Chapter 32

1217 Words

“PUWEDE mo na bang sabihin sa akin kung saan ba talaga ako dadalhin nitong kotse? Kasi sa totoo lang parang hindi maganda ang kutob ko rito,” sabi ni Dianna kay Maria. Pinilit din naman niyang magmukhang nagbibiro dito kahit na nga ba ang totoo ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan niya. May limang minuto na rin ang nakararaan mula nang umalis sila mula sa parlor. Madilim na rin ang paligid nang sila ay makabyahe patungo sa kung saan man. Kapansin-pansin din para sa kanya ang suot na damit ngayon ni Maria dangan nga lamang ay marami pa siyang iniisip kanina. Nakasuot lang naman din ito ng isang simpleng itim na evening dress. Ang buhok nito kaninang sobrang kulot ay tila himalang nabanat agad nang ilang oras lamang nilang pananatili sa parlor. Kamuntikan pa nga niya itong hindi maki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD