KABANATA 59

1309 Words

(Just a happy day with the two of us) “SERYOSO KA TALAGA SA sinabi mo?” tanong ni Fortney sa nobyo na hindi iniinda ang bigat ng dala na mga pinamili nila sa palengke. Alam niyang mabigat iyon subalit hindi pa rin man lang nito niluluwagan ang pagkakahawak sa isa niyang kamay. “Ano ba ang sinabi ko?” “Na iimbitahan mo ang mga tao kanina kapag ikakasal na tayo.” “Bakit hindi? Pwede naman para maging saksi sila ng pagiging mag-asawa natin.” “Ang dami kaya nila,” parang bata na sabi niya. “Hindi mo kailangang problemahin iyon saka tiyak naman na hindi naman seseryosohin ng mga iyon ang sinabi ko. At kung mangyari man, hinding-hindi makukulangan ang mga Alvarez ng panggastos.” Kinindatan siya nito. “Speaking of Alvarez, alam ba nila na nandito ka?” Tumigil ito sa paghakbang. “Oo naman.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD