HINDI NA nag-abalang kumatok si Dianna sa pinto ng opisina ni Alexander. Nang masilyan niyang muli ang mukha nito ay hindi man lang ito nagulat sa bigla niyang pagsugod roon. As if he was already expecting her.
Pabagsak niyang inilaag sa mesa nito ang kahon ng pills. “Pati ba naman ito ay sapilitan ko ring iinumin?”
Isinandal nito ang likod sa sandalan ng kinuupuan. “We will gonna have s*x, Dianna. Having my seeds growing inside of you will not be a good idea.”
Hindi siya agad nakakibo sa katwiran nito. May punto ito roon.
'Ibig bang sabihin niyan ay pumapayag ka nang maging s*x slave ni Alexander?' tanong ng kabilang bahagi ng kanyang isipan.
Kaagad niyang kinontra iyon sa isip. “Hindi ibig sabihin na pumayag akong magpatingin sa nurse mo ay pumapayag na rin ako sa lahat ng gusto mo, Mr. Creed. Aalis ako rito at hahanapin ko si Mama.”
“Go ahead, Ms Montes and good luck with your journey,” anitong nang-iinsulto.
Naikuyom niya ang mga palad sa sobrang panggigil rito. Kitang-kita kasi sa mukha nitong buo ang kompiyansang hindi siya magtatagumpay sa binabalak at mapapahiya lamang siya.
“Napakasama mo!” Hindi na niya napigilang sigaw rito.
“Dianna,” anito at tumayo saka isinilid ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa. “Si Damian ang may gusto nito at hindi ako.”
“Palagi mo na lang ba idadahilan sa akin si Papa?” tiim bagang niyang tanong. “Puwede kang tumanggi sa inaalok ni Papa sa ʼyo noon pero sinamantala mo!”
“Donʼt worry, Dianna. After a year, makukuha mo ang lahat ng ari-arian niyo pati na ang bahay at lupa sa probinsya niyo. I have my word,” saad nito na para bang nakikipagnegosasyon lamang sa isang kliyente.
Ilang segundo siyang nakipagsukatan ng titigan dito ngunit marahang naglakad ang lalaki patungo sa malaking book shelf. Tila balewala lamang nitong itinuon ang atensyon doon.
Napayuko siya kasabay ng pagpikit at sa pagmulat niya ay pinangiliran na siya ng luha.
Napaluhod siyang bigla sa sahig at nakatingalang sinabi, “N-nakikiusap ako sa ʼyo, A-Alex. Pakawalan mo na ako. Hayaan mo na akong makita ang mama ko. B-bayaran ko na lang ang dalawang milyon— kahit na paunti-unti. P-please, Alex.” Nagsumamo na siya. Baka sakaling doon ay tablan ang binata.
May kinuha itong libro at humarap sa kanya. “You already have signed the papers. There is no turning back, Dianna. Whether you like it or not, you are my property now,” mariin nitong saad kasabay ng matiim na pagtitig sa kanyang mukha.
TATLONG araw na ang nakalilipas mula nang magtalo sila ni Alexander, ay hindi na muling nakita ni Dianna ang binata. Kung magpupunta man ito sa bahay na kanyang tinutuluyan ay palagi nang salisi sila— o mas tamang sabihin na iniiwasan siya ni Alexander.
Marahil batid na nitong kukulitin lamang niya ang binata na pakawalan siya upang mabisita man lang ang ina. Wala na talaga kasi siyang narinig na balita tungkol sa sariling ina mula nang napadpad siya sa bahay na iyon. Naging preso siya sa malaking bahay ng lalaki. At kahit puno ng mga maaaring maging libangan ang bahay na iyon ay hindi pa rin iyon sapat para kay Dianna. Madalas pa rin siyang umiiyak lalo na kung maaalala niya ang ina. Ni hindi man lang niya alam kung kumusta na ito. Nasa tamang oras pa kaya ang pag-inom nito ng gamot.
Dumako ang mga mata niya sa rack ng mga DVD. Kasalukuyan siyang naroon sa entertainment room. Tulalang nag-iisip hanggang sa naisipan niyang manood ng pelikula upang kahit paanoʼy mabawasan ang pangungulila para sa ina. Ngunit nang mapagmasdan niya kung gaano kalaki ang tv screen na mayroon sa silid na iyon ay biglang nagbago ang isip ng dalaga.
Lalo lamang niyang maaalala ang ina dahil isa sa mga paborito nilang bonding noon ng buong pamilya ang panonood ng movie. Lumabas na lamang siya sa entertainment room saka hinanap si Maria.
Once a week, nagpupunta ito roon sa bahay upang maglinis ng garden o kaya ng pool, base rin iyon sa kuwento ng babae sa kanya. Sa tuwing dumadating ito ay lagi rin itong may dalang groceries. Kung minsan naman ay pares ng mga damit. Batid niyang galing lahat iyon kay Alexander.
Makalipas ng ilang sandaling pag-iikot sa buong bahay ay hindi niya natagpuan si Maria. Marahil ay nakauwi na ito. Ganoon naman palagi. Palaging bigla na lamang mawawala ang babae sa tuwing natatapos na nito ang lahat ng gawain.
Nagtungo siya sa kusina upang uminom ng tubig saka umupo sa isang silya na naroon. Muling naglakbay ang kanyang isipan sa sitwasyong mayroon siya. Paano kung wala na talagang paraan upang bawiin ni Alexander ang napagkasunduan nito at ng kanyang ama?
Muli siyang tumayo at nagtungo sa labas ng bahay kung saan tanaw niya ang mga puno at ang kalangitan. Kung makikita niya si Alexander ay kailangang makausap niya ito at makipagkasundong muli.
NAPATAYO mula sa kanyang pagkakaupo sa sahig si Dianna nang marinig niya ang tunog ng isang kotse. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng libro na hindi naman niya naiintindihan dahil kusang naglalakbay ang isip niya sa kung ano ang maaaring maging kahihinatnan ng magiging pag-uusap nila ni Alexander.
Mabilis niyang tinungo ang pinto ng kanyang silid saka inikot ang paningin sa buong sala. Mabilis niyang binagtas paibaba ang hagdan at nakita ng dalaga ang papasarang pinto ng study room. Tinungo niya iyon saka kumatok. Hindi na niya hinintay na sumagot ito mula sa loob kaya basta na lamang niya binuksan ang pinto.
Napamulagat siya nang maabutang nakahubad baro si Alexander at walang emosyong nakamasid lamang sa kanya.
“S-sorry, s-sige. Magbihis ka na muna. Lalabas—”
“May sasabihin ka?” he said in a husky voice. He sounds like you-can-see-it-donʼt-worry.
She bows her head trying to hide her red face. “H-hihintayin na lamang kita m-matapos magbihis—”
“I donʼt have much time. So, tell me what is it,” seryosong sabi nito at hindi na itinuloy ang pagbibihis.
“A-ano kasi—”
“Kabastusan yata para sa ʼkin ang kausapin mo nang hindi tumitingin. Hindi ko rin gaanong marinig kung ano sinasabi mo. Lumapit ka rito,” utos nito na tila isa siyang bata.
Hindi siya nakagalaw mula sa kanyang kinatatayuan. Tila ba itinulos siya sa kanyang kinatatayuan.
'Ikaw nga ʼyong bastos dʼyan. Nakahubad ka pa rin!'
“I donʼt usually repeat what Iʼve already said,” sabi nitong may pagbabanta na.
Dahil doon ay napilitan na siyang humakbang palapit sa binata ngunit nananatiling nakayuko pa rin ang kanyang ulo. Natatakot siyang muling masulyapan ang gandang taglay ng pangangatawan nito.
'Alalahanin mo, Dianna. Hawak niya ang mama mo. Masama siyang lalaki.'
Kaya bago pa man siya tuluyang matuwa sa tanawin ay naglakas loob na siyang magsalita. “M-may gusto akong h-hilingin sa ʼyo.” She suddenly saw him smirk.
“Kung tungkol iyan sa mama mo, tapos na tayo dʼyan.”
Ngayon, lakas loob na niyang tiningnan sa mata si Alexander. “H-handa na akong gawin lahat ng ipapagawa mo sa akin pero hayaan mo akong madalaw ang mama ko. Gusto kong malaman kung nasaan siya at kung kumusta na siya. Nakikiusap ako, A-alex.”
Tinawid nito ang distansya sa pagitan nilang dalawa saka hinawakan ang kanyang baba upang itaas ang kanyang mukha at matiim na tumitig sa kanyang mukha. Halos malanghap na niya ang mabangong hininga nito. Mainit din ang daliri nitong nakadampi sa kanyang balat.
“Lahat gagawin mo, Dianna?” paanas nitong tanong sa kanyang mukha dahilan upang malanghap niya nang tuluyan ang pinaghalong amoy ng alak at mint sa hininga nito.
Marahan siyang tumango. “O-oo.” Tila siya sinipa ng kabayo sa dibdib sa sobrang pagkakalapit nilang dalawa.
“Okay. Good.”
Lumayo si Alexander mula sa kanya saka binuksan ang maliit na cabinet sa sulok. Naglalaman pala iyon ng iilang damit pang opisina.
“Bukas, ipasusundo kita sa driver para makita ang mama mo,” saad nito kasunod ng paglagpas sa kanya at iniwan siyang mag-isa sa silid na iyon.