“Bakla ka! Ang landi mo, ateng! Kayo na ba o may something lang?” Napangiwi si Dorothea nang magsimulang tumili si Selly. Pinalo niya ito sa braso at agad na sinaway. Sa oras na magising ang kaniyang ama ay siguradong masesermunan silang dalawa dahil sa pag iingay nito. “Eh, ikaw kasi binibigla mo ako!” nanghahaba ang nguso na sabi nito. Naupo ito sa tabi niya kaya mas lalo pang naging masikip ang maliit niyang kama. “”Ano nga, kayo na?” “Hindi ko alam, siguro? Parang papunta na doon?” nalilitong sagot naman niya. Hindi rin naman kasi niya alam ang estado ng relasyon nila ni Miguel. Sino ba naman kasi ang mag aakala na mauuwi silang dalawa sa ganoon? at sino rin ba ang mag aakala na unti unti siyang babaguhin ng mga nararamdaman niya sa binata? “Hindi ko masyadong gusto ang sago

