(Two sides of equation) SABAY NA DUMATING sina Lorcan at Wolf. Nagsisimula pa lang ang inuman at nanatili siyang nakatitig sa kawalan. Wala siyang nararamdamang sakit mula sa sugat na natamo sa braso kung hindi ang sakit sa puso na dinanas niya sa buong araw. Alas diyes na ng gabi ngunit tila mahaba pa ang oras. Mahaba pa ang oras para magpakalunod sa alak. “Mabuti at saktong nasa Pilipinas pala kayo,” simula ni Braxton. Hindi naman kasi kayo nagsi-seen man lang sa group chat. “Ipinaalam ko kay Justice. Medyo busy lang,” si Lorcan. “Ano ba ang atin?” Sabay na napatingin sa gawi niya sina Braxton at Justice. “Ah… actually kailangan ni Garette ang presensiya natin. He need someone to talk to.” “Tungkol ba saan? Babae ba iyan?” tanong ni Lorcan. “Kung kailangang bangasan ang mukha

