02

967 Words
Aurelia’s POV Pagpasok ko sa loob ng kubo, agad kong naamoy ang halimuyak ng kahoy at usok mula sa maliit na lutuan. Ang init na nanggagaling dito ay kaiba sa init ng kalan sa condo ko. Hindi ito yung nakasanayan kong amoy ng city life, na puro kape, pabango, at minsan amoy ng bagong printer sa opisina. Dito, may halong lupa, tuyong d**o, at lutong sinaing. “Umupo ka muna, iha,” sabi ng matandang babae habang iniayos ang upuan na gawa sa kawayan. Tahimik akong sumunod. Ramdam ko pa rin ang kaba, pero kahit papaano ay gumaan ang dibdib ko. Kanina, nasa gitna ako ng isang lugar na hindi ko kilala, surrounded by strangers who stared at me like I was some kind of weird attraction. Ngayon, at least, may nag-abot ng tulong. “Salamat po,” mahina kong sabi habang dahan-dahang umupo. Tiningnan ko ang paligid. Simple lang ang loob ng bahay. May banig sa sahig, ilang lumang gamit, at isang maliit na mesa na halatang gamit na gamit. Walang TV, walang ilaw na fluorescent, walang kahit anong electronic na nakasanayan ko. Ang tanging liwanag lang ay galing sa apoy na marahang sumasayaw sa sulok. This is crazy. I’m really not in Manila anymore. “Bakit ka nga ba narito, iha?” tanong ng matanda, habang abala siya sa pag-aayos ng basket na dala niya kanina. Napakagat ako sa labi. Ano bang dapat kong sabihin? Kung sasabihin kong bigla lang akong nilamon ng kumukutitap na sabaw at liwanag, baka isipin niyang nababaliw ako. “Uh, naligaw po,” mahina kong sagot. Tumingin siya sa akin, diretso sa mga mata ko. Hindi ako makatingin ng matagal kaya agad kong iniwas ang paningin. “Wala kang kasama? Wala kang pupuntahan?” malumanay ang boses niya, pero ramdam ko ang alalahanin. Umiling lang ako. Sandali siyang nanahimik, tapos napabuntong-hininga. “Huwag kang matakot, iha. Hindi kita sasaktan. Dito ka muna. Mayroon akong dalawang apo, isang babae at isang lalaki. Nagtitinda sila ngayon sa bayan kaya wala pa sila rito. Babalik din sila mamaya.” sabi ng matanda. Medyo lumuwag ang dibdib ko. May kung anong init sa paraan ng pananalita ng matandang babae. Hindi niya ako tinatanong nang masyadong pilit, hindi rin siya mukhang nagdududa sa akin. Parang natural lang sa kanya ang magpakita ng kabutihan sa estrangherong tulad ko. “Salamat po talaga. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko kanina,” sabi ko habang mahigpit pa ring hawak ang sandok na dala ko pa mula sa condo. Para siyang naging simbolo ng connection ko sa nakaraan kong mundo sa totoong mundo. Napansin kong nakatingin siya sa sandok. Bahagya siyang ngumiti. “Mahilig ka bang magluto, iha?” sabi ng matanda. Sandali akong natahimik. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-open up, pero sa huli ay tumango ako. “Opo. Cooking always makes me feel at peace.” sabi ko Tumawa nang mahina ang matanda. "Ay, mabuti naman. Dito, malaking bagay ang marunong magluto. Lalo na’t sa bawat araw, ang pagkain ang bumubuhay sa pamilya. Siguro, hindi aksidente na napunta ka rito.” sabi ng matanda Hindi aksidente? Para siyang may ibang ibig sabihin, pero hindi ko na muna tinanong. Hindi pa ako handa. Tahimik kaming dalawa sa loob ng ilang minuto. Naririnig ko lang ang crackle ng apoy at ang malumanay niyang pag-aayos ng mga prutas. Dahan-dahan kong naramdaman na bumababa ang kaba sa dibdib ko. Sa wakas, nagsalita ulit siya. “Ano nga pala ang pangalan mo?” sabi ng matanda. Huminga ako nang malalim. “Aurelia po.” Ngumiti siya, parang sinasanay sa pangalan ko. “Magandang pangalan. Ako si Nanang Ysabel.” sabi ni nanang ysabel. Nanang Ysabel. The name sounded old-fashioned, pero bagay sa kanya. May bigat at lambing sa pangalan. “Salamat po ulit, Nanang Ysabel,” sabi ko. “Walang anuman. Basta’t alalahanin mo, ligtas ka rito.” sabi niyang muli. At doon ko napansin unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko. Kanina, halos mamatay ako sa kaba’t takot. Pero ngayon, kahit hindi pa rin malinaw kung saan ako naroroon o paano ako nakarating dito, may maliit na parte ng puso ko na nakaramdam ng comfort. Maybe this isn’t so bad. For now. Nagpatuloy ang usapan namin. Nagtanong siya kung saan ako nanggaling, at pilit kong iniwasan ang sobrang detalye. Sinabi ko lang na mula ako sa isang lugar na malayo at hindi niya kilala. Tila naman tanggap niya iyon at hindi na siya nag-usisa pa. Habang nakaupo ako sa maliit na bangko, narinig ko sa labas ang mahinang yabag. Tumigil si Nanang Ysabel, tapos ngumiti. “Ayan, dumating na siguro ang mga apo ko.” sabi niya. Kinabahan ulit ako. Hindi ko alam kung paano sila tatanggap sa akin. What if they think I’m suspicious? What if they don’t like me? Nang bumukas ang pinto, dalawang bata ang pumasok hindi na gano’n kabata, siguro mga nasa early teens. Ang isa ay lalaki, may dalang maliit na basket ng prutas, at ang isa naman ay babae, may dalang supot ng tinapay. Parehong pawisan, halatang galing sa paglalako. “Apo, ito si Aurelia,” sabi ni Nanang Ysabel. “Naligaw siya, kaya dito muna siya titigil.” sabi niya muli. Sabay silang tumingin sa akin, parehong may halong kuryusidad at pagtataka. Agad kong naramdaman ang init sa mukha ko. “Ah… h-hello,” bulong ko, awkward na ngumiti. Nagkatinginan ang dalawa, tapos ang batang babae ang unang ngumiti. “Hello po.” sabay nilang sabi sa akin. At doon ko naramdaman kahit papaano, baka may lugar ako rito. Pero hanggang kailan? Kahit gaano ko subukang kumalma, hindi ko pa rin maiwasang isipin: paano ako makakabalik? At kung hindi ako makabalik, anong naghihintay sa akin dito? ⋆˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁.⋆˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁. End of Chapter 2
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD