Chapter 18

1495 Words

MATAAS na ang araw nang magising si Dianna. Sinubukan niyang gumalaw upang bumangon mula sa kama ngunit umangal agad ang sariling katawan sa sakit. Tila mas tumindi ang pananakit ng buo niyang katawan ngayong nakapagpahinga na siya. Pero hindi naman maaaring nakahiga lang siya roon maghapon lalo paʼt nakakaramdam na rin siya ng gutom. Makapagtimpla lang siya ng kape at makapag-toast ng tinapay ay ayos na sa kanya. Kaya naman ay humugot siya ng maraming hangin bago muling sinubukan ang bumangon. Nagtagumpay naman siya at nagsimula nang humakbang patungo sa banyo upang maghilamos at magsepilyo. Nang makatapos ay inayos lamang niya ang suot na roba saka lumabas na ng kuwarto. Pero nasa hagdan pa lamang siya ay langhap agad niya ang mabangong pagkaing nagmumula sa kusina na ipinagtataka nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD