Chapter 49

1022 Words

“TULALA ka na naman diyan, Leng,” puna ni Nancy kay Dianna nang makita siya nito malapit sa fish cage. Kaagad siyang napalingon sa kababata at kaklase rin. Bukod kay Kiko ay isa rin ito sa mga kaibigan niya. Sa lugar din nila ay kilala siya sa palayaw na Leng. Ang palayaw na iyon ay binigay ng kanyang ama. Kay Nancy din siya madalas magkuwento at magsabi ng mga nangyayari sa buhay niya ngunit ngayon ay mas pinipili na lamang niyang mapag-isa palagi. “Alam mo, kaunti na lang— iisipin ko nang may nangyari sa ʼyo sa Maynila.” Pinagmasdan siya nito. Pilit siyang ngumiti. “Ha? Bakit mo naman nasabi ʼyan?” pagpapatay malisya niya kasabay ng muling pagsaboy ng feeds sa mga isda. “Nawala kasi ʼyong siglang mayroon ka. Madalas ka noong kumakanta kapag nag-iisa kahit wala sa tono ang boses mo. S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD