CINCO

2728 Words
Garcia - De Vera Clan     **Alex    The Garcia Clan   Silverio Garcia II ang Lolo ko sa ama, ay Gobernador lang naman ng probinsya namin. Isa na siyang biyudo, namatay ang Lola ko ng maaga… nagbibinata palang si Itay noon at kakasimula palang ng karera sa politika ni Lolo.  - Kaya nga ang gulat ko ng magpa kilala siya sa akin dati. Kaya din hiniling kung huwag na nila akong kilalanin publicly. Gusto ko ng pribadong buhay at malaking iskandalo para sa karera niya sa politika kung sakaling mabulgar ang pagkakakilanlan ko.    Pwede naman daw niyang isplika ang katauhan ko dahil totoo namang hindi nila alam na buhay ako… pero mas pinili ko nalang ang manahimik. Ayoko ko kasing masangkot pa ang mga taong nag palaki sa akin, utang ko sa kanila ang buhay ko at hindi ko kayang madamay sila sa kung anong pwedeng gawin ng mga kalaban sa politika ni Lolo. At pinaka iingatan din namin ang “Kanlungan” lalo na at puro mga bata ang alaga namin.    Hindi rin lang kasi siya naging Gobernador… naging Congressman din siya - Speaker of the House pa at naging one time Senator. Noong panahon na pinaghihinalaan niya na ako tungkol doon sa blind item kandidato siya for Senator kaya nga grabe ang galit niya sa article na yun. Kaya nga mas ginusto ko ang magtago dahil alam kung malaking damage sa karera niya pag na iskandalo siya.  - Nakahinga ako ng maluwag ng manalo siya, but after that one term as a Senator bumalik siya sa pagka Gobernador.    **It turns out, Tita Irena was the source of that blind item, she sent the online media entity “my story” making it look like I’m the source. She sent it through snail mail para walang trace sa digital world that time. Aksidente lang na narinig ni Sebastian ang pag uusap nila ulit nung pinadalhan niya… a year before the next election. At dahil nga may hinala na si Seb dati pa sa Nanay niya, naghalungkat siya sa gamit nito. At hayun viola! He found the original copy of the letter his Mom sent. Kay Grandpa lang niya sinabi at sa akin nga… ang nakita niya, ni kay Itay hindi niya sinabi pati na sa Nanay niya.**      Ang Itay ko naman ay isang Arkitektong matinik… mas sa labas ng bansa ang naging trabaho niya. Pumasok siya sa mga kilalang Architectural Firm sa buong mundo, gusto niya raw magka experience under great Architects. Nagtrabaho siya sa Middle East, sa Spain, sa US, sa Japan at sa Australia. Mas tumagal sila sa Australia doon kasi nag aral ang mga anak niya. Naging Partner siya sa isang Architectural and Interior Design Firm sa Australia kaya halos doon na sila naka base.    Ang asawa niyang si Tita Irena ay isang Marketing Graduate pero hindi naman niya masyado pina practice. Pensiyonado kasi siya ng mga magulang niya kahit na ng mag-asawa na sila ni Itay. Isa siyang socialite… bagay sa kanya ang maging asawa ng isang politiko. She was really paired with Itay para doon, kaya lang wala palang balak si Itay pumasok sa pulitika. Kaya na disappoint din si Lolo sa kanya. He was honing Itay to follow his footsteps.    Solong lalaking anak si Itay, may dalawa siyang Ate parehong matanda sa kanya. Si Tita Amanda na panganay ang sumusunod sa yapak ni Lolo sa pulitika. Si Tita Angela naman ay asawa na rin ng isang politiko. Lahat sila well loved sa probinsya namin… wala naman kasing naging pangit na record si Lolo. Nagsilbi siya ng malinis at mapagkakatiwalaan. Mahal na mahal niya ang mga mahihirap pati na rin ang mga negosyante.      Lahat sila kinukumbinsi akong pumasok din sa pulitika… nakita kasi nila ang track record ko bata palang ako, Student at Youth Leader na ako. Pero mas gusto ko mag silbi as a private individual kesa bilang politiko.    “You’ll be one Good Leader dito sa probinsya natin, Kailangan ng Gobyerno ang mga katulad mo” alok ni Lolo sa akin after noong last term niya… Mag reretire na kasi daw siya…    “I can help too, even if I’m not in the Government and I am already helping” balik ko sa kanya   “But, Alex… I’ll need somebody like you for my Team” si Tita Amanda naman… may family meeting kasi ngayon dahil siya na ang kakandidato sa next election….   “Tita, We all know I’m not part of the Official Garcia Family… no offense sa inyong lahat. I’ll help you in the campaign huwag po kayong mag alala. I can organize people to help too. But, It has to be my own way.” balik ko sa kanila   “Bakit kasi ayaw mo magpakilala na apo ka ni Gov? Haayy sayang ka talaga” sabi ni Tita Amanda   “Tita, I have my reasons… Don’t worry, all my advocacies now will help you win. Tutulungan din kita sa mga pwedeng maging projects mo para matulungan ang maliliit na tao.” sagot ko   “Can you at least spare me some of your time, para maturuan mo ang Team ko. Gusto ko yung mga ginawa mo para sa mga Nanay, sa mga Farmers at mga Karpintero. Pwede natin gawin yun kasi sa buong probinsya hindi lang dito sa bayan natin ” mahaba niyang isplika   - Isa kasi sa mga advocacy ko ang I-organize ang mga Nanay para magkaroon sila ng mapagkakakitaan. Gumagawa sila ng mga Handmade soap, shampoo & conditioner. Meron ding nagluluto ng mga Healthy Snacks - Mushroom Chicharon at Veggie Crisps. At syempre ang pinaka sikat na delicacy ng probinsya pili nuts.  Lahat yun binebenta sa online store ng “Kanlungan”.    - Yung mga farmers naman… tinulungan ko silang ma set-up sila bilang cooperative. Malaki rin ang tulong doon ni Lolo dati, kaya nga malaki ang pasalamat ng mga farmers sa kanya.    - Yung mga karpintero, dahil nga Arkitekto ako… gumawa ako mga furniture designs na pwede nilang gawin at ibinebenta din sa online store.   Tama si Tita Amanda magandang ipalaganap sa buong probinsya yung mga advocacies ko.     The Garcia Family is not just a political clan… may pera din sila. Old money mula sa mga ninuno nila. May mga lupain sila, isa na ang hacienda doon. Meron din sila mga lupain na dinivelop na into Subdivisions. Hindi lang din dito sa City ng Probinsya namin sila may mga ari arian pati na rin sa ibang bayan. May Beach Resort sa ibang bayan at may Private Rest House din. They all need not work pero pinili ni Lolo ang mag silbi… siguro dahil na din buong buhay niya Señorito na siya. And nakatulong din talaga yun ng malaki sa Probinsya namin… tumaas ang antas ng pamumuhay ng mga tao sa loob ng term ni Lolo.    Inayos niya rin ang Health Systems sa buong Probinsya… lahat ng bayan may kanya kanya ng State of the Art District Hospitals. And the Provincial Hospital is at par with the ones in the Metro.    Pati ang mga Schools na upgrade din… the State College kung saan ako nag High School State University na ngayon. May nag open rin ng Private School na International System.    Nagkaroon na rin ng malaking Mall at Shopping Centers. Pati na mga Manufacturing Facilities.      ~~~~~~~~~~ The De Vera Clan     Ang pangalan ni Inay ay Alexia De Vera anak nina Alejandra at Alexander De Vera, kapatid niya naman si Alexis. Kasama din ang angkan nila sa mga mayayaman sa probinsya namin… galing sila sa pinakamalaking bayan. Mga Negosyante sila at may mga lupain ding pag aari.    Isa sila sa mga napaka konserbatibong pamilya. Mga taong simbahan.  - Kaya napakalaking kasalanan ang nagawa ni Inay ng mabuntis siya sa pagka dalaga.   Sabi ni Tita Yaya, mga mabubuting tao naman sila… mabait at patas sa mga tauhan nila.   Sobrang kahihiyan lang talaga ang nangyari kay Inay at ang pagkawala nito ay talagang naka apekto sa pamilya. Isang magaling na promising Interior Designer si Inay ng mangyari yun. Kaya sabi nga ni Tita Yaya naintindihan daw niya ang galit ng mga ito sa akin. - Isa na akong bunga ng pagkakamali nawala pa ang unica hija nila dahil sa akin… Hindi naman ako nag tanim ng galit sa kanila. Pinalaki naman ako ng puno ng pagmamahal, nakaka hinayang lang na hindi ko sila kilala sa paglaki ko.   Palagi naman ako dinadala ni Tita Yaya sa mansyon nila at hindi rin namin kinakalimutan ang dalawin ang puntod ni Inay. Pina kilala niya sa mga litrato ang mga kamag anak nila Inay. May mga kilalang negosyante at may mga pumasok na rin sa pulitika. Pero talagang hindi kami nag tangka mag pa kilala sa kanila.   At sa Amerika na rin halos tumira ang mga magulang ni Inay, pati yung kapatid niya pagkatapos noong mga nangyari. Nag co communicate din naman sila kay Tita Yaya pero hindi talaga sinabi ni Tita Yaya kung nasaan ako. Sabi niya parang alam daw naman ng mga ito ang kalagayan ko ngayon. Kasi kahit naman hindi ako kilala na part of the Official Garcia Clan may mga pictures pa namang lumabas na kasama ko sila. At ang mga tsismis nga hindi rin mawala wala.     It would take 17 years before my mother’s brother reached out to Tita Yaya to know about me. Nakita daw nito ang mga papeles tungkol sa akin na dinala din naman pala ni Lola Alejandra… like birth certificate, my infant pictures, medical records ni Inay ng manganak ito. Bata pa kasi noon ang Tito Alexis ko at nasa Manila rin nag aaral that time kaya halos wala siyang alam sa nangyari sa Ate niya.   College na ako noon…  hindi naman sila nag reach out directly sa akin kay Tita Yaya lang.  Sabi ni Tita Yaya pina paalam niya dito ang mga nangyayari sa akin… pinapadalhan nila si Tita Yaya ng money for me which I opted to donate sa orphanage, lalo na at nag eexpand kami that time. Isa yun sa mga naka tulong talaga sa advocacy ng “Kanlungan”.   When I pass the Exams doon nag reach out directly sa akin ang kapatid ni Inay…  He congratulated me… siya na din ang humingi ng tawad sa mga nagawa ng magulang nila.  Pinaalam ko sa kanila na hindi naman ako nag tanim ng galit or hinanakit sa kanila kahit na ganun ang mga nangyari. At nagpasalamat naman siya na ganun ang naging pagtanggap ko sa nakaraan.  - From then on, we are in constant communication… hindi madalas na araw araw, pero pag may mga okasyon hindi siya nakakalimot.      ~~~~~~~~~~ Yan ang pamilya ko… biologically   Pero mas totoong pamilya ko na ang “Kanlungan” kung wala sila hindi ko mararating ang ano mang meron ako ngayon. Sila ang humubog sa pagkatao ko, kung bakit mas gusto kung tumulong sa mga maliliit na tao, kung bakit ginagawa ko ang mga bagay na makakabuti para sa lahat.  - Isa akong batang ampunan na mahal ang lahat, na gustong tulungan ang lahat… selfless, always generous, charitable and even self-sacrificing sometimes.    Ang “Kanlungan” ang bahay ko, bata pa ako lahat ng mga gusto kong gawin ay para maayos pa ito. Gusto ko itong lumago na hindi lang mga bata ang natutulungan kundi pati mga Nanay, Tatay, mga Batang Ina, mga palaboy… lahat na mga inaapi at kailangan ng tulong.  - Lagi kong iniisip noon na kung hindi dahil sa tulong ng “Kanlungan” wala ako sa kung ano man ako ngayon. Utang ko sa kanila kung ano man ang narating ko sa buhay.   High school ako ng magsimulang mag suggest ng mga pwede naming gawin para makakalap ng pondo para sa mga kapatid ko. Malaking tulong ang galing kina Grandpa pero hindi namin pwedeng iasa sa kanila lahat.  - I did many research sa mga pwede namin gawin...   Nagsimula ako sa pagbebenta ng mga artworks namin online.    At para palawakin nga ang mga pwede naming gawin :  - Nagpaturo kami gumawa ng mga handmade soap, shampoo and conditioner para pagkakitaan ng mga Nanay.  - Sinimulan din namin ang Mushroom Farm para nga sa paggawa ng Chicharon. - Nagpaturo na rin kami gumawa nga Vegetable Chips… mano mano lang muna.  - Yung pili nuts naman gawain na talaga namin yun noon pa… pinalaki lang namin ang production namin para ma tinda commercially.   Ang mga Nanay naman dumami na ang nag pupunta sa “Kanlungan” hindi nalang para mag iwan ng mga anak… para na rin magtrabaho. Nakakapagtrabaho na kasi sila nasa mabuti pang kalagayan mga anak nila. Uwian naman ang karamihan… pero yung may mga cases of abuse kinukupkop na namin.    Naka pag pa extend din kami ng workshop sa tulong ng may ari ng Farm noong makita nila ang ginawa namin para tumulong nga sa iba sila na ang nag volunteer to expand the orphanage facilities.    Ang mga Farmers na organize ko sila kasabay halos ng mga Nanay… mga mag asawa kasi karamihan sa kanila. May mga nagtatrabaho sa Farm sa “Kanlungan”, meron din namang may mga kanya kanyang sinasaka. Hinihingi ko sila ng tulong noon kay Mr. Acosta para sa mga Farm Equipments at nabigyan naman sila. Kung anuman mga produkto nila sama sama nila yun binebenta bilang kooperatiba.    Hanggang mag college ako… tumuloy tuloy na yung advocacy na yun ng “Kanlungan”.  - Kahit na wala akong nakukuhang tulong sa mga Garcia noon, Mr. Acosta did not forget “Kanlungan” kagaya ng pangako niya sa akin.   Ang mga Karpintero maka trabaho ko sila ng ginawa ko yung Mountain Lodge ni Grandpa. Halos lahat ng mga furnitures doon kami na gumawa… pinag aral ko ng furniture making ang ibang karpintero. After ng project yung mga gawa nila sa online store ng “Kanlungan” binebenta.      ~~~~~~~~   **After lumabas yung katotohanan tungkol doon sa blind item… binili ni Grandpa yung lupa na kinatatayuan ng “Kanlungan” ipinangalan niya na rin ito sa “Kanlungan” mismo, dahil nga tinanggihan ko ng sa akin niya ipapangalan yung lupa. Pinaka natuwa sila Nanay Eva at Tatay Max at least ngayon wala na silang ipag alala na mawala sa kanila ang lupa, nag balak na kasi dati ang may ari noon na ibebenta ito.     - After matapos ang Mountain Lodge nag apply ako ng trabaho sa Metro. Gusto ko ma experience ang magtrabaho sa malaking kompanya. Gusto ko maka salamuha ang mga kapwa ko Architect. May kaba kasi nga isa akong probinsyana pero mas excited sa bagong mundong gusto kong pasukin.    - I never had a boyfriend, maybe because most of my classmates then considered me as “one of the boys”. Aware naman akong maganda ako… nakikita ko naman yun. Siguro din dahil masyado akong nakaka intimidate malakas kasi ng ang personality ko. Pero kung meron man kasing nagpapahaging laging tablado agad. Focus ako noon sa pag aaral tapos exam tapos trabaho andyan pa ang “Kanlungan”.    - Nag ka crush din naman ako… kaya lang masyado yata mataas standard ko. May crush ako dati, nakasama ko sa mga conferences nung High School mga taga Metro. Sabi ko nga mataas ang standard ko, taga exclusive for boys school ba naman ang nagustuhan ko. Nakalimutan ko din agad “Paasa” kasi, sabi niya friends daw kami and that he would write me, waley naman! Natago ko pa nga yata ang ibinigay niyang souvenir sa akin dati, bracelet yun na may pangalan niya. But by the next conferences na nakita ko siya, parang hindi na niya ako kilala. At noong college nga kinalimutan ko na totally ang boys.   - Lagi nga ako inaasar nila Tita Yaya, Nanay Eva at Tatay Max… pinag lipasan na daw ako ng panahon. Pero ako naman tingin ko nga bata pa ako… I still have time kong mag aasawa man ako.        ***Hindi ko alam na sa pagtatrabaho ko sa Metro magsisimula ang gulo sa buhay ko… First ever Bestfriend… First Love… First Kiss and more… but the Biggest Heartache
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD