Chapter 29

1174 Words

KINABUKASAN, kahit medyo antok pa ay maaga pa ring gumising si Dianna upang paghandaan ng almusal si Alexander. At kung siya ang tatanungin, isang napakalaking pagsubok talaga para sa kanya ang pagtulog kagabi. Hindi siya makatulog nang maayos kakaisip ng inamin sa kanya ng lalaki at sa halik na kanilang pinagsaluhan kagabi na baka kung hindi dahil sa mama niya na baka magising ito at hanapin siya ay baka kung saan na sila umabot na dalawa. Sa sobrang lutang ng kanyang isipan ay hindi na pala niya namamalayang umaapaw na pala ang kapeng isinasahod niya sa tasa. Kaagad niyang binitiwan ang pihitan ng coffee maker upang pahintuin ang pagtapon ng kape sa sahig. Mabilis siyang kumilos upang kumuha ng mop upang punasan ang sahig. Mabuti na lamang at hindi siya napaso sa kanyang katangahan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD