ISANG umaga ay nagising na lamang si Dianna na inaapoy ng lagnat. Sobrang sakit din ng kanyang balakang na tila mahahati iyon. Hindi rin siya makabangon upang kumuha ng gamot na maiinom. Hanggang sa kusa nang pumasok ang ina sa silid niya at napag-alaman nito ang kanyang sitwasyon. Ipinaalam niya ang lahat ng nararamdaman dito lalo ang pananakit ng balakang. Pareho nilang inakalang isa lamang iyong simpleng pilay kaya naman imbes na sa hospital sila nagtungo ay pinainom lamang siya ng ina ng paracetamol upang bumaba ang lagnat at pinunasan ng maligamgam na tubig. Dahil may kalayuan din ang hospital sa kanila ay manghihilot muna ang una nilang nilapitan. Sinuri ito ni Aling Tarsing at sinalat ang noo. “Naku, napakataas ng iyong lagnat. Ano ba ang ginawa mo at ganyan kataas ang iyong lagn

