(His excitement) “CHEERS! Para sa kaligayan ni Garette,” malakas na turan ni Braxton kasunod ng tunog ng mag bote. “Akalain mo iyon, bro! Hindi ka talagang ipinanganak na malas. Ang swerte mo talaga!” Natatawa na napailing siya. Matapos niyang i-kwento sa mga kaibigan niya ang tungkol sa rebelasyon ng kanyang tunay na ama ay nag-aya na mga ito na uminom upang i-celebrate iyon. “Kailangan na ba naming maghanap ng susuotin? Hindi kami pwedeng mawala sa napaka-espesyal na araw ng buhay mo, Garette,” sabad naman ni Justice. “Masaya ako para sa iyo, Garette.” “Salamat, bros. Kung ako lang ang masusunod ay kanina ko pa pinuntahan si Fortney. Gustung-gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit.” “Huwag ka naman mang-inggit lalo na sa singlie na katulad namin,” ani ni Wolf at isa-isang tinitigan a

