“Miguel!” “Ang taray ng lola mo, first name basis na ngayon.” Malakas na napasinghap si Dorothea nang tumambad kaniya si Selly. Nakatayo ito sa may paanan ng kama at malamang na kanina pa siya hinihintay na magising. Ngumiwi siya nang lumapit sa kaniya ang pinsan at hawakan ang kamay niya. “Cousin, may masakit ba sa'yo? nagugutom ka ba? Magsalita ka naman, halos isang araw kang nakatulog kaya sobrang nag aalala na ako sa'yo.” Umungol lang siya at sinapo ang kumikirot na ulo. Pilit na inaalala niya ang nangyari at kung bakit nga ba siya napunta sa ospital. Ipinikit niya ang mga mata kasabay ng biglang pagsikip ng dibdib niya nang lumitaw sa isip niya ang mukha ni Miguel. “N-naalala ko na, may bumaril sa akin!” “Oo, nakakulong na sila. Nahuli na sila ng mga pulis at nalaman na ri

