Narinig niyang magaang tumawa si Ross. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang nakatingala ito sa kisame at mabilis na pinadaanan ng palad ang mga pisngi. Umiyak ba ito? Lalo nang napatitig si Leia sa mukha nito. "Umiiyak ka ba?" hindi natiis ni Leia na hindi magtanong. Hindi niya alam kung ano ang tawag sa nararamdaman niya. Parang bumibigat ang dibdib niya. Parang nasasaktan din siya para kay Ross. Hindi niya alam kung bakit. "'Oy, ano?" "No, Leia. Hindi ako umiiyak." Sabi ni Ross, ibinalik sa kanya ang tingin. Nagsisinungaling ito. Nakita niyang namumula ang mga mata nito. Basa pa nga ang pisngi kaya gamit ang isang kamay ay maingat niyang tinuyo iyon. "Kumain ka na uli," sabi ni Leia matapos bawiin ang kamay. Nakatitig lang sa kanya si Ross. Hindi ito nagsasalita kaya parang kinab

