03

999 Words
Aurelia’s POV Nagising ako nang maaga. Hindi ko alam kung anong oras, pero ramdam ko pa lang sa paligid na tila madaling-araw pa. Kahit ipikit ko ulit ang mga mata ko, hindi ko na magawang makatulog ng maayos. Siguro dala pa rin ng kaba, ng pagkalito, at ng bigat ng sitwasyon ko ngayon. Flashback. Bago ako nakatulog kagabi, hindi muna ako pinayagan ni Nanang Ysabel na humiga nang walang laman ang tiyan. Inalok niya ako ng mainit na kanin at simpleng ulam hindi marangya, pero nakakabusog at may halong malasakit. Tahimik akong kumain, halos hindi makatingin sa kanila dahil nahihiya ako. Nakikitira na nga ako, tapos pinapakain pa nila ako. Pagkatapos kumain, ipinakita nila ang isang sulok ng kubo. Doon may banig at maliit na unan na inilatag para sa akin. “Diyan ka muna, iha,” sabi ni Nanang. Ramdam ko ang kabaitan niya, kaya kahit may hiya at kaba, hindi ko na tinanggihan. Humiga ako, nakatalikod sa kanila, at doon ko lang napagtanto kung gaano ako kapagod sa lahat ng nangyari. Sa huli, dinala ako ng antok kahit puno pa ng tanong ang isip ko. End of flashback. Ngayon, heto ako. Tulala habang nakatingin sa labas ng maliit na bintana. Hindi ito tulad ng bintana sa condo ko na may kurtina at salamin. Dito, kahoy lang ang frame, at ang tanaw ko ay kagubatan. Doon sa dilim, nakita ko ang mga alitaptap na nagliliparan sa paligid ng mga puno. Para akong nasa panaginip. Tinatantiya ko, mga alas-kuwatro pa lang ng umaga. Tahimik ang buong paligid, maliban sa huni ng mga kuliglig. Napatingin ako sa loob. Magkayakap ang magkapatid na apo ni Nanang, mahimbing ang tulog nila. Si Nanang Ysabel naman ay payapang nakahiga, marahang humihilik. "Ang weird talaga. Paano nila ako naiintindihan kahit English ang salita ko?" Bulong ko Naalala ko kagabi, halos lahat ng tanong ko at sagot nila ay maayos naming naiintindihan. Posible ba na kahit nasa lumang panahon ako, may kaalaman sila sa English? Binabalak ko sanang itanong kagabi, kaso dahil sa sobrang pagod nakalimutan ko na itanong, mamaya nalang pag gising nila. Bumangon ako, inayos ang sarili ko at dahan-dahang lumabas ng kubo. Doon sa gilid, nakita ko ang poso. Medyo kinabahan akong gamitin kasi hindi ko pa na-try magbomba ng tubig gamit ang ganito. Pero nang hawakan ko ang bakal na hawakan at marahang nag-pump, lumabas ang malamig na tubig. Nagpasalamat ako sa isip ko at least marunong pa rin ako gumamit nito. Naghugas muna ako ng mukha, saka nagtuloy sa paliguan at CR na nasa labas. Naglinis ako ng katawan at naligo. May binigay sa akin si Nanang na dalawang pares ng simpleng damit. Hindi bago, pero maayos at komportable. Natuwa pa rin ako kasi kahit paano may maisusuot ako, kaysa naman wala. Habang naliligo, nagpasalamat ako sa kanila sa isip ko. At least may nagmalasakit. Pagkatapos, bumalik ako sa loob ng bahay. Tahimik pa rin. Kaya naisip kong maghanap ng puwedeng lutuin. Nakakita ako ng bigas sa isang sisidlan. Iba ang kulay hindi puting-puti tulad ng sanay ako, kundi may bahagyang kayumanggi. Pero okay lang, bigas pa rin iyon. Hinugasan ko at sinimulang isalang. Paghalukay ko pa sa mga pananim at basket, nakakita ako ng patatas, repolyo, carrots, at ilang pirasong itlog. Perfect. "Pwede akong gumawa ng simpleng gulay na may sabaw, parang ginisang gulay na may itlog. Comfort food, kahit papaano." Bulong ko sa sarili ko. Habang abala ako sa pagluluto, naamoy ko na agad ang halimuyak ng niluluto kong ulam. Hindi ko mapigilang maalala ang condo ko, kung saan madalas akong magluto para ma-relieve ang stress. Pero ngayong nandito ako, parang mas may bigat ang bawat timpla at bawat halo. Unti-unting nagising sina Nanang Ysabel at ang mga apo niya dahil sa amoy. Una kong narinig ang batang babae na umubo nang mahina, tapos sumilip. “Ate Aurelia ang bango naman,” bulong niya. “Gising na pala kayo. Nagluto ako, para sabay-sabay na tayo.” Ngumiti ako. Maya-maya, bumangon na rin ang kapatid niyang lalaki at si Nanang Ysabel. Lahat sila tumingin sa lamesa at sa niluto ko. “Iha, nag-abala ka pa,” sabi ni Nanang. Umiling ako. “Hindi po, maliit na bagay lang. Gusto ko rin makatulong kahit paano.” Umupo sila, at sabay kaming kumain. Nakakagaan ng loob na makita silang natutuwa habang tinatanggap ang inihanda kong pagkain. Yung batang lalaki, dalawang beses nagdagdag ng kanin. “Ang sarap po,” sabi niya. “Hindi ganito lasa ng pagkain namin dati.” muli niyang sabi. Napatawa ako nang mahina. “Konting timpla lang ng lasa. Mahilig po kasi talaga akong magluto.” sabi ko. Habang kumakain, naalala ko yung tanong ko kanina. Kaya tinanong ko na rin. “Ah, Nanang pwede ko lang itanong? Paano po nakakaintindi kayo ng English?” sabi ko. Napatingin sila sa akin. Saglit silang natahimik bago sumagot si Nanang. “Matagal na, iha. Itinuturo sa amin noon pa man. Hindi lahat marunong, pero dahil may mga dayong mangangalakal at manlalakbay, natutunan din ng ilan sa amin. Isang paraan para makipag-ugnayan sa iba’t ibang tao.” sabi ni Nanang. Tumango ako. So, gano’n pala. Kaya hindi ako nahirapan makipag-usap sa kanila. Pagkatapos naming kumain, nagsimula nang maghanda ang mga bata. May dala silang basket at ilang paninda. “Lola, aalis na po kami,” sabi ng batang babae. “Mag-iingat kayo, mga apo,” sagot ni Nanang. Ako naman, hindi mapakali. “Ah, pwede po bang sumama ako sa kanila? Gusto ko ring makita yung palengke.” sabi ko. Nagkatinginan ang dalawang bata, sabay ngumiti. “Sige po, ate! Para hindi kayo mainip dito sa bahay.” sabay nilang sabi. "Kung gusto mo, iha. Pero mag-ingat ka at huwag kang lalayo.” sabi ni Nanang. Agad akong kinabahan at na-excite sa parehong oras. First time kong makakalabas sa araw na ito… Makikita ko na talaga kung anong klaseng mundo itong napuntahan ko. ⋆˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁.⋆˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁. End of Chapter 3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD