“BUWISIT!” hiyaw ni Toni makalipas ang ilang sandali. Naroon pa rin siya sa sahig at nakasalampak. Paniguradong nahakot na ng kanyang puting jeans ang dumi na naroon. Nang muli naman niyang sulyapan ang direksyon ni Dianna ay wala na ito roon at paniguradong nakasakay na ito ng taxi. Doble ang gigil niya ngayon dahil nakabawi ang babae sa kanyang pananabunot at bukod pa roon ay iniwanan pa siya ng mag-asawang sampal. Hindi agad siya nakalaban dahil agad rin siyang nakaramdam ng hilo dahil sa lakas ng sampal nito sa kanya. Nais niyang magtititili sa galit. Talagang wala na siyang pag-asa na mapadali ang lahat sa kanya. Kanina habang hinahalikan siya ni Alexander ay inakala niyang iyon na ang kanyang suwerte. Na sa isang iglap ay bigla na lamang nagbago ang isip nito at babawiin ang laha

