MARIING inihilamos ni Alexander ang dalawang palad sa kanyang mukha. Hindi dapat siya nagkakaganoon nang dahil sa isang babae. Hindi siya ganoon. He felt so miserable and helpless. And at the same time, he felt betrayed. Yes, his heart betrayed him. Hindi niya maitatangging mahal pa rin niya si Dianna pagkatapos matuklasan ang panloloko nito sa kanya. Mula sa bulsa ng kanyang bag ay kinuha niya roon ang cellphone na kanyang nakita noong isang araw sa laundry area. Kinuha niya iyon doon dahil sa dala na rin ng kanyang kuryusidad. Kaya naman ay halos lumubo ang kanyang ulo nang malamang si Dianna pala ang nagmamay-a*i niyon. Kahit paano pa rin naman kasi ay inisip din niya ang posibilidad na mali siya ng iniisip kay Dianna. Na maaring si Cynthia o Maria ang talagang may-a*i ng phone na i

