(The feeling if being in love) “OKAY KA LANG, BABY?” malambing na tanong ni Garette sa kanya. Sininghut-singhot pa nito ang buhok niya ng maraming beses saka tuluyang inilubog ang mukha sa kanyang balikat. “Mukhang kukulitin na ako ni Mom at Dad na dalhin ka sa bahay. Ang mga iyon ay laging excited lalo na pagdating sa akin.” “Baby,” tawag niya sa nobyo. “Salamat ha? Hindi mo ako pinabayaan kahit na alam mong puno ng kaba ang dibdib ko. Natatakot lang kasi ako na hindi nila ako magustuhan para sa iyo.” “Bakit naman hindi ka nila magugustuhan? Siguradong hindi ka nila titigilan kapag nakita ka na nila.” “Bakit sila ganoon?” “Ano ang ibig mong sabihin?” “Bakit pagdating sa iyo ay excited sila?” “Kasi hanggang ngayon baby pa rin ang tingin nila sa akin. Akala nila hindi na ako makakapa

