Aurelia's POV
Maaga pa nang magpasya akong lumabas sa kubo. Nagpaalam ako kay Nanang Ysabel at sa dalawang bata.
"Mag-iikot lang po ako sa palengke. May bibilhin lang po ako gamit ang naipon kong pera sa pagtulong," sabi ko habang hawak ang maliit kong bag.
Ngumiti si Nanang Ysabel. "Sige iha, pero ingat ka. Huwag kang lalayo nang malayo, at baka makapansin ka ng kakaiba sa mga tao."
"Opo, salamat po," sagot ko, at dahan-dahang lumabas sa bahay.
Ang araw ay hindi masakit sa balat dahil maaga pa. Habang naglalakad ako sa makitid na daan, napansin ko ang iba't ibang tindahan, kahoy na stalls, ilang tent, at ang amoy ng sariwang tinapay na nakakaakit. Napangiti ako nang makita ko ang isang tindahan ng bilog na tinapay na may palamang kulay lila yung katulad ng unang natikman ko noong dumating ako sa mundo na ito.
"Ang sarap ng amoy." bulong ko, habang humihinto sandali para huminga.
Napansin ko na kahit may iba't ibang pagkain sa paligid, kakaunti lang sa mga ito ang lasa ay katulad ng sa mundo ko. Parang kulang sa spice, o minsan naman masyadong matamis o matapang para sa akin. Naalala ko ang mga sabaw at stir-fry na niluto ko sa gilid ng kubo, at isang ideya ang biglang pumasok sa isip ko.
"Baka pwede akong gumawa ng sarili kong kainan dito," bulong ko sa sarili.
"Yung mga pagkain pwedeng mas masarap at mas kapaki-pakinabang sa kanila. At puwede rin matulungan si Nanang Ysabel." sabi kong muli.
Habang nag-iikot, napadaan ako sa iba't ibang paninda; gulay, prutas, karne, isda, at kahit mga pagkaing nakaluto na. Tinignan ko ang bawat isa, pinagmamasdan ang kulay at hugis, iniisip kung paano ko ito magagamit sa cooking experiments ko. Halos lahat ng pagkaing ito ay kakaiba sa akin, pero puwede ring gamitin sa mga simpleng recipes na alam ko.
---
Habang naglalakad, tumigil ako sa isang maliit na tindahan ng gulay.
"Magandang umaga," bati ko sa babae sa stall.
"Magandang umaga rin, iha. Gusto mo ba ng sariwang gulay?" tanong niya habang inaabot ang ilang kamatis at repolyo.
"Titingnan ko muna," sagot ko, habang pinagmamasdan ang mga produkto. Napansin ko ang ilang gulay na ginagamit ko sa kusina, pero mas maliit o iba ang kulay. Parang version nila ng mundo ko, na medyo exotic.
Nagpatuloy ako sa pag-iikot. Sa tabi ng kalsada, may tindahan ng tinapay. Huminto ako sandali, huminga ng malalim, at tinikman ang isang maliit na bilog na tinapay.
"Hmm. okay lang, pero mas masarap pa din ang nasa mundo ko," bulong ko.
Napaisip ako sa posibilidad: kung makagawa lang ako ng maliit na kainan, puwede kong ibenta ang mga recipe ko, at mararamdaman ng mga tao ang lasa na kilala ko.
Napansin ko rin ang ibang vendor-isang lalaki na nagtitinda ng isda, at ilang babae na nagbebenta ng matamis na dessert. Lahat ay abala sa kanilang paninda, pero ramdam ko ang limitasyon ng kanilang recipe. Wala silang alam sa mga technique o seasoning na alam ko.
---
Umupo ako sa gilid ng kalsada, nag-isip ng mabuti.
"Okay, Aurelia kung gusto mo talagang gawin ito, kailangan ng plano. Maliit lang muna, simple, pero masarap. Pwede kang magsimula sa tabi ng kubo-maliit lang na stall para sa stew, tinapay, at iba pang comfort food na alam mo." sabi ko sa sarili ko.
Naka-imagine ko ang setup: isang maliit na kahoy na table, ilang kahoy na bangko, at isang maliit na kalan na pwede gamitin.
"Kung puwede kong turuan si Nanang Ysabel, magiging mas madali," sabi ko sa sarili.
Maghahanda ako ng pagkain na mas malapit sa panlasa ng mga tao, at makakatulong pa ako sa kanila. At higit sa lahat, makakatulong din ako sa sarili ko na maging busy at productive.
Habang iniisip ang setup, napansin ko ang mga tao sa palengke. Maraming bata na tumatakbo sa paligid, mga matatanda na nag-uusap, at iba't ibang mukha ng curiosity at kasiyahan. Ramdam ko ang potential-kung may maliit na kainan, puwede itong maging lugar na pagsasalu-saluhan ng mga tao, at puwede rin silang matututo sa bagong lasa na dala ko.
---
Pagbalik ko sa kubo wala si Nanang at ang dalawang makulit, kaya agad akong nagtungo sa gilid ng bakuran. Kinuha ko ang mga natirang gulay, tinapay, at itlog. Inayos ko ang maliit na table at inalinsunod ang setup: kalan, kahoy, plato, at maliit na chopping board.
Nag-experiment ako sa simpleng recipe: vegetable stew na may patatas, carrots, repolyo, at kaunting herbs mula sa bakuran. Niluto ko sa maliit na kalan, pinahalo ang lasa, at tinikman. Mas okay na ang lasa ngayon, mas kumpleto. Nakangiti ako.
"Perfect ito ang unang recipe ko para sa stall." sabi ko.
Hindi lang iyon. Nagplano rin ako ng tinapay at simpleng egg dish na paborito ko sa mundo ko. Kahit kakaiba ang ingredients dito, puwede kong i-adjust para masarap sa locals. Iniisip ko rin ang presentation; simpleng table setup lang, pero malinis at kaakit-akit.
---
Habang nag-aayos, napatingin ako sa paligid. Ang baryo ay tahimik sa hapon, pero ang palengke ay puno ng buhay. Ramdam ko ang excitement, pero may halong kaba.
Ano kaya kung hindi magustuhan nila? Pero kailangan ko rin subukan kailangan kong simulan kahit maliit lang.
Huminga ako nang malalim, iniisip ang lahat ng natutunan ko sa nakalipas na buwan. Paano gumawa ng recipe, paano mag-adjust sa flavor, paano maging resourceful kahit limitado ang kagamitan. Ramdam ko na handa na ako-handang magsimula sa maliit na paraan, at puwede pang lumaki ang project na ito sa hinaharap.
⋆˙⟡🪶─ .✦🥘⊹₊ ݁.⋆˙⟡🪶─ .✦🥘⊹₊ ݁.
End of Chapter 6.
Author's Note:
Hello, Liliess! Please vote and leave a comment! 🙏If you enjoyed the chapter, suggest it to your friends so they can read too. Also, feel free to give suggestions if you have any ideas or notice something that could be improved. Your feedback really helps!