“OH, ANAK! Ginabi ka na nang todo. Nasaan si Alex?” bungad na tanong ng ina ni Dianna nang siya ay pagbuksan nito. “Wala po, Ma. Doon daw siya matutulog sa unit niya ngayon,” pasimple naman niyang sagot kasabay ng pagmamano rito. Akmang hahakbang na siya upang magtungo sana sa kusina nang pigilan siya nito. “Anak, magsabi ka nga sa akin ng totoo. May problema ba kayo ni Alex?” bigla ang pag-aalala sa mukha nito. Pilit naman siyang ngumiti upang magmukhang maayos. “Hindi po, Ma. Sige na. Matulog na po tayo—” “Anak?” tanong nito habang nakatunghay sa kanyang mukha. Puno ito ng pag-aalala. “Anong nangyari sa noo mo?” Mas lumapit pa ito sa kanya upang mas mapagmasdan ang kanyang mukha. Maging siya ay nagtaka ngunit dagli ring naalala ang nangyari kanina. Kusang umangat ang kanyang kamay u

