“ANAK, nanliligaw ba sa iyo ang amo mo?” isang katanungan iyon na nagmula sa ina ni Dianna na ikinabigla niya. Kasalukuyan silang nasa veranda nang mga oras na iyon. Kapwa sila gumagawa ng cross stitch. Kasama iyon sa mga pinamili ni Alexander kahapon nang sunduin nito ang kanyang ina mula sa tinutuluyang bahay. Ilang set din iyon ng cross stitch na siguradong hindi agad mauubos. May mga pinamili ring mga bagong damit nila ng kanyang ina ang binata na medyo ikinahiya ni Dianna dahil alam na alam ng kanyang amo ang sukat ng kanyang katawan. Pati ang sukat ng mga bra at panty ay alam nito. At ipokrita siya kung hindi niya aaminin sa sariling hindi siya natutuwa at kinikilig sa mga ipinapakita sa kanya na kabutihan ni Alexander. Nakikita rin niya ang effort nitong mapalapit pang lalo sa kan

