(Going home unexpectedly) ISANG MAHIGPIT na yakap ang iginawad niya kay Fortney bago ito tuluyang umalis ng kanyang silid. Ramdam niyang ayaw nito umalis ngunit kailangan. Nangako siyang irerespeto ang ano mang nais at desiyon nito. Ganoon niya kamahal ang dalaga. Kahit na masakit ay pipilitin niyang gawin para sa minamahal. Hinawakan pa niya ang kamay nito kaya ito napalingon sa kanya. Umiiyak pa rin ito. Pareho silang nasasaktan. Pareho silang nahihirapan ngunit hindi nila saklaw ang tadhana. Karuwagan mang isipin na hindi nila magawang ipaglaban ang pagmamahal ang isa’t isa subalit masakit ang katotohanan na may mga bagay na hindi nila kayang kontrolin. May mga bagay na walang kasiguruduhan. Marahil sa una pa lang ay mala na ang naging simula nilang dalawa. Mali na ipinagpatuloy pa

