Chapter 51

1310 Words

NANG imulat ni Dianna ang mga mata ay nasa hospital pa din siya. Medyo bumuti na rin ang kanyang pakiramdam. Nilingon niya ang inang tahimik lamang na nakaupo habang nakatitig sa kanya. “Ma,” mahinang tawag niya rito. Kaagad naman itong lumapit sa kanya. “Kumusta na ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang balakang mo? Nahihilo ka pa ba?” magkakasunod nitong tanong. “Hindi na po. Ano raw po ba ang sakit ko? Sana naman trangkaso lang talaga,” pinilit niyang pasiglahin ang tinig kahit bahagya pang namamaos ang kanyang boses. Dumapo ang isang palad ng kanyang ina sa ibabaw ng tiyan niya. “Buntis ka anak. Magdadalawang buwan na.” “Buntis?!” Dahil sa narinig ay bigla siyang napabangon dahilan upang bahagyang mahatak ang kanyang dextrose. “Oh, anak!” Maging ito ay nabigla sa kanyang reaks

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD