Kanina pa nagtataka si Dorothea sa mga ikinikilos ni Miguel. Dati ay madalas na nakasimangot ito sa kaniya pero ngayon ay parang nag iba ang ihip ng hangin. Panay kasi ang ngiti nito na para bang may magandang nangyari dito ngayong araw. Sa halip na pansinin ang binata ay mas pinili na lang niya na ituon ang atensiyon sa trabaho. Buong araw siyang nagdrive dahil maraming inasikaso ang amo niya. Pagsapit naman ng hapon ay bumiyahe sila patungong Maynila. Dahil sa matinding traffic kaya lampas alas otso na ng gabi nang makarating sila sa hotel na pag aari ng mga Mondemar. “Okay ka na po ba dito, sir? Lilipat na ako sa kabilang kwarto.” Paalam niya kay Miguel pagkatapos niyang mailapag sa mahabang table sa may paanan ng kama ang mga folder na bitbit niya. Mula sa paghuhubad ng itim na

