(Her true feelings) ARAW NA NG KASAL niya. Hindi na naman nakatulog si Fortney kagabi dahil sa hindi maintindihang takot sa kanyang dibdib. Mabuti na lang talaga at laging nasa tabi niya si Karen kaya kahit papano ay gumaan ang kanyang nararamdaman. “Fortney, okay ka lang ba?” tanong nito habang nakatingin sila sa harap ng salamin. “Dapat masaya ka ngayon, okay? Pilitin mo munang kalimutan ang mga bagay na gumugulo sa isipan mo. Ang dapat mong isipin ay ito ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay mo, hmmn?” Napangiti siya saka malalim na bumuntunghininga. “Salamat, Ate. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka.” “Ngayon pa ba tayo magdadrama? Huwag mong kakalimutan na lagi akong nandito para sa iyo, hmmn? Kaya smile naman diyan.” Mahina siyang tumawa. Napangiti siya sa sinabi ng kap

