(The guest of the house) “ANO ANG SINABI MO, Britney?” ulit niyang tanong sa kapatid. “Hindi mo ba narinig, Kuya? Siya ang totoo mong ama.” Pagak siyang tumawa. “Ano ito? Pina-prank ninyo ba ako o ano? Hindi iyan nakakatuwa, Britney.” “He is indeed your real father, Garette,” sabad ng Mom niya. “Siya ang matagal ng naghahanap sa iyo.” “Are you f*****g kidding me?! Paano naman kayo nakakasiguro na siya ang ama ko? Paano kung palabas niya lang iyon, ha? Naniwala kayoa agad sa kanya?” “Your words, Garette!” Tumayo na ang kanyang ama. “Wala ka na ba talagang naiiwang respeto riyan sa katawan mo? Nandito na ang totoo mong ama! Ganyan mo ba siya haharapin? At kailan ka pa naging bastos? Ha, Garette?” “Bakit Dad? Kilala ninyo na ba ng lubusan ang lalaking iyan? Paano kung nagsisinungaling

