(Why she can’t say no?) HINDI SI FORTNEY tinigilan ni Karen sa kakatanong kung sino ang nagahtid sa kanya sa MFC building. Wrong timing lang talaga ang gusto sana niyang pagsosolo na nauwi sa pagsakay niya sa sasakyan ni Garette. Hindi tuloy siya makakain ng maayos dahil hindi mawala sa isipan niya ang muntik na sanang pagtalunan nilang dalawa. “So, sino itong investor na naghatid sa iyo kanina?” tanong na naman nito. “Bakit ba kailangan alamin pa? Si Mr. Monteverde iyon.” “Masama na ba magtanong ngayon, my little sister?” malambing ngunit may diin ang pagkakasabi nito. “Hindi naman kaya lang ang nonsense kasi. Buti nga nagmagandang loob ‘yung tao na isabay ako,” nayayamot niyang sabi. Kulang na lang ay sermunan siya ng kapatid. “Bakit kasi ang aga mong umalis? Sana ginising mo man

