SA PAGLIPAS ng mga araw ay nagpatuloy ang buhay ni Alexander. Hindi niya binibigyan ang sarili ng oras upang magkaroon ng pagkakataong makapag-isip ng mga bagay na hindi naman makakatulong sa kanya at isa na nga roon si Dianna. Pinilit niyang ibaon sa limot ang babaeng nagpagulo ng kanyang pusoʼt isipan. Oo, nagagalit siya nang sobra sa babae ngunit may bahagi pa rin ng pagkatao niya ang nangungulila para sa dalaga. Pero dahil mas nananaig sa kanya ang pride at ang mga naranasan noong bata pa siya ay hindi niya hahayaang pangibabawan siya ng sariling damdamin at magpakatanga. Talagang itinatak na niya sa kanyang isipan ang huling bilin ng kanyang ama na huwag magpapadala sa mga babae. Kaya hayun, balik na naman si Alexander sa dating siya. Walang humpay na trabaho. Muli niyang ikinulon

