Aurelia's POV
Isang taon na ang lumipas mula nang unang araw ko sa maliit na stall sa palengke. Maraming nagbago sa baryo namin. Si Nanang Ysabel ay naturuan ko nang magluto ng mga ulam at dessert na simple pero masarap, habang si Lira at Tomas ay maalam na sa pagtatanim ng gulay na malusog at masagana. Ramdam ko ang kasiyahan sa puso ko habang iniisip ang lahat na binigay kong kaalaman sa kanila sa nakaraang taon.
Ngayon, nakatayo ako sa labas ng Munting restaurant na aming pinagawa. Ang maliit na restaurant na pinangalanan naming “Golden Hearth”, dahil simbolo ito ng warmth, comfort, at kasiyahan na dala ng pagkain. Puno ito ng tao, abala ang mga trabahador, at ramdam ko ang resulta ng taon ng pagtutulungan at pagbibigay puso sa pagluluto.
Pero ngayon, may ibang plano ako. Maglalakbay ako sa Zephyros, isang lugar ng palitan ng kalakal at negosyo. Gusto kong tingnan ang mga sources of food, herbs, at iba pang impormasyon para mas mapalawak pa ang Golden Hearth, at para rin malaman kung paano ako napunta sa mundong ito.
---
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa bahay. Si Nanang Ysabel ay nag-aayos ng mga gamit, habang si Lira at Tomas ay naglalaro sa gilid.
“Nanang, Lira, Tomas kailangan ko pong magpaalam,” sabi ko, sabay ngiti.
Napatingin si Nanang Ysabel sa akin, halatang nag-aalala.
“Aurelia, aalis ka na? Saan ka pupunta?” sabi nito sa akin.
“Nanang, maglalakbay po ako sa Zephyros para tingnan ang mga kalakal at iba pang pagkain. Gusto ko pong matuto pa at madala sa Golden Hearth ang lahat ng impormasyong makukuha ko,” sagot ko.
at upang malaman ko din bakit ako napunta sa mundong ito.
Lumingon si Lira, halatang malungkot dahil sa narinig.
“Ate, mamimiss po namin kayo habang wala kayo. Aalagaan po namin si Inay. Ingat po kayo ha!” Sabi niya pa.
Tumango ako at hinawakan ang kanilang mga kamay.
“Oo, mag ingat din kayo. Magtatagal lang ako, pero babalik din ako". Sabi ko
“Ate, huwag mo pong kakalimutang kumain sa tamang oras." dagdag ni Tomas, sabay ngiti.
Ngumiti ako sa kanya. “Hindi, Tomas. wag ka mag alala aalagaan ko ang aking sarili." sabi ko.
---
Huminga ako ng malalim bago umalis sa kubo. Sa labas, nakita ko muli ang Golden Hearth, puno ng tao at abala ang mga trabahador. Ramdam ko ang pagmamahal nila sa kanilang ginagawa. Isang taon, puno ng pagsasanay, puno ng pagtitiyaga, puno ng pagkakamali at pagtutuwid, pero sa huli, nagbunga rin ang lahat ng effort at pagmamahal na inilagay namin sa Golden Hearth.
“Mag-iingat ka, Aurelia,” sabi ni Nanang Ysabel, sabay haplos sa aking balikat.
“Opo, Nanang. Salamat po sa lahat ng suporta at pagtuturo. Babawi po ako ng mas marami pang kaalaman,” sagot ko, sabay ngumiti.
---
Habang naglalakad patungo sa daan palabas ng baryo, iniisip ko ang Zephyros.
Ano kaya ang itsura ng Zephyros? Malaki kaya ito at masigla, o tahimik at payapa kagaya ng Aureanthia na nakasanayan ko na? Hindi ko alam kung ano ang haharapin ko roon, baka may mga pagkain na kakaiba, baka may mga tao na mahirap kausapin, o baka may mga sorpresa na hindi ko inaasahan. Sana, sana maging maganda ang paglalakbay ko.
Habang naglalakad ako palabas ng baryo, huling sulyap ko sa Golden Hearth at sa puso ko, alam kong kahit gaano ako katuwa na makapunta sa Zephyros, may isang bagay akong dapat paghandaan isang misteryo na puwede kong matuklasan, o puwede rin magdulot ng panganib.
At sa sandaling iyon, habang unti-unti akong lumalayo, hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko:
Ano kaya ang naghihintay sa akin sa Zephyros?
⋆˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁.
End of Chapter 8.