Chapter 4

1132 Words
“ANO?!” “Yes, Dianna. Iyan ang mga nakasaad sa last will ni Damian,” turan ni Mr. Arellano bago muling sinamsam ang mga dokumentong nagkalat sa mesa. “Sandali po,” awat niya rito. “Ang sinasabi niyo po ba sa akin ay kailangan kong magtrabaho sa isang taong hindi ko kilala nang walang bayad o mukukuhang ano pa man? Nang sa ganoʼn, doon ko lamang po mababayaran ang lahat ng mga utang ni Papa?” “Exactly.” Umiling siya. “Hindi puwede. Ayoko sa ganyang ideya.” “But itʼs not an idea, Hija. Itʼs a deal between Damian and AC Bank, Dianna. Kung ayaw mo, bayaran mo na lamang ang dalawang milyon within next week at tapos na ang problema mo. But if you did not make it on time, baka lalo ka lamang magkaproblema. Ayaw mo naman sigurong mangyari pa iyon,” pagbabanta nito. Nilingon niya ang nakasarang pinto ng silid ng kanyang ina. “Sino po ba si Alexander?” Tumayo na ito mula sa kinauupuan nang masigurong nailigpit na ang lahat ng mga papeles. “Bukas ay babalik ako rito upang sunduin ka at ihatid sa bahay ni Mr. Creed. Kaya ihanda mo na ang lahat ng mga dadalhin mo dahil maaga akong magtutungo rito.” Hindi nito sinagot ang tanong niya. Nabigla siya sa sinabi ng abogado. “Po? Mga dadalhin? Bakit po? Saan po ba nakatira ang magiging amo ko?” “Sa Maynila. Sige na. Aalis na ako. May mga bagay pa akong dapat asikasuhin.” Humakbang na ito patungo sa pinto. “Maynila? Paano po si Mama? Siguro naman puwede ko siyang isama roon?” Muli siyang hinarap ng abogado. “Siya nga pala, nakalimutan kong banggitin sa iyo na hindi mo siya maaaring isama sa bahay ni Mr. Creed.” Napamulagat siya. “Hindi ako papayag. Hindi puwedeng maiwan si Mama rito nang mag-isa. Alam niyo naman pong may sakit siya at wala nang mag-aalaga pa sa kanyang iba. Ako lang.” “Ayusin mo na lamang ang gamit niya. Bukas, si Mr. Creed na lamang ang bahalang magpaliwanag sa ʼyo ng lahat.” “P-pero—” “Huwag kang magdedesisyon nang hindi naaayon sa kontrata, Dianna. Siguradong ayaw mong magkaproblema,” muling pagpapaalala nito bago tuluyang mawala sa kanyang harapan. Muli siyang napaupo sa dating inupuan ng abogado. Hindi niya mahanap sa isip ang dahilan kung bakit inilagay siya ng ama sa ganoong sitwasyon. Magpapakaalila siya sa taong hindi niya kilala sa loob ng isang taon at wala pang kabayaran na matatanggap. Wala rin naman siyang nakikitang ibang solusyon sa problema. Bukod sa palaisdaan ay wala na siyang ibang mapagkukunan ng pagkakakitaan. Mayroon siyang naitabing pera pero hindi sasapat iyon. Iniisip pa naman niya kanina lang bago sila magkita ng abogado ay gagamitin niya ang naipong pera upang makapaghanap ng trabaho at panimula na rin nila ng ina. Iyon palaʼy iba ang nakalaang dapat niyang gawin. Saka anong klaseng tao kaya ang pagsisilbihan niya? Ano ang ginawa nito para mapapayag ang kanyang ama na siya ang gawing pambayad utang? Napapikit siya at tumingala sa kisame. “Pa, bakit? Bakit mo ako nilagay sa sitwasyong ito? Ano po bang binabalak niyo?” naitanong niya sa hangin. INAKALA ni Dianna na iiwan nila ang kanyang ina sa bahay ngunit laking tuwa niya nang magbago ang sinabi ni Mr. Arellano kahapon at ngayon ay kasama na nila ang ina sa malaking bahay na iyon. Napaisip siya kung ilan ang nakatira sa bahay na iyon. Sala pa lang kasi ay napakalawak na. Lahat ng mga gamit doon ay pawang itim ang mga kulay maliban na lamang sa sahig, kisame at mga pader na kulay puti. Nasa gitna ng salang iyon ang mahabang sofa na hugis letrang L. Nasa tapat din ng mga sofa ay ang tila Japanese style na mesa dahil sa baba. Kapansin-pansin din ang napakalaking tv screen sa harapan na may iilang libro ang magkakapatong. Walang gaanong mga gamit pero mukhang lahat ng naroon ay mamahalin. Naisip niyang hindi pala lahat ng mayaman ay mahilig sa gamit. Minimalist yata ang tawag doon. “Maupo muna kayo. Pahahandaan ko muna kayo ng meryenda sa caretaker nitong bahay,” sambit ni Mr. Arellano sa kanila. Tumango siya at binisitahan muna ang ina kung may kailangan ba ito wala ngunit hindi naman ito umimik. Even her mother was mesmerised by the place. Mula sa hindi kalayuan ay nakita niyang may kinausap si Mr. Arellano na babae na sa hula niyaʼy, iyon ang caretaker na tinutukoy ng abogado. Masyadong maganda ang bahay at tingin niya ay hindi siya mahihirapang linisin ang kabuuan nito dahil tila hindi naman nadudumihan ang loob ng bahay. Malayo kasi sa kalsada ang kinatatayuan nito. May ilang metro kasi nilang biniyahe ang daan mula sa pinaka-gate patungo sa bahay. Mayamaya paʼy nakita niyang may kinakausap ang abogado sa telepono. Naawat lang ang pagmamatyag niya nang bumalik ang caretaker na may dalang tig-isang hiwa ng cake sa dalawang platito at dalawang baso ng juice sa ibabaw ng tray. “Kumain na muna kayo,” anito saka ngumiti. Sa tingin niya ay matanda lamang ito ng ilang taon sa kanya. Matangkad ito at mayroong balingkinitan na pangangatawan. Ang buhok nito ay kinky ngunit maliban doon ay may ganda rin itong itinatago. Hindi nga lamang agad mapapansin sa unang tingin Gumanti siya ng ngiti. “Salamat.” Lumapit naman sa kanila ang abogado at ipinaalam na malapit na raw dumating ang magiging amo niya. Nai-imagine ni Dianna na ang magiging hitsura ng kanyang amo. Malamang ay nasa fifties na ito at may asawaʼt anak na. Siguro naman kahit sabihing libre ang pagsisilbi niya sa lugar na iyon ay libre naman para sa kanilang mag-ina ang magiging pagkain nila sa araw-araw. Isang bagay na lamang ang nagpapalakas ng loob niya. Makakaya ni Dianna ang lahat ng pagsubok basta nasa tabi lang niya ang ina. Ilang minuto ang lumipas ng kanilang paghihintay ay bumalik si Mr. Arellano nang may kasama. Pagpasok pa lamang ng lalaki ay nakaramdam agad siya ng tensyon. May kung ano sa presensya ng matangkad na lalaking dumating. His eyes were cold when he shot it unto her. Inakala ni Dianna na lalapit ang mga ito sa gawi nila pero sa halip ay nag-iba ang direksyon ng lalaki at nagtuluy-tuloy ito sa isang pinto malapit sa hagdan. Hindi man lang ba nito napansing naroon sila ng kanyang ina? Muling nagbalik ang abogado sa gawi nila makalipas ang ilang minuto. “Dianna, nais kang makausap ni Mr. Creed. Sumunod ka sa akin.” Sandali niyang nilingon ang ina na tahimik lang na nakatingin sa kanila. “Hintayin niyo po ako riyan, Mama. Babalik din ako agad.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD