Oh fvck! Anong ginawa ko? Parang may bakal na kamao ang sumuntok ng malakas sa dibdib ni Miguel habang pinagmamasdan niya ang bawat pagpatak ng mga luha ni Dorothea. Ngayon lang niya ito nakitang umiyak at hindi niya inaasahan na ganoon ang mararamdaman niya na parang gusto na niyang suntukin ang sarili dahil alam naman niya na mali ang ginawa niya. “I-im—” hindi niya magawang ituloy ang sasabihin niya dahil narinig niya ang impit na paghikbi ng dalaga. Napalunok siya kasabay nang pagpipigil na abutin ito at ikulong ng mahigpit sa mga bisig niya. Buong buhay niya ay ngayon lang niya sinisi ng sobra ang sarili niya. Gaano nga ba kabigat ang pagkakamaling ginawa niya para lang sisihin at murahin pa niya ang sarili? “Ang sama mo, ang sama-sama mo!” taas baba ang dibdib na asik nito sa k

