PAGKATAPOS ng naging pag-uusap nila Dianna at Toni ay nagpaalam itong babalik na sa trabaho at may gagawin pa. Humingi pa ng pasensya ang dalaga sa kanya dahil hindi siya nito masasamahang maghintay roon kay Alexander. May importante pa raw itong tatapusin. Sinabi naman niyang ayos lang kung mag-isa siyang maghihintay doon. Tatlong oras na lang naman ang kanyang hihintayin. Malay rin ba niya— baka matapos nang mas maaga ang meeting ni Alexander at makapag-usap agad sila. But four hours had passed, and Dianna are still waiting in the lobby. Pasado alas otso na at unti-unti nang namamatay ang mga ilaw na kanyang natatanaw mula sa kanyang kinauupuan. Senyales na iyon na nagsiuwian na ang lahat ng empleyedong naroon. Maging ang babaeng una niyang pinagtanungan kanina ay wala na rin. Ngunit

