PAGKATAPOS ng huling pag-uusap nila Dianna at Alexander ay hindi umuwi ng sumunod na gabi ang binata. And that night was followed by another night that Alexander didnʼt come home. Ang balak ni Dianna na muling pakikipag-usap sana sa nobyo ay hindi na nangyari. Habang tumatagal ang panahong hindi sila nagkakausap ng lalakiʼy lalo ring lumalaki ang kanyang pag-aalala sa kanilang relasyon. Kaya naman she decided to go to his condo unit. Hindi na kasi siya mapakali. Hindi rin siya makatulog nang maayos dahil palagi nang laman ng kanyang isipan ang huli nilang naging pag-uusap. Ngunit nang kanyang marating ang condo ng lalaki ay sarado iyon at wala roon si Alexander. Hindi na siya nagulat pa nang hindi makita ang binata roon dahil malamang ay nasa trabaho pa ito. Tantiya niya ay nasa limang

