Aurelia’s POV
Maaga pa nang gumising ako. Ang simoy ng hangin sa gilid ng kubo ay malamig at sariwa, ramdam ko agad ang excitement at kaba sa tiyan. Ito ang unang araw ko sa pagtitinda.
Dala ko ang basket ng gulay, itlog, at dessert ingredients. Sumama sa akin sina Lira at Tomas, nakatingin lang sa gilid, paminsang naglalaro habang pinagmamasdan ang ginagawa ko.
“Handa na po tayo, Ate?” Excited na tanong ni Lira.
“Handa na!" Masaya kong sagot.
“Ako lang ang magluluto ha. Kayo, manatili lang sa gilid at tumulong kung kailangan lang.” Sabi ko muli sa kanila.
Tumango sila ng masaya dahil first time nila sumama sa akin sa ganitong set up.
---
Pinagplanuhan ko muna ang simpleng menu na puwede kong gawin sa mundong ito gamit ang maliit na kalan at kawali.
Ang mga lulutuin ko sa araw na ito ay ang Adobong Talong, Stir-fried Vegetables with Herbs, Simple Chicken Stew at para sa Dessert ito ay ang Honey Pudding, Fruit Compote, Egg Custard.
Alam ko, nagtataka kayo kung bakit may honey sa panahon na ito. Sa pag-e-explore ko sa mundo na ito, marami akong nakita na ingredients na parang sa mundo ko rin, pero hindi pa alam ng iba kung paano ito gamitin ng tama.
Sinimulan ko sa Adobong Talong. Pinutol ko ang talong, tinadtad ang bawang at sibuyas, at pinagsama sa kawali na may kaunting herbs at asin. Habang nagluluto, may ilang tao sa kalsada ang napatingin sa stall, halatang curious pero nag-aalangan.
“Anong niluluto mo diyan, iha?” tanong ng isang matandang babae.
“Magandang araw po! Adobong Talong po, at meron pa pong ibang ulam at dessert baka gusto niyo pong subukan. Bili na po kayo, kakaluto lang po ngayon,” sagot ko habang nakangiti.
Napatingin siya sa akin, at umalis din, Halos lahat ay nag-oobserve lang at nagtataka walang bumibili. Ramdam ko ang kaba sa tiyan, pero kailangan kong maging kalmado.
---
Makaraan ng ilang oras mayroon namang Lumapit na isang bata, medyo kinakabahan pa bago magsalita.
“Magandang araw po, parang kakaiba po ang niluluto niyo. ano po ‘to?” sabi niya habang nakatingin sa kawali ko.
“Masarap yan. gusto mo bigyan kita para matikman mo?" sabi ko at iniabot ang kutsara sa kanya.
Nag-atubili siya sandali, tiningnan ang Honey Pudding at Fruit Compote, at pagkatapos ay ngumiti bago ito tikman.
“Hmm, kakaiba po, pero masarap!” nakangiti niyang sabi habang yung kinakain niya ay nakakalat pa sa nguso niya.
Napangiti ako sa sinabi niya, ramdam ko ang relief dahil kahit pa paano, may tao na nagsabi na masarap ang niluto ko. Pero kahit ganito, malinaw pa rin na hindi basta-basta bibili ang iba nag-oobserve pa rin sila, cautious sa bago at hindi kilala na pagkain na inihanda ko.
---
Sa pagdaan nang oras. Unti-unti, nagpakita ng interest ang mga tao sa paligid, nagtatanong-tanong:
“Anong lasa nito?” tanong ng isa, nakatingin sa Egg Custard.
“Masarap po at matamis, ito po ang simpleng sampol para matikman niyo." sagot ko habang pinapakita ang sample plating.
Tinikman niya ito at makikita mo sa mata niya na nasarapan siya.
"Napakasarap at napakalambot, ngayon lamang ako nakatikim ng ganitong klase na pagkain!"
Sa sinabi niya lahat ng tao na curious sa lasa ng pagkain na aking ginagawa kaya napangiti ako.
------------
Habang nagluluto, unti-unti akong nagkakaroon ng strategy. Napansin ko na mas gusto ng mga tao ang makita at tikman muna bago bumili. Kaya gumawa ako ng maliit na plate para sample sa bawat interested na bata o adult.
“Subukan niyo po, maliit lang po sample,” sabi ko sa isa, iniabot ang Egg Custard.
Tiningnan niya sandali, nag-alinlangan, pero pagkatapos ay ngumiti.
“Ang creamy po. Kakaiba, pero masarap!” sabi niya ng nakangiti.
Ngumiti ako, ramdam ko ang relief. Kahit maliit, nakukuha ko na unti-unti ang trust ng mga tao.
Sa unang pagkakataon, napansin ko ang pagbabago unti-unti na silang lumalapit at pumipila. Halatang curious at excited na rin sila matapos tikman ang maliit na sample.
“Ate, isa po nito,” sabi ng isang babae, iniabot ang ilang barya.
“Ineng, pabili ako nito, nito at nito,” tawag ng matanda sa akin, nakangiti habang pinapakita ang ulam at dessert.
“Gusto ko nito, magkano ito?” tanong ng matanda, nakatingin sa Adobong Talong.
Natuwa naman ako kasi ang daming bumibili
Aurelia mukhang magiging busy ka ngayon, Fighting girl!
---
Pagkatapos ng pagtitinda, nagbalot kami ng natirang pagkain at naglakad pauwi sa kubo. Si Lira at Tomas ay naglalaro habang hawak ang mga maliit na plates na natira, sabay kwento sa akin tungkol sa mga nagustuhan nila sa palengke.
“Ang saya po, Ate! Parang gusto ko rin po maging matalino sa pagluluto kagaya niyo,” sabi ni Lira.
“Ang dami pong nagtatanong sa iyo ate, sikat na sikat kana po,” sambit ni Tomas, halatang proud sa akin.
Ngumiti ako, ramdam ang ginhawa at kasiyahan.
“Next time, mas marami pa tayong ulam at dessert. Mas masaya kung makakabenta tayo ng marami at mas mapaganda natin ang stall.” sabi ko.
Masaya naman sila tumango.
Pagpasok namin sa bahay, si Nanang Ysabel ay nagulat at ngiti agad.
“Aurelia, kumusta ang unang araw mo sa palengke? Maraming tao ba?” tanong niya.
Ngumiti ako at niyakap siya.
“Opo, Nanang noong una ayaw nila bumili kasi nagtataka pa sila sa aking niluluto pero nung subukan nila ang pagkain. Nasayahan sila at bumili din." Sabi ko.
Napangiti si Nanang Ysabel, halatang masaya sa nangyari ngayong araw.
"Tara kumain na kayo, halatang pagod na pagod kayo sa nangyari ngayon." Sabi ni Nanang Ysabel.
Masayang tumakbo ang dalawang bata at ako naman ay nagtungo sa upuan ng nakangiti.
---
Habang naghahapunan kami, nagkwentuhan kami tungkol sa lahat ng nangyari sa palengke. Ang curiosity ng mga tao, at ang mga bata na natuwa sa sample. Si Lira at Thomas ay sabay na nag kwento rin patungkol sa nangyari sa kanila ngayong araw.
“Masaya po, Ate! Sana bukas, mas marami pang bumili,” sabi ni Tomas.
Ngumiti ako. “Dadagdagan pa natin ang ating panida upang mas maraming bumili."
Sa gabing iyon, habang pinapanood ko ang dalawang bata na masaya sa pagkain at si Nanang Ysabel na nakangiti, ramdam ko ang kasiyahan at guminhawa ang pakiramdam ko. Hindi ko inaasahan na makakakita ako ng pamilya sa mundong ito. Sisiguraduhin kong magiging maayos at maganda ang buhay nila bago ako maglakbay sa iba't ibang lugar, para alamin kung bakit ako napunta sa mundong ito.
⋆˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁.
End of Chapter 7.