18th BIRTHDAY, 2011 GINISING ang debutante na si Leia ng mga katok sa pinto. Lampas alas siyete na iyon ng gabi. Pagkatapos nilang magsalo ng nanay niya sa dala niyang pagkain ay tumuloy na siya sa silid. Pinili talaga niyang makasama ang ina sa debut niya kaysa sa marangyang party na balak naman sanang ibigay sa kanya ni Tita Amelia kung pumayag siya. Tumanggi si Leia at sinabi sa ginang na mas gusto niyang kasama ang mga itinuturing niyang pamilya. Nagpahanda parin ng lunch si Tita Amelia. Nakasama ni Leia ang ilang malalapit na kaibigan na nakigulo sa birthday niya, si yaya Evelina, at ang mga kasambahay sa bahay ng mga Valdforz na lahat ay kaibigan na niya. Masaya ang naging lunch—kulang nga lang dahil hindi rin nila nakasalo si Tita Amelia na may importanteng lakad. Ang nanay naman

