab na yung apoy, may liwanag, may init, tapos makikita ko yung mga mukha nila habang nakapalibot kami lahat sila contented. Napapaisip ako tuloy: ganito pala yung buhay na hindi kumplikado. Tatlong araw lang, pero parang ang dami ko nang natutunan. --- Nung ikatlong hapon, nakita ko na yung pagbabago sa paligid. Unti-unting lumiwanag ang tanawin, hindi na puro puno. Sa malayo, may nakikita na akong mga tore at pader. “Zephyros,” bulong ko sa sarili ko. Parang ang laki-laki ng mundo bigla. Habang papalapit kami, mas lalo kong naramdaman na ibang-iba ito sa baryo namin. Ang daming tao sa paligid ng tarangkahan mga merchants, adventurers, kahit mga bata na may dalang paninda. Ang ingay, pero masaya. Ang daming kulay, ang daming amoy na umaabot sa ilong ko tinapay, karne, prutas. Pagpasok namin sa mismong lungsod, halos hindi ako makahinga sa dami ng nakikita ko. May mga stalls na puno ng kakaibang pagkain: malalaking tinapay na bilog, prutas na kulay bughaw, at mga karne na iniihaw sa malalaking bakal na kawayan. Ang dami ring tao, lahat abala, lahat parang may kanya-kanyang mundo. Napatingin ako sa grupo ko. Nakangiti sila, pero ramdam ko na iba na ang plano nila. “We will part ways here,” sabi ni Rylan. Hindi ko na kailangang intindihin lahat ng salita, gets ko na agad yung ibig nilang sabihin. Natulala lang ako saglit. “So, hanggang dito na lang tayo?” sabi ko. Tumango sila. Kahit tatlong araw lang, nakadikit na ako sa kanila. Lalo na’t sila yung kasama ko sa unang parte ng journey ko. “Thank you for everything,” sabi ko habang pinipilit ngumiti. “Hindi ko alam kung paano ko makakaya kung wala kayo. Mamimiss ko kayo.” sambit ko muli. Nagpaalam sila isa-isa. May mga pa-kaway, may pa-smile, at may pa-reminder na mag-ingat. Tapos naiwan na lang ako sa gitna ng market, surrounded by strangers, pero mag-isa. Huminga ako nang malalim. Okay, Aurelia. Kaya mo ‘to. Simula na ng bago mong chapter. Naglakad ako, tinignan lahat ng pagkain at paninda. Ang daming tempting. Parang gusto kong tikman lahat. Pero habang nag-eenjoy ako mag-observe, may nakita akong eksena sa gilid. Isang bata. Payat, marungis, pawis na pawis. May dala siyang basket ng tuyong tinapay at pilit na ini-aalok sa mga dumaraan. “Please kahit isa lang po.” mahina niyang sabi. Pero lahat ng tao, deadma lang. Napahinto ako. Sa gitna ng kaguluhan ng masasarap na pagkain, sa gitna ng kasayahan at trading, may batang ganito hirap na hirap, halos hindi pinapansin. Lumapit ako. Tumingin siya sa akin, parang nagulat. “Magkano ang isa?” tanong ko, halos pabulong din. Biglang kumislap yung mata niya. “I-isang pilak lang po.” Tumingin ako sa pouch na pinaglalagyan ng aking pera. May laman pa, pero hindi rin gano’n karami. Kaya ko siyang pagkasyahin para makasurvive ng ilang araw. Pero habang nakatingin ako sa bata, hindi ko maiwasang isipin: paano kung hindi siya makabenta? Paano kung wala siyang makain mamaya? Hawak ko na yung pilak na barya, at ramdam ko ang bigat nito sa palad ko. ⋆˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁. End of Chapter 10
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD