Chapter 45

1317 Words

NAIKUYOM ni Dianna ang dalawang palad nang masaksihan niya ang tagpong siguradong dudurog sa kanyang puso. Kusa ring nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. Sandali ring tumigil ang kanyang mundo sa mga oras na iyon. Malinaw niyang nakikita ang marubrob na paghalik ni Alexander kay Toni sa pinto ng unit nito. Tila ba walang pakialam ang dalawa kung may iba mang makakita sa kanilang ginagawa. Parang sila lamang dalawa ang nabubuhay nang mga oras ding iyon. Pero hahayaan na lamang ba niya na ganon ang gawin ni Alexander? Hindi ba siya lalaban? At bakit si Toni pa ang kahalikan nito? 'Talagang tanga ka kung pinaniniwalaan mo pa rin na sekretarya lamang siya ni Alex. Gumising ka na, Dianna!' sigaw ng kanyang isipan. Parang bomba sa kanya ang realisasyong iyon. Hindi nga baʼt masyadong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD