8

2461 Words

“So?” “Anong ‘so’?” nakangiwing tanong ni Dorothea habang nakatitig pa rin sa kaniya si Miguel na para bang pilit nitong binabasa ang bagay na tumatakbo sa isip niya. Kung pwede lang siyang kumaripas ng takbo para makalayo sa amo niya ay ginawa na niya. “May kasama ka nga?” Ilang beses pa siyang lumunok para pigilan ang matinding kaba na nararamdaman niya. Kung hindi agad umalis si Suzy ay may posibilidad na magkita ang dalawa at baka sa huli ay malaman pa ng binata ang mga plano ng pinsan niya. Kapag nagkataon ay baka talagang mawalan na siya ng trabaho. “U-umalis na,” “Date?” “Hindi ah!” mabilis ang ginawa niyang pag iling. Bahagyang namula ang mukha niya sa pagkapahiya nang mapansin na pinagtinginan siya ng mga tao dahil sa biglang pagtaas ng boses niya. Naninising tingin an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD