09

1013 Words
Aurelia’s POV Habang naglalakad ako palabas ng gate ng Aureanthia, napansin ko agad kung gaano kataas at detalyado ang tarangkahan. Ang mga poste ay gawa sa matibay na kahoy, may metal reinforcement sa gilid, at nakaukit ang simbolo ng lungsod. Isang sunburst na kumikislap sa araw. Malinis ang paligid, may mga guards sa gilid, hawak ang kanilang spear, nakamasid sa bawat dumadaan. Sa tabi ng gate, may ilang stalls na nagtitinda ng prutas at paninda, pero kakaunti ang tao dahil maaga pa. Huminga ako ng malalim at huling sulyap sa Golden Hearth. Nakangiti ang guard habang nagpaalam ako. Okay, Aurelia breathe in, breathe out. kaya mo ‘to. Hindi pa ako nakakalayo sa gate nang makasalubong ko ang isang grupo ng adventurers; tatlong lalaki at dalawang babae. May dalang backpacks at armas, halatang sanay sa travel at survival, pero magulo ang kanilang kilos halakhakan, kwentuhan, at parang walang pakialam sa paligid. Habang naglalakad ako sa gilid ng daan, nadapa ako bigla. “Are you okay?” tanong ng babae sa grupo, sabay abot ng kamay para tulungan akong bumangon. “Ah opo, salamat po,” sagot ko, medyo nahihiya. “You should be more careful,” sabi ng lalaki sa kasama niya. "Sorry miss hindi ko sinasadya." sabi ng isang lalaki at nilahad kamay para makipag kamay. Matapos ang kaunting abala, nagpakilala sila. “I’m Rylan, and these are Kael and Dorian. The ladies are Selene and Mira. Where are you headed?” sabi ni Rylan. Okay, chill lang kaya ko ‘to. Kaya ipinaliwanag ko ang plano ko pupunta sa Zephyros para sa kalakal, pagkain, herbs, at baka malaman kung bakit ako napunta sa mundong ito. “Our path seems to match yours. But before we go, we need to check in at the guild. Do you want to come with us?” tanong ni Selene, sabay abot ng maliit na pass. Safe din kung may kasama. “Opo, salamat po, I’ll come with you,” sagot ko, tinanggap ang alok. Naglakbay kami palabas ng Aureanthia, papasok sa gubat. Sariwa ang hangin, halong d**o at kahoy, may tunog ng ibon at banayad na bulong ng dahon. Ramdam ko ang excitement at kaba sa dibdib ko. Grabe, bagong mundo, bagong rules pero must enjoy it. Pagdating sa isang place na walang panganib, tumigil kami at nag ayos para doon matulog ngayong gabi. “Time to eat,” sabi ni Rylan. Mag hahanda na sana siya ng sinabi kong ako na magluluto. Kinuha ko ang herbs at ingredients na dala ko. Okay paano ba gumawa ng fire. Naghanap ako ng gagamitin upang makabuo ng apoy, pagkatapos kong makahanap ng flint stone at dry sticks, nakagawa ako ng maliit na apoy. “Wait, you made fire just like that?” sabi ni Dorian, halatang impressed. Hehe, wait till you taste my cook. Tinimpla ko ang simple stew gulay at herbs. Habang niluluto ko, halata ang curiosity sa kanilang mga mata. Hindi sila sanay sa ganitong cooking style, pero na impress sila sa technique at lasa. Nang matapos, pinagsaluhan namin ang pagkain. Ang saya ng feeling dahil kahit hindi ko kilala pa safe ako at parang friends na agad kami dahil sa sa simpleng pagsasalo ng pagkain. “This is amazing! I’ve never tasted anything like this,” sabi ni Rylan, sabay ngiti. “Yeah, the flavors are really good,” sabi ni Mira. Ramdam ko ang init sa dibdib ko. Yes! Ito ang rason kung bakit ako nagluluto. Pagkatapos kumain, nag ayos kami at nag kwentuhan tungkol sa Zephyros; merchants, stalls, at adventures. Natutunan ko rin ang ilang survival tricks: paano mag-orient sa forest, paano maghanap ng edible plants, at paano i-maximize ang limited resources. Sa pag tatapos ng usapan, tumayo ako at umupo doon sa gilid ng lawa, makikita mo sa lawa ang kumikinang na liwanag na galing sa buwan. Ngayon lamang ako nakakita nito, sa television ko lamang ito nakikita kahit bagong lugar, ramdam ko ang kapayapaan. Pinagmamasdan ko ang reflection ng buwan sa tubig. Ang simoy ng hangin malamig pero banayad, naglalaro sa buhok ko. Ang mga kasamahan ko ay nag-set up na upang matulog, pero ako nakatuon ang isip ko sa sarili kong reflection. "Sana maging maganda ang paglalakbay ko. Sana malaman ko rin ang totoong nangyari sa akin at bakit ako napunta dito." bulong ko sa sarili. Habang nag papahinga, naisip ko ang mga nangyari buong araw. Una nakita ko ang kanilang grupo, Naglakbay kami mag kakasama kahit na bago lamang ako tinuring nila akong kaibigan at pangatlo ang pag explore ko sa gubat, paggawa ng fire, at pag luluto ko sa harap nila. Grabe, ang dami ko pa lang nalaman at natuklasan. Pero masaya. Bagong mundo, bagong adventure, at bagong kaibigan. Nakaramdam ako ng halo ng kalayaan at responsibility. Ang bawat hakbang sa Zephyros ay parang hakbang sa sariling discovery ko. Hindi lang sa food o herbs, kundi sa sarili ko rin. “Tomorrow Zephyros, new discoveries, new challenges. Ready ka na ba, Aurelia?” bulong ko habang pinagmamasdan ang kumikinang na lawa. Mas lalo akong nag-excite sa paglalakbay, pero may halong kaba. Hindi ko alam kung anong challenges ang naghihintay. Okay focus, one step at a time. Basta may food, herbs, at brain, kaya ko ‘to. Ang araw na iyon ay puno ng bagong karanasan pagkilala sa adventurers, cooking sa forest, survival skills, at bonding. Pero sa kabila ng lahat, may misteryo pa rin sa paglalakbay ko na naghihintay na matuklasan: kung bakit ako napunta sa mundong ito, at kung ano ang role ko sa mas malaking kwento ng Aureanthia at Zephyros. Habang nakaupo sa tabi ng lawa, lumabas ang mga alitaptap at ito ay parang nag sasayaw sa ilalim ng buwan. Huminga ako ng malalim at pinagmamasdan ang kumikinang na tubig sa liwanag ng buwan at kasabay nito ang pag sayaw ng mga fireflies. Ang puso ko ay punong-puno ng anticipation, excitement, at kaunting kaba. Alam ko na bukas ay bagong araw, bagong adventure, at mas marami pang matutuklasan. ⋆˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁. End of Chapter 9. Please Vote and Comment. Thank you^^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD