04

1084 Words
Aurelia’s POV Mainit na ang sikat ng araw nang makarating kami sa bayan. Kasama ko ang dalawang apo ni Nanang Ysabel, si Lira at Tomas. Bitbit nila ang mga basket ng prutas at gulay, halatang sanay na sila sa gano’ng gawain. Ako naman, parang turista na hindi alam kung saan titingin. “Ang laki naman dito." bulong ko sa sarili habang nililinga ang paligid. Hindi ito katulad ng palengke na nakasanayan ko sa Maynila walang sementadong daan, walang plastic tarpaulin, walang kariton na puno ng mga instant noodles o softdrinks. Dito, ang mga tindahan ay gawa sa kahoy at tela, may mga mesa na punong-puno ng mga prutas, gulay, karne, at kung anu-ano pa na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko. May ilan akong nakilala repapolyo, kamatis, kamote pero meron ding mga prutas na kulay asul, gulay na parang kabute pero kumikislap kapag tinatamaan ng araw, at isdang may kakaibang hugis. Grabe parang nasa video game talaga ako. Habang naglalakad, ramdam ko ang mga mata ng mga tao na nakatuon sa akin. Hindi naman sila lahat tuwid na nakatitig, pero ramdam kong napapansin nila ang kakaiba kong itsura lalo na ang damit ko. Kahit binigyan ako ni Nanang ng simpleng kasuotan, halata pa rin na hindi ako taga-rito. “Ate, huwag ka masyadong kabahan,” bulong ni Lira. “Sanay na ang mga tao sa mga dayo, pero bihira lang talaga yung ganyan ang suot at gupit.” muli niyang sabi. Napangiti ako nang mahina. “Salamat, Lira. Medyo nakakailang lang.” sabi ko. Ngumiti siya pabalik bago tumakbo papunta sa isang bakanteng pwesto kung saan sila maglalatag ng paninda. Tumulong naman si Tomas mag-ayos ng basket. Ako naman, hindi mapigilang mapalapit sa ibang tindahan. Nakita ko ang isang babaeng nagtitinda ng tinapay. Inalok niya ako ng bilog na tinapay na may palamang kulay lila. Nung tinikman ko, lasang parang kombinasyon ng ube at matamis na gatas. “Masarap.” hindi ko napigilang sambitin. Ngumiti ang babae. “Bihira ang kagaya mo rito, iha. Dayo ka ba?” sabi niya. Nanigas ako. Hindi ko alam ang isasagot. “Ah oo, parang gano’n na nga.” sabi ko sa kanya. Bago pa humaba ang usapan, tinawag ako ni Lira. “Ate Aurelia! Dito ka muna!” tawag ni Lira sa akin. Agad akong bumalik sa pwesto nila. Pinaupo nila ako sa tabi ng mesa habang nagsimula silang magbenta. Nakakatuwang tingnan ang bilis nila magbilang, magbigay ng panukli, at makipag-usap sa mga suki. Habang pinagmamasdan ko sila, napansin kong may ilang customer na napapatingin sa akin. May ilan na nakangiti, curious lang siguro. Pero may isang grupo ng kabataang lalaki sa may di kalayuan na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Uh-oh. Hindi maganda ang tingin nila sa akin. “Lira, Tomas,” bulong ko, “normal lang ba na pinagtitinginan ako ng mga tao?” Tumingin si Tomas sa direksyon ng grupo. Napakunot din siya ng noo. “Huwag mo na lang silang pansinin, ate. Hindi sila maganda mag-isip minsan.” sabi niya sa akin. Pero bago pa ako makasagot, lumapit na ang isa sa mga lalaki. Matangkad siya, nakasuot ng simpleng vest, at may dala pang itak sa bewang. Hindi siya mukhang mabait. “Sino ‘yan?” tanong niya, diretsong nakatingin sa akin. “Bakit nandito ‘to sa bayan? Hindi naman natin siya kilala.” Ramdam ko ang kaba. Hindi ako makapagsalita agad. Buti na lang, mabilis na sumagot si Lira. “Kaibigan siya ni Nanang Ysabel. Wag kang mag-alala, hindi siya masama.” sabi niya sa lalaki. Umiling ang lalaki. “Kung hindi siya taga-rito, bakit siya nandito? Hindi ba kayo nagtataka? Baka espiya siya o kung ano.” Naramdaman kong nanlamig ang palad ko. Espiya? Diyos ko, wala akong alam sa mundo nila, paano ako makakapagpaliwanag? “Hindi totoo ‘yan!” biglang sabi ni Tomas, medyo mas mataas ang boses. “Si Nanang mismo ang nagsabi na ligtas siya!” sabing muli. Napangisi ang lalaki. “Ewan ko sa inyo. Basta magdahan-dahan kayo. Hindi lahat ng estranghero, mabuti.” Tapos, umalis din sila. Pero ramdam ko pa rin ang titig ng grupo habang lumalayo. Huminga ako nang malalim. “I… I’m sorry. Dahil sa akin, baka nagkaproblema pa kayo.” sabi ko dahil nakokonsensya ako sa nangyari. Umiling si Lira. “Hindi mo kasalanan ‘yon. Talaga lang may mga taong mapanghusga.” Ngumiti naman si Tomas. “Huwag kang mag-alala. Hindi lahat ganyan ang tingin sa’yo. Marami ring mabait dito.” Sa kabila ng takot, nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. At least, nasa tabi ko ang dalawang batang ito. --------- Makalipas ang ilang oras, mas naging abala ang palengke. Dumagsa ang mga tao, at mabilis na naubos ang karamihan sa paninda nina Lira at Tomas. Nakaupo lang ako, minsan tumutulong mag-abot ng prutas, minsan nakikipag-usap sa mga customer na curious sa akin. “ Ate, ang galing mong ngumiti, mas dumadami ang bumibili,” biro ni Lira. Natawa ako. “Ako pa yata ang naging ‘paninda’ ninyo.” Sabay kaming nagtawanan. Ang gaan ng pakiramdam, parang kahit sandali, nakalimutan ko na ang gulo ng sitwasyon ko. ------- Nang matapos ang pamimili, naglakad na kami pauwi. Mabigat ang basket na dala ni Tomas pero nakangiti pa rin siya. Habang naglalakad, napatingin ako sa kalangitan. Ang araw ay papalubog na, at ang langit ay nagkulay kahel at rosas. Grabe. Ang ganda dito. Ibang-iba sa mga kalyeng puno ng billboards at trapik. Parang mas totoo, mas buhay. Ngunit sa likod ng paghanga, may kurot pa rin ng takot. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makikitira kina Nanang. Hindi ko rin alam kung makakahanap ba ako ng paraan pabalik. Pero sa loob-loob ko, may kakaibang sigla. Kung dito nga ako matutuluyan, baka may magagawa ako. Baka may silbi rin ako dito. ------ Pagbalik namin sa kubo, sinalubong kami ni Nanang Ysabel. “Ay, salamat at ligtas kayong nakauwi,” sabi niya. “Napagod ba kayo?” sabi niyang muli. “Nakakapagod pero masaya,” sagot ni Lira. “Ate Aurelia pa, ang daming tinulungan.” Napatingin si Nanang sa akin, at ngumiti siya ng malumanay. “Mabuti. Ibig sabihin, unti-unti ka nang nagiging parte ng buhay namin, iha.” At doon ako natigilan. Parte ng buhay nila? Parang may bigat yung sinabi niya. Maybe this world isn’t just a place I stumbled into. Maybe I was brought here for a reason. ⋆˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁.⋆˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁. End of Chapter 4.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD